"Jamie! Ano na nangyari sayo bakit tulala ka na d'yan?" Natatawang sabi ni Bugay sa akin.
Bigla akong natauhan at doon ko napagtanto na malalim na pala ang aking iniisip.
"Wala, may mga naalala lang ako." tugon ko.
"Saan naman tayo pupunta?" Sambit naman ni Marsie toyang.
"Pwede ba na mag-inom naman tayo?" Request ko.
"Sige, basta ikaw magpapainom ha." pabiro pang sabi ni Marsie.
"Oo, ako bahala. Tara." sabi ko pa at nangunang maglakad papunta sa tindahan at bumili ng dalawang gin at dalawang tang na pineapple, bigla ko rin naalala na need pala ng yelo kaya bumili rin ako ng dalawa.
"True this?" Hindi makapaniwalang sabi ni bugay. Pagkakita sa mga binili ko.
"Wait Jamie ah! Iba naman na ang trip mo hahaha!" natatawang sabi ni Marsie.
"Ano? iinom kayo? o iinom kayo?" mataray kong sabi sa dalawang bakla.
"iinom us, syempre." Pagsang-ayon naman ni Toyang.
"Gusto ko yan! Matagal na rin nung uminom tayo diba?" si Bugay naman.
Kaya naman naglakad na kami para pumunta sa magiging pwesto ng inoman namin, naisip ko na talaga na sa likod na lang ng bahay namin, tutal may kubo naman doon at katapat lang din ng bahay ni Marsie Toyang yung lugar. Good spot kasi malayo rin sa mga chismosang kapitbahay.
Dumaan mona kami sa bahay namin dahil kumuha ako ng pitchel,tagayan at mga tatlong baso, kadiri kasi kapag isang baso lang gagamitin namin sa inuman lalo at mga bakla ang kainuman ko.
Ayon na nga medyo natagalan lang ako kaunti kasi hinugasan ko pa yung gagamitin namin sa inuman, nakakahiya naman kasi sa dalawa kong friends na maaarte.
"Ang tagal mo naman, pitchel lang kukunin mo gorl!" medyo inis na sabi ni Bugay paglabas ko ng gate.
"Hinugasan ko pa kasi yung pitchel at baso." sambit ko at tumingin sa mga pinahawak ko sa kanilang mga binili ko sa tindahan, doon ko naalala na wala pala akong binili na pulutan.
"Oo nga pala nakalimutan natin bumili ng pulutan, Beshy." Sabi ko.
"Doon na lang natin isipin yung pulutan, ang mahalaga ma-prepare natin yung pagtitimpla sa gin." ani ni Toyang na excited na siguro uminom. Alak na alak gorl?
"Osige, doon na nga lang, baka may bata tayong makita tapos utusan na lang natin bumili tapos bigyan na lang natin ng 10 pesos." sambit ko at naglakad na papunta sa tapat ng bahay nila Marsie toyang.
Habang naglalakad kami sinabi ni Bugay na nasa kubo nga raw yung mga pokables at nakita daw kami na may dalang alak. Sabi ko naman wala naman silang pakialam kung ano ang gawin namin. Pati isa pa hindi na ako nagtaka kasi lagi naman nasa kubo nila Rona yung mga bata na 'yon. Doon na nga rin siguro natutulog ang mga asungot na yon eh.
Pagkarating sa kubo ay ni-prepare namin agad yung pagtimpla sa alak. Buti na lang matigas ngipin ni Toyang na siyang ginamit pang bukas sa gin. Kumuha naman ng tubig itong si Bugay sa bahay nila Marsie.
"Hoy nguso!" sigaw ko ng makita ko itong bata na ito na napadaan sa amin.
"Ano 'yon ate Jamie?" tanong nito at lumapit sa amin.
"Nag-iinom kayo ah." Sambit nito.
"Pasuyo naman, ibili mo kami pang pulutan, mga chichiryang malaki." ani ko sabay abot ng isang daan sa bata. Agad naman itong sumunod sa amin basta sa kanya na lang daw pag may sukli.
"Sakto pala, may chika ako sa inyo." panguna ni Marsie at nagtakip ng bibig habang tumatawa. Maria clara yan?
"Oy, gusto ko yan! Ano yung chika mo dali!" Excited na sabi naman ni Bugay.
YOU ARE READING
Warla Prinsesa
RandomTungkol ito sa mga magkakaibigan na naging magkakaaway. Mga plastik kasi at inggitan ang dahilan, bukod pa doon mang-aagaw pa ng crush yung isa d'yan. Ito ang istorya na bawat chapter may away. 😂 Halina't makichismis.