CHAPTER 16

21 1 0
                                        

ANO naman ngayon kung narinig ni Justine ang lahat ng pag-uusap namin? Wala parin naman magbabago.

"So, hindi kami na inform na spy ka na pala ngayon?" Pagmamaldita kong sabi sa kanya.

"Ano bang pake mo? Gagawin ko kung anong gusto ko." ganti naman niya at nagtataray pa. Pangiti-ngiti naman si Nguso habang nagtatarayan kaming dalawa. Tila ayaw din patalo ng baklang ito sa pagiging maldita.

Well! Mas maldita ako. Walang makakatalo sa akin.

"Go ahead, sabihin mo na kay Rona lahat ng narinig mo, para lalo kami mag-away, tutal 'yan naman ang gusto nyo diba? Ang mag away-away tayo?" saad ko, sabay taas ng kilay sa kanya.

"Habang hindi mo kami tinitigilan, hindi ka rin namin titigilan!" ganti pa nito.

"Ano bang alam nyo? Nakisawsaw lang naman kayo sa away namin ni Rona!" inis na sabi ko naman kay Justine.

"True, Beshy. Tuluyan na kasing nalason ng babae na 'yon ang isipan nila." Sambit naman ni Bugay at nakipagtarayan din kay Justine.

"Malamang kakampihan namin si Rona, dahil nakita namin kung paano nyo siya kawawain! At walang pipili sayo Jamie, dahil sa gaspang ng ugali mo!" tugon naman ni Justine habang humahakbang papalayo. Ang kaniyang sinabi ay baon na baon sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa mga binitawan niyang salita pero nagpanggap na lang ako na parang wala lang sa akin ang lahat. Hindi na ako nakaimik sa mga sinabi niya at hinayaan na lang siya na makalayo.

"Grabe din ang bunganga ng kapatid mo Toyang, may pinagmanahan." saad naman ni Bugay.

"Ang iniisip ko baka magsumbong si Justine kay Rona." parang nag-aalala na sabi ni Marsie sa amin.

"Kaya ko naman sila, kahit magtulong tulong pa sila." Mayabang na sabi ko naman.

"Wala naman na tayong magagawa kasi kahit anong gawin natin si Rona parin ang pipiliin nila." Sambit naman ni Bugay sabay shot.

"I really hate Rona! Lalo lang talaga tumitindi ang galit ko sa kanya!" Galit na sabi ko na lang sabay hawak ng mahigpit sa baso.

"Alam mo, mas maganda ka kaysa kay Rona. Kaso lang mas magaling sya mang-agaw." sabi na lang ni Marsie Toyang sabay ngumisi.

"Pwes, kaya ko rin agawin ang lahat sa kanya. Mark my words! Kung nagawa niya sa akin ang bagay na yon mas double ko namang kaya." pagmamayabang ko naman. Hindi ako susuko. Ako ang mananalo sa laban na ito.

"True ba yan, Jamie? Baka hanggang salita ka lang d'yan." panunukso naman ni Marsie.

"Oo naman, nakaisip na ako ng plano." sambit ko, sabay ngumisi.

Mayamaya pa ay nakarinig kami ng ingay mula kung saan, at ayon na nga parating si Rona kasama ang sumbongerang baklang si Justine. Mukhang galit na galit si Rona at susugurin ako.

"Sino kayang galit na galit sa chismosa pero isa rin naman palang marites! malakas na sabi ni Rona na tila nagpaparinig. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko pagkarinig ko sa sinabi niya, lumabas naman ako ng kubo para harapin siya.

"So, alam mo na ngayon ang pakiramdam sa tuwing pinagchichismisan mo ako?" sambit ko't tinaasan siya ng kilay.

"Alam mo, Jamie, nananahimik na kami pero ikaw itong nagpapasimula nanaman ng gulo." sabi pa niya.

"Hoy! Huwag mo nga akong lokohin, 'wag ka magmalinis dahil matagal ko ng kilala yang ugali mo! mas masahol kapa sa akin tandaan mo 'yan!" galit na sabi ko sabay turo sa panget niyang mukha.

"Alam mo nakakakawa ka! Natatawa na lang ako sayo dahil literal na nakakaawa ka." ani nito.

"Paano mo nasabi na nakakaaawa ako ha? Kung sapakin ko kaya ang pagmumukha mo?" naiinis kong sabi. Matagal ko ng alam na nakakaawa ako pero sobra na yata ang pang-iinsulto niya sakin.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now