CHAPTER 1

58 5 0
                                        

"Ang ganda mo talaga, Jamie!" Sigaw ng friend kong beki na si Bugay. Pumapalakpak pa ito habang papalapit sa akin, halata sa kanya ang labis na kasiyahan dahil sa ginawa ko.

"Alam mo 'yan!" Biro ko pa saka umapir sa kanya. Katatapos ko lang makipag-away sa bwiset na Rona na iyan. Paano kasi habang nakasilip ako sa aming gate ay nakita ko ang kaaway ko na iyan, kinakausap ang dalawang member ng pokables na sina JC at Sam. Narinig kong sinabi niya na may nakakahawa daw kaming sakit kaya huwag daw silang lumapit sa tapat ng bahay namin at baka daw mahawaan sila. Sa galit ko dahil sa fake news na sinabi nito ay agad akong lumabas ng bahay para kausapin siya.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na may nakakahawa kaming sakit." Mataray na sabi ko sa kanya. Makikita sa mukha nito ang pagkagulat dahil hindi niya akalain na maririnig ko ang mga sinabi niya. Tahimik lamang na nasa tabi ang dalawang pokables.

"O, bakit hindi ka makaimik? Nagulat ka ano? Dahil nahuli ko ang kaplastikan na ginagawa mo!" Saad ko, sabay galit na tumingin sa kanya.

"E, ayon ang usap-usapan dito sa village natin e, na may sakit daw na nakakahawa ang mommy mo na kung tawagin ay corona virus." Pagpapaliwanag nito. Bait-baitan pa ang boses. Kaloka naman. So plastik ha.

"May ubo at sipon lang ang mommy ko, pati hindi porket may sakit na gan'on ay corona virus na kaagad. Huwag kayong judgemental ha, hindi nyo pa nga confirm kung totoo ba talaga o hindi 'yang pinagsasabi mo eh." Pagpapaliwanag ko rin.

"Mabuti na' yong nag-iingat." Pataray na sabi nito.

"Ang sabihin mo plastik ka lang talaga! Huling-huli ka na bitch!" giit ko sabay irap. Lumapit pa ako sa kanya bago uli nagsalita.

"Pasalamat ka dahil nagtitimpi lang ako sayo. Ang totoo gustong-gusto na kitang sampalin. Napaka plastik mo kasing tao at nakakaasar pa 'yang mukha mo!" saad ko. Pagkuwa' y nanggigigil ko siyang tiningnan.

Hindi umimik si Rona. Halata sa mukha niya na medyo takot siya pero feeling strong parin ang bruha.

" Tama na yan, Jamie! " Saway ni Sam sa akin.

" So, kinakampihan n'yo pa ang plastik na yan?! " Pagalit kong sabi.

"Parang hindi kayo mag-bestfriend." Dagdag na sabi pa ni JC.

"Hindi talaga! I hate that girl!"

Lumapit ako sa kanya at itinulak siya ng malakas, dahilan para mapaupo siya sa simento. Nakita ko ang pagtulo ng luha ng plastik na 'yon. Halata naman na fake eh, just like her.

"Grabe ka naman, Jamie." Nakatingin na sabi sa akin ni Sam, habang tinutulungan na itayo ang kaibigan niya.

"Oo, grabe nga ako. Pero mas grabe siya!"

Sinamaan lang nila ako ng tingin at umalis na. Kawawang Rona, hindi man lang nakabawi sa'kin. Tama lang pati ang ginawa ko dahil pinagbibintangan niya kaming may nakakahawang sakit. Saktong papasok na sana ako sa gate nang makita ko si bugay. Ito nga't tuwang-tuwa sa ginawa ko.

He's really proud of me.

"Warla prinsesa ka talaga, bakla." Biro niya sa akin at sabay kaming nagtawanan.

"Hayaan muna 'yon, feeling maganda naman kasi siya." sabi pa niya habang hinahawi ang buhok.

