CHAPTER 10

14 1 0
                                        

"HOY RONA!" malakas na sigaw ni mommy pagkalabas nito sa gate, kitang-kita kasi agad ang babae na 'yon na panay tawa kasama ang mga kampon niyang pokables.

"Sumosobra ka ng babae ka! Ulitin mo pa ang ginawa mo at ako na ang makakalaban mo!" galit na sabi pa nito.

"Si Jamie naman po ang laging nangunguna, diba?" sambit nito at nagpakampi pa sa mga kaibigan.

"Oo nga po, ang sama po kasi ng ugali ng anak ninyo!" singit na sabi ni Sam.

"Kilala ko ang anak ko at alam ko na hindi masama ang ugali n'yan. Kayo siguro ang may problema. Kayo ang may ginawang hindi maganda kaya ginagantihan kayo ni Jamie." sambit ni mother earth. Medyo na tameme sila.

"Mommy, pumasok kana po. Baka atakehin pa kayo n'yan eh. Kami na po nila Julie ang bahala dito." awat ko naman kay mommy. Kunyare bait baitan. Pero mabait naman talaga ako inside.

"Malaman ko pa na sinaktan mo ang anak ko Rona, ako na mismo ang magsu-subsob sayo sa semento." mataray na sabi ni mommy at pumasok na sa loob. Natawa naman kami ni Julie. Hindi naman nakaimik ang babaeng iyon.

"Siguro dating maldita ang mommy mo, Jamie.." pagbibirong sabi ni bugay.

"May pinagmanahan naman pala." narinig kong sabi ni Sam.

Pasalamat siya kahit na ganito ako ay hindi ako nananakit ng bata.

"Well, introduction pa lang 'yon. Dahil sisiguraduhin ko ang pagbagsak ninyong lahat." seryosong sabi ko. Hindi nila alam na may mga hawak akong mga sekreto nila na ilalabas ko na soon.

"Duuh! Sinong tinakot mo? Hindi ka namin uurungan Jamie." palaban na sabi ni Rona.

"Kaya nga!" pagsang-ayon naman ng kaibigan niyang si Cessy.

"Magsaya lang kayo ngayon dahil ang mga susunod na araw ay akin." sambit ko. Umirap mona ako bago ko sila tinalikuran. Narinig pa namin ang tawanan nila pero hinayaan na lang namin. Sige lang magsaya lang kayo, sa akin pa rin ang huling halakhak. Mark my words.









-------------------





Nasa kwarto kaming tatlo, sa harap ng aking laptop.

"Target locked!" masayang sabi ko and then ni click ko na ang enter para ma-upload na ang video. Ngumiti naman akong tumingin sa dalawa.

"Ewan ko lang kung hindi siya maging trending later." natatawang sabi ni Julie.

"Unti-untiin ko ang mga pokables na 'yan. Sa ngayon siya mona ang uunahin natin." sambit ko. May maganda kasi akong plano na naisip. Planong sisira sa mga pokables na' yan. Magalit na ang lahat sa akin pero wala akong pakealam. But anyways, wala naman makakaalam dahil dummy account ang ginamit ko sa pag-upload.

Ang video kasi na ni-upload ko ay scandal ni Cessy with her ex-boyfriend Albert. Habang may nangyayari sa kanila ay panay naman ang paypay nitong ni girl sa kaniyang ex. Goodluck na lang talaga dahil for sure mabubugbog ang Cessy na 'yan ng nanay niya.

"Balitaan n'yo na lang ako guys ah." nakangiti kong sabi sa dalawa dahil pauwi na rin ang mga ito.

"Paniguradong katakot-takot na kahihiyan ang dadanasin ng Cessy na 'yan." sambit ni Julie.

"Deserve n'ya naman pati. Sobrang landi niya kasi kaya iyan ang napapala sa pokpok na kagaya niya."

"Ang harsh Bugay ah." natatawa ko na lang na sabi.

At sabay-sabay kaming natawa dahil sa mga kalokohan na naglalaro sa isipan namin.











---------------






Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now