Maaga nanaman akong nagising ngayon umaga but I feel so tired. Katamad din pumasok, buti na lang talaga hindi alam ng tatlong asungot na iyon kung saan ang room ko. Mababaliw na talaga ako sa mga nangyayari puro na lang kasi away ang ginawa ko this few days kaya naman napag-desisyonan ko na pahinga mona ako ngayong araw.Hindi rin ako papasok para makaiwas ako sa tatlong mukhang tikling na iyon, kala mo talaga kinaganda nila ang pag-iinarte nila sakin kahapon. Ang school na nga lang ang pinakapayapa kong lugar tapos ngayon hindi na dahil may mga kaaway na rin ako, pero wala naman akong pakealam dahil kayang kaya ko makipag bardagulan sa kanila.
Lumabas na ako ng aking silid para maghanap ng makakain, puro kasi warla ang nasa isipan ko kaya madali talaga akong magutom ngayon. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si mommy.
"Kamusta ka na po, mommy?" pagtatanong ko rito.
"Okay naman ako Jamie, nabadtrip lang ako noong isang araw dahil ayaw ko nakikita na sinasaktan ang anak ko." sambit nito.
Kung alam mo lang mommy, ako nga ang laging nananakit. Maldita kaya itong anak mo. sabi ko na lang sa isipan ko at bahagyang napangiti.
"Oo nga pala, walang gatas, bumili ka mona." naalalang sabi nito sabay abot ng pera sa akin. Nakakainis naman talaga umiiwas nga ako sa away tapos pabibilhin pa ako nito ng gatas sa tindahan.
"Sa totoo lang mommy tinatamad ako, pero dahil mabait ako ngayon bibili ako ng gatas sa tindahan." sambit ko at lumabas na para bumili.
Pagbukas ko ng gate ay nakita ko ang mga pokables na nag-aalmusal sa kubo. Napapaisip nga ako kung umuuwi pa ba ang mga batang ito sa kani-kanilang mga bahay? O baka naman kina Rona na sila nakatira.
Hindi ko na lang pinasin ang lahat ng nakikita ko at naglakad na patungo sa tindahan, hindi pa man ako nakakalayo ay narinig kong nagsalita si Sam.
"Ang sama ng lasa ng kape!" sambit nito sa malakas na boses na tila nagpapatama yata. Nagtawanan naman ang ibang naroroon.
Deadma parin ako kunyari wala akong naririnig, dapat magawa ko ang goal ko ngayong araw na wala na muna akong aawayin. Pahinga mona sa gulo. Kalma self.
Nagpatuloy na lang ako maglakad hanggang makarating na nga ako sa tindahan.
"Pabili pong gatas." sambit ko sa tindero. Sa ibang tindahan na pala ako bumili dahil ayaw ko doon sa tindahan malapit sa bahay nila Loreta at Divina.
"Anong gatas?" sambit ng tinderong bata na si David.
"Bear brand, yung nasa pack." sambit ko.
"Parang ikaw ate Jamie?." nakangiti nitong sabi sakin.
"Huh? diko gets." sabi ko.
"Sabi ko ikaw, nasapak." natatawa nitong sabi.
"Hahhahha. sanay na ako ano ba." natatawa ko na lang na sabi.
"Araw-araw hindi nawawalan ng kaaway eh." dagdag pa nito.
"Ayaw ko kasing magpatalo no, syempre palaban ako." pagmamayabang ko pa sa tinderong bata.
"Mabait ka naman dati diba? Bakit ngayon palaaway kana?" pagtatanong nito.
"Hindi ko nga rin alam eh." sambit ko na lang para matapos na, nakakahalata na ako sa bata na ito ah, tanong ng tanong.
"Nasan na yung gatas?"
"Ay ito." natawang sabi ni David at inabot na sakin ang gatas at umalis na rin ako para makabalik na sa bahay at makapagtimpla ng gatas.
Pagkarating ko sa tapat ng gate namin ay narinig ko ang pagpaparinig ni Rona.
"Sumbong nanay, aping-api naman ang baby na yan." pagpaparinig nito. Kumunot na lang ang noo ko at hindi na pinansin pa ang sinabi niya. Pasalamat talaga siya dahil may goal ako ngayong araw kung hindi ay ginantihan ko siya ng mga matatalim na banat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/227195242-288-k862670.jpg)
YOU ARE READING
Warla Prinsesa
De TodoTungkol ito sa mga magkakaibigan na naging magkakaaway. Mga plastik kasi at inggitan ang dahilan, bukod pa doon mang-aagaw pa ng crush yung isa d'yan. Ito ang istorya na bawat chapter may away. 😂 Halina't makichismis.