"Kaya nga, akala mo naman kinaganda niya ang paninira sa' min."

"Inggit lang kasi sayo 'yon beshy, maganda ka kasi."

"Hindi na rin kasi tama ang ginagawa nya beshy eh. Ay! Wala nga pala siyang ginawang tama." Pagmamaldita ko pa, sabay napatawa ako. Gano' n din ang kausap ko.

Ang totoo, kahapon ko pa nalaman ang tsismis na 'yon. Natawa nga ako nang malaman ko eh, simpleng ubo' t sipon lang naman ang sakit ni mommy pero pinalala na kaagad nila. Humanda talaga sa akin lahat ng nagpapakalat ng fake news na iyon. Nakakabadtrip super!

"Alam ko kung sino nag-tsismis ng tungkol sa mommy mo." Seryosong sabi ng kausap ko.

"Sino?"

Naku, humanda talaga sa akin 'yon. Wawarlahin ko talaga yan promise. Sino naman kaya ang tsismosa na' yon?

"Si Tsismosa number 1." Sagot niya.

Hayop na Loreta na yan!

"Humanda sa 'kin' yong tsismosa number 1 na yan ah! Pinapainit niya ang ulo ko." Galit kong sabi. "Are you sure? Baka fake news din iyan ah" Dagdag ko pa. Gusto ko lang din makasiguro para iwas pahiya.

"Totoo girl, si lola mismo ang nagkwento sa akin." Explain nito.

At gumuhit ang mga ngiti sa aking labi. Kailangan maturuan ng leksyon ang babae na iyan ha, masyadong gawa kwento. " Iritado kong sabi.

Kaya ayon, agad kami na naglakad ni Bugay papunta sa kinaroroonan ng tsismosa na iyon. Balak ko kasi siyang sugurin.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Julie, isa sa mga close friend ko dito sa square village, at sa katunayan ay galit din siya sa tsismosa na iyon. Sa street lang din kasi namin iyon nakatira doon sa may bandang unahan.

"Saan ang punta ninyo?" tanong niya sa'min ng kasama ko.

"Kay Loreta, susugurin namin s'ya."

"Oh, bakit nanaman?" Usisa nito.

"Basta." Nagmamadali kong sabi. Sumunod naman ito sa'min at nang nakapunta na nga kami sa may kubo nila sa labas ng kanilang bahay ay malakas kong isinigaw ang pangalan niya. Sakto dahil nasa kubo pala nila ito, kasama ang dalawang kalaro sa tong-its.

"Hoy Loreta! Ikaw pala ang nagkalat tungkol sa mommy ko ha!" Sigaw ko.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi magalit. Sh*t! Sarap pumatay!

"Anong pinagsasabi mo? Wala nga akong alam d'yan." maang pa nito.

"May nagsabi sa'kin! Ang kapal ng mukha mong magkalat ng tsismis ha!" Galit kong sabi sa kanya.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya, promise.

"Grabe talaga kayo Loreta! Number 1 talaga kayo pagdating sa tsismis dito sa village natin, ha." Dagdag pa ni Julie.

"Ako'y walang alam d'yan, may nagkwento lang din sa akin." Tanggi pa nito.

"Sa susunod po ha, ayusin ninyo ang pagkakalat ng tsismis, dahil kahit mas matanda pa kayo sa akin ay tiyak na papatulan ko kayo." Nananakot kong sabi sa kanya.

"Ang bastos naman ninyo!" Narinig kong sabi ng kalaro niya na matandang babae. Tumingin pa ito sa aming tatlo.

"Bastos na kung bastos! Pati hindi naman kagalang-galang ang pagmumukha ng tsismosang Loreta na iyan!" Mataray at diin kong sabi sa kanila.

Umirap muna kami bago tumalikod sa kanila at lumakad pabalik.

"Tama lang ang ginawa mo Jamie, para magtanda." Proud na sambit sa'kin ni Julie.

"Yah, I know." Saad ko at ngumiti sa kanya.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now