CHAPTER 8

11 2 0
                                        

Pagkauwi ng bahay si ate kaagad ang nakita ko pagkapasok ng pinto.

Dumiretso lang ako ng lakad na parang hindi ko siya nakita.

"Ba't ganyan ang itsura mo?" pagtatanong nito sakin. Di ako umimik at dumiretso nalang sa paglalakad papunta sa hagdan.

"Nakipag-away nanaman siguro ang warla prinsesa." habol nitong sabi. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, wala rin ako sa mood makipag-usap.

Pagdating sa kuwarto ay doon ko ininda ang sakit na ginawa ng tatlo na iyon sa'kin. Ewan ko ba pero hindi naman ako ganito dati. Hindi talaga ako sanay makipag-away pero ngayon, war is life na talaga. Naramdaman ko rin yung galit ng tatlo na iyon, kulang na lang talaga na patayin nila ako pero syempre hindi ako papayag na magawa nila 'yon noh. Wala eh kailangan ko talagang lumaban dahil kapag hindi ko ito ginawa ako lang din ang magiging kawawa.

Napahiga na lang ako sa kama.

Parang alam ko na ang mangyayari bukas. Ako nanaman ang trending sa square village dahil sa nangyari kanina. Ako nanaman itong nanguna at masama. Ewan ko ba, minsan masyado ng pa-victim ang mga api-apihan na yan.

Medyo tagilid tayo ngayon dahil mas lamang sila ngayon. Aaminin ko, nakaganti ang tatlo na iyon sakin. Pero may next time pa naman eh, promise babawian ko talaga sila.

Sa sobrang pagod yata ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil nag-alarm ang cellphone ko. Buti na lang wala kaming pasok ngayong araw. Feel ko parin yung sakit ng ulo ko at nakita ko  rin na may mga karmot sa kamay ko.

'Di ko na lang pinansin at bumaba na ako papuntang kusina. Nakita ko sina mama at ate na nasa sala. Nakaupo.

"Hoy Jamie! Ano nanamang gulo ang pinasok mo ha?" bungad kaagad ni ate sa akin pagkababa ko pa lang ng hagdan. Mukhang alam na nito na nakipag-away ako kahapon.

"What? Sila naman pati ang nanguna." sabi ko na lang at medyo sumimangot.

"Wala ka ng ginawa kung 'di makipag-away. Daig mo pa walang pinag-aralan ha." panenermon sa akin  ng magaling kong ate.

"Okay okay. Ako na masama, sila na mabait." sambit ko at pumunta na ng kusina. Okay lang naman sa akin kung doon din kumampi si Ate sa Rona na 'yon, tutal sanay na naman ako eh.  Pagkarating sa kusina ay naghanap ako ng makakain pero wala akong nakita. Mukhang naghihirap na yata kami ah.

Bumalik ako sa sala at tinanong si mama kung bakit walang pagkain.

"Bumili ka na lang muna sa labas, pandesal tsaka palaman." sagot ni mommy sabay inabot sakin ang 100 pesos. Hays. Ayoko sana lumabas eh pero ito nautusan pa ako.

Pagkakuha ng pera ay walang suklay suklay na akong lumabas.

Pagkalabas ko ay nakita ko sa tapat sa may kubo ang mga pokables. Tumingin sila sa akin.

"Tingin-tingin nyo?!" mataray na sabi ko sa kanila, hindi naman sila pumalag kaya naman nagpatuloy na ako maglakad papunta sa tindahan medyo lagpas sa bahay ni Loreta. The number 1 chismosa in the world. Ay mali, dito lang pala sa village namin.

Habang naglalakad ako ito na nga napadaan ako sa bahay ni Loreta at nakita ko siya na nagwawalis ng tapat ng bahay nila, napatingin ito sa akin. Ang sama ng tingin niya. Umirap lang ako at dumiretso na ng lakad, pake ko ba kung nagtatanim siya ng galit sakin? Eh, totoo naman na tsismosa siya, wala na siyang ginawa kung 'di manira ng kapwa niya. Sana lang hindi siya makarma sa mga pinaggagagawa niya sa buhay niya.

Pagdating sa tindahan ay sakto naandon si Bugay, bumibili rin siya.

"Beshy, ano na?" nakangiti kong bati dito.

Warla PrinsesaWhere stories live. Discover now