CHAPTER 7

13 1 0
                                        

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin ngayon dahil sa wakas ay nakaganti ako sa mga pokables na 'yon. Grabe ang guhit sa aking mga labi sa tuwing naaalala ko yung nangyari kahapon sa libtong. Sana nga ay magkaroon ng part 2 yon dahil gustong-gusto ko ulit na sinasaktan ang mga kutong lupa na iyon.

Nag-ayos muna ako ng aking sarili bumaba ng hagdan at kumain ng almusal. Pagkatapos ay naligo't nagbihis para magtungo sa school.

Habang naglalakad ako ay napansin ko yung lalaki na nakasalamin na nag bigay sa akin ng panyo noon. Naglalakad siya sa unahan ko. Teka nga lang muna, saan ko nga pala nailagay yung panyo na ibinigay niya sa akin?

Kahit anong isip ang gawin ko hindi ko talaga matandaan. Hayaan na nga lang, pag-uwi ko na lang ay hahanapin ko.

Habang naglalakad ako ay nakatingin lang ako sa guwapong likod ng lalaki na nasa unahan ko. Ano kayang course niya? Siguro naman hindi masama kung aalamin ko. Kaya naman pinagdesisyonan ko na sundan na lang ang lalaki na yon.

Pagpasok namin sa paaralan ay sinundan ko talaga siya hanggang sa room niya, at nalaman ko na engineering student pala siya. 4rth year na siya ngayon.

"Hi Miss, sino hanap mo?" Bati sa akin ng hindi ko kilalang mga lalaki. Ngayon lang yata nakakita ng maganda. Hindi ko na lang pinansin at dali-dali ng umalis para bumalik sa room ko.

"Kamusta, Jamie?" bati agad sakin ni Anadeth ng makita niya ako papasok ng pinto ng silid.

"Okay naman. May new chika nga pala ako sayo bes!" masayang sabi ko sa kanya at dali-darling umupo sa upuan ko, agad din naman siyang sumunod sa akin at umupo rin sa tabi ko.

"Ano'ng ichichika mo sa'kin?" tanong naman niya.

"I am very happy today. Akalain mo 'yon nakita ko 'yong lalaking nag bigay sa akin ng panyo noong nakaraang araw lang." pagkwekwento ko rito.

"Oh tapos?" sabi niya na parang walang gana makinig sa akin.

"Parang tanga naman' to eh, ayaw ko na nga! Mukhang hindi ka naman yata interesado makinig. Bruha ka." naiinis kong sabi. Sabay umirap sa kanya.

Agad naman siyang napatawa sa naging reaksyon ko. "Joke lang naman. Oh, tapos? Ano pa ang nangyari?" pagtatanong pa nito.

"Ayon na nga, sinundan ko siya kanina at nalaman ko na engineering student siya." sagot ko naman.

"Don't tell me na in-love ka?" pag tatanong ulit nito.

Natahimik ako sandali sa sinabi ng kaklase ko, hindi ko sure kung ano na itong nararamdaman ko sa ngayon siguro ay na-curious lang talaga ako sa pagkatao ng lalaki na iyon.

"Hindi eh, basta curious ako sa kanya." honest na sagot ko sa kanya.

"Sana all curious lang ano?" nang-aasar pa nitong sabi kaya ngumiti na lang ako sabay irap. Mukhang iba ang gustong iparating ng kaklase ko na ito ah. Tingin siguro niya na nagkakagusto na ako sa lalaking weird na iyon.

Pagkauwian namin ay sinama ko si Anadeth sa room ng weird na lalaki na iyon. Nakita ko nanaman siya at talagang ang amo ng mukha niya. Nasa tapat lang kami ng room nila, hindi pa sila umuuwi at sa tingin ko ay may pinag-uusapan silang magkakaklase.

Habang naka dungaw kami sa labas ay siya namang lapit ng dalawang babae sa labas ng pinto at tumingin sa aming dalawa. Mataray silang tumitig sa amin na para bang nanghahamon ng away. Kung makapamewang pa yung isa akala mo kung sinong maganda.

"Sinong hanap?" mataray na sabi no'ng isa na sobrang kapal ng labi at sobrang kapal din ng lipstick na kulay pink pa, hindi bagay sa kulay nitong maitim.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now