CHAPTER 2

32 1 0
                                    

KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil nga monday ngayon, pasukan nanaman at tiyak na sasakit nanaman ang ulo ko dahil sa major subject which is accounting.

BS Accountancy pa more!

First year pa lang ako, at sa edad na 19 ay marami na akong natutunan sa buhay. Don't trust anyone, fake people are everywhere. Sino pa nga ba ang tinutukoy ko kundi ang ex-bestfriend ko na si Ronalyn Morado. Almost 2 months na rin kami magkaaway, at napatunayan ko na she's so fake! I never forget what she did to me. Noong mga panahon kasi na hindi ko na siya pinapansin ay kung ano-anu na ang pinagsasabi niya sa 'kin, behind my back. Nalaman ko ang mga pinagsasabi niya tungkol sa akin dahil ni-kwento ng kaibigan niya na isa ding traydor na kagaya n'ya.

Nakakatawa lang isipin na sila-sila rin ang nagpla-plastikan. Akala naman nila kinaganda nila ang paninira, mas lalo nga nilang kina-panget eh.

Katatapos ko lang magbihis ng aking school uniform kaya naglakad na ako papunta sa baba dala ang bag ko.

"Bye, mommy." Paalam ko.

"Mag almusal ka muna, Jamie." saad nito.

"Sa canteen na lang po." Sabi ko at dali-daling nagtungo sa gate para lumabas. Pagkasarado ko ng gate ay nakita ko ang tatlong member ng pokables na nakaupo sa kubo tapat ng aming bahay. Sina JC, Sam at Maru iyon. Ang mga binatilyo ng street namin. Ano naman kaya ang ginagawa nila? Napaka-aga naman nila para tumambay.

Nakatingin sila sa akin at ako naman ay deadma lang habang naglalakad. Simula kasi na maging magkaaway kami ni Rona ay hindi ko na rin sila madalas pansinin. Mas pinili pa nila ang plastik na 'yon kaysa sa akin. Iyon din ang dahilan kung bakit ini-snob ko sila ngayon. Buti na lang at 'yong ibang members ng pokables ay sa akin kumampi, inis din kasi sila kay Rona dahil napaka manipulator daw nito.

Bigla kong naalala na birthday nga pala ng kaaway ko na 'yon ngayon, kaya pala nakatambay ang tatlo doon sa may kubo namin dahil hinihintay siguro nila si Rona, na sa may tapat lang din namin nakatira.

Pakialam ko kung birthday niya? Huwag nga s'yang umasa na babatiin ko siya. I feel my anger inside of me, I know that I became so harsh to her lately, but I don't felt regret because she deserve it. More than that!

Lalo pa nadagdagan ang inis ko nang mapadaan ako sa bahay ng tsismosang si Loreta, sa tapat naman ng bahay nito ay nakatira ang sulsolerang si Divina na ngayon ay kaibigan ni Rona. Kahit magkampihan pa sila ay wala akong pakialam, mas palaban ako sa kanila at hindi ko rin sila uurungan 'no!

Pagdating ko sa ibang street ay naging okay na ang pakiramdam ko. Iniba ko na lang ang iniisip ko. Itinuon ko na lang sa school. Ano kayang gagawin namin mamaya?

----------------

Pagkagaling sa school ay dumiretso agad ako sa bahay ni Julie dito sa petal street, sa unahan nito ay ang root street kung saan ako nakatira. May dala akong cake.

"Don't tell me ibibigay mo yan sa kanya ah!?" Naiinis na sabi niya.

"Of course not!" giit ko sa mataray na tono. Then I flip my hair.

"Itabi mo lang muna iyan, dahil mamaya ay susunduin kita. I have a dark plan." Sabay ngumisi ako habang inaabot sa kanya ang naka-box na cake.

"Ay, gusto ko yan ha!" Natatawa niyang sabi at may paghampas pa sa'kin ang lokaret na ito ha.

"I'm gonna change my outfit then, I will grab you here later." saad ko.

"Sige, magbibihis din ako." Aniya.

Isang magandang ngiti lang ang ginawad ko sa kanya bilang pagpapaalam saka taas noo na akong naglakad pauwi.

Nang malapit na ako sa bahay namin ay nakita kong nakabukas ang malaki nilang gate, kaya nasilip ko kung ano ang nangyayari doon. Nakita ko ang mga kabataang lalaki ng pokables, 'yong tatlo na nakita ko kaninang umaga, kasama nila si Cessy na member din ng pokables at ang traydor na kaibigan ni Rona na si Erika. Pero wala naman alam ang bruha na iyon na may traydor pala sa mga kaibigan niya.

Ngumiti si Erika sa akin nang makita niya ako, kumindat naman ako sa kanya. Nakapalibot sila sa isang mesa habang nakaupo, sa ibabaw naman ng mesa nila ay may alak akong nakita. Nag-iinoman pala sila.

Bad influence talaga ang bruha na iyon sa mga kabataan. Samantala ako noon ay hindi ko man lang sila tinuruan na mag-inom. Aminado rin naman ako na umiinom ako ng alak minsan pero hindi ko kayang makiharap sa mga kabataan lalo na kapag nag-iinom. Ayaw ko kasi na tularan ng mga pokables ang ganoon na klase ng bisyo, pero si Rona, kung ano-anu na lang ang tinuturo sa kanila na hindi magagandang bagay. I'm so really disappointed. Naturingan pa mandin siyang leader ng kabataan pero puro kapangitan na asal naman ang tinuturo niya.

Pumasok na ako ng bahay at agad na nagbihis. Red dress ang sinuot ko. Hindi na ko naglagay ng pampaganda dahil confident naman ako sa sarili ko. Pagkatapos ng kaunting pag-aayos sa sarili ay una kong pinuntahan si Bugay. Pagkalabas pa lang niya ng kaniyang bahay ay napansin ko ang suot nito, naka maikling itong short na kulay puti at naka plain jacket na kulay pink.

"Kabog naman pala ang bakla!" Biro kong sabi sa kanya sabay yakap.

"Parang ikaw ang may birthday sa suot mo ah." Ganting biro niya habang nakatingin sa kasuotan ko.

"Well!" Maikli kong sagot at niyaya na siya na pumunta sa bahay ng friendship ko. Palapit na sana kami sa gate nila nang bigla itong bumukas at nakita namin si Julie na nakasuot naman ng black dress.

"Saan ang burol, Inday?" Birong sabi ni Bugay. Inirapan lang siya ni Friendship.

"Paki dala naman ng cake sister lily." Utos na sabi ni Julie sa kaibigan. Walang reklamo naman itong sinunod ng nagmamaganda naming kaibigan.

Sister lily is bugay another name. Sa katunayan marami pala kaming pangalan na ginagamit, mahilig kasi kami magpangalan ng kung ano-anu sa kaibigan namin lalo na kapag trip namin, syempre may codename rin kami sa mga kaaway namin.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Rona ay sabay-sabay kaming pumasok sa gate nila, may malaki silang space sa tapat ng bahay nila kaya nagagawa nilang magparty-party. Nagtinginan sila nang makita kami. Biglang tumayo si Rona at nakakunot ang noo na lumapit sa amin.

"Sorry pero hindi kayo invited." Mataray na sabi niya.

"Don't worry, hindi naman kami magtatagal eh, and besides, we're here because we have cake for you." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Kinuha naman ni Julie ang cake at inalis sa loob ng box. Then, she gave it to me.

"Please, Jamie umalis na kayo." saad nito. Parang nahuhulaan na kasi nito ang balak naming gawin.

"We can't, because we are not yet done. Pati gusto ka lang naman namin batiin ng happy birthday eh, masama ba 'yon?" Sabi ko sa kunwari ay nagpapaawang boses.

"Huwag nyo naman sirain ang araw ko!" Galit nitong sabi.

"Ang O.A mo ha, wala pa nga kaming ginagawa eh." I said then we laughed.

"Please, I deserve to be happy today." Paawa nitong sabi. Akala naman niya ay maaawa ako sa kanya, kaya ayon lumapit ako sa kanya dala ang hawak kong cake.

"You don't deserve to be happy!" Galit kong sabi sabay hinawakan ko ang buhok niya sa likod ng ulo nito at walang awang isinubsob ang mukha niya sa cake. Nakita ko ang pagkabigla ng mga kaibigan niya dahil sa ginawa ko.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now