"Ay, talagang masasaktan ka lalo na kapag lumaban ka." mataray kong sabi sa kanya.
"Ano ba kasing problema ninyo? Hindi ko naman kayo inaano." sabi nito habang tinitiis ang pagsabunot na ginagawa ko sa kanya.
Agad ko rin naman siya binitawan pero lumapit si Julie sa kanya at sinabunutan ito. Hindi pa nakontento at sinampal pa niya ito sa kanang pisnge. Halos matawa pa nga ako nang makita ko ang reaksyon ng mukha niya.
"Dapat lang 'yan sa' yo." pagmamalditang sabi ni Julie. Tumawa naman ng malakas si Bugay at nagsalita.
"Anong nanyari sa mukha mo? Para kang natataeng bakla!" pagkasabi niya ay nagtawanan pa kaming tatlo.
"Let's go na girls! Iwan na natin ang cheap and low class na babae na 'yan." yaya ko sa kanila at pataray na tumalikod. Sumunod naman kaagad sa akin ang dalawa. Kawawang Cessy hindi man lang napagtanggol ang sarili. Deserve nya naman iyon dahil isa siyang plastik at traydor! Kahit magsumbong pa siya kay Rona ay wala akong pakialam, hindi pati nila ako kaya.
Umupo uli kami sa dati namin puwesto. Mayamaya pa ay dumating itong si Toyang. Isa sa mga prinsesa ng sangkabaklaan at dati rin na member ng pokables.
"Hi mga marsie!" bati nito sa aming tatlo. Tuwang-tuwa naman si Bugay dahil nakita ang kauri nito kaya agad silang nagbeso-beso saka nagyakapan. Sa katunayan ay close rin sila.
"Oh, kamusta? Anong chika natin d'yan, Marsie?" tanong ko sa kaniya.
"Ay, ayon nga sa makalawa ay darating na ang magaling kong kapatid na si Justine." ani nito.
"May kakampi nanaman si Rona." nakasimangot naman na sabi ni Bugoy.
Sang-ayon ako sa sinabi niya. Alam ko naman na mas kakampihan ni Justine si Rona dahil ayaw nito kay Julie. Dahil kakampi ko si friendship, malamang ay sa kabila ito kakampi. May pagka war freak din ang bakla na 'yon. But I don't care. No match pa rin sila sa amin.
"Lahat na lang ng anakis mo ay inagaw na n'yang Rona na' yan!" inis na sabi naman ni Julie.
"Kaya nga!" pagsang-ayon naman nj Bugay.
"Hayaan n'yo na, hindi na kayo nasanay sa babaeng iyon. Mang-aagaw naman talaga iyan simula't sapul." pataray kong sabi. Ewan ko ba. Bigla nanaman kumulo ang dugo ko basta ang babae na iyon ang topic.
"Lahat na lang inagaw! Sobrang gahaman niya talaga!" inis na sabi naman ni Julie.
Naiintindihan ko naman kung bakit gano'n ang galit ni Julie sa babae na iyon dahil dati rin itong inagawan ng boyfriend. Actually naging bestfriend n'ya rin dati si Rona at ngayon ay mortal enemy na rin sila.
Ang lupit ni Rona diba? Napaka ahas niya. Pati rin ang ultimate crush ko na si Anthony ay sinunggaban.
"Hayaan n'yo na, alam n'yo naman palang gano'n eh, maii-stress lang kayo sa babae na 'yon." sabi naman ni Toyang. Dahil sa sinabi niya ay iniba na lang namin ang topic. Ayaw ko rin kasi na ma-stress nang dahil sa plastik na' yon, baka pumangit pa kami.
Mayamaya pa habang masaya kaming nagtatawanan ay natanawan namin itong si Cessy, kasama ang asawa ng kapatid nitong lalaki na si Aira o kilala sa tawag na kumars. Kasama rin nila ang founder ng pokables na si Rona. Mukhang may away nanaman na magaganap, ha. Nakakatawa naman dahil nagdala pa ng back up ang malanding Cessy na 'yan.
"Bakit ninyo sinabunutan si Cessy?!" malakas na sabi ni Kumars. Bigla kaming nagtakip ng mga ilong, hndi sa panglalait pero mabaho talaga ang hininga niya.
"So what kung sinabunutan namin siya?" mataray kong sabi kay Kumars at tinaasan ko pa siya ng kilay habang nakapameywang.
"Ang kapal naman ng mukha ninyong gawin iyon!" sabi pa ni Kumars na mukhang galit na galit.
"Mas makapal ang mukha ninyo!" malditang sabi naman ni Julie.
"Kaya nga!" pagsang-ayon naman ni Bugay.
"Kung makapanakit kayo ay akala ninyo kung sino na kayo ha! Mga feeling magaganda ang sasama naman ng ugali!" banat pa sa amin ni Kumars.
"Hindi sa pag-aano pero matagal na kaming maganda." sabi ko sabay niwagayway ko ang mahaba kong buhok sa ere. Maasar kayo please.
"Akala ba ninyo ay nakakatuwa kayo? Sumosobra na kayo! Wala kayo sa lugar!" galit na sabi naman ni Rona. Napangiti lang ako sa sinabi niya.
"Ay! Parehas lang tayong hindi natutuwa sa isa't isa, ang pinagkaibahan lang natin ay sadyang maganda kami kaysa sa iyo." pang-aasar ko pa sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas na tila nang-iinsulto.
"Talaga ba? Kaya pala ako ang nagustuhan ni Anthony!" proud na sabi nito.
"Malamang, dahil ahas ka! Hindi ka lang ahas , malandi ka rin!" galit na sabi ko. Gusto ko na siyang puntahan para sabunutan pero tinitiis ko lang.
"Nakakaawa ka naman Jamie, kahit ano kasing gawin mo isa ka pa ring talunan!" pang-iinsulto nanaman sa akin ng ahas na 'yon. Hindi tuloy ako nakaimik sa sinabi niya, dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Aysus! Akala mo kinaganda mo na ang pang-aagaw? Mahiya ka naman sa balat mo!" mataray na sabi ni bugoy.
"Manahimik ka d'yan bakla ha! Baka paduguin ko 'yang bibig mo!" galit na sabi ni Rona sa kanya.
"Sige gawain mo! Baka gusto mong sumabog 'yang mukha mo sa kamao ko!" ganting sabi naman ni Bugay.
"Umalis na nga kayo! Nakakaadwa naman kasi ang mga pagmumukha ninyo!" banat naman ni Toyang sabay dumura sa harapan nila.
"Sa susunod ha?! Kapag inulit n'yo pa ulit ang ginawa ninyo kay Cessy, hindi talaga ako magdadalawang isip na patulan kayo!" pagbabanta na sabi ni kumars. Akala n'ya naman na natatakot kami sa kaniya.
"Die bitch!" pahabol na sabi naman ni Rona sa amin at umalis na rin sila. Mukhang kagaya namin ay hindi rin sila magpapatalo, pero okay lang dahil alam ko naman na hanggang salita lang sila.
Napaka plastik talaga ng Rona na 'yan. See? Kapag kasama niya ang mga kabataang lalaki na pokables ay akala mo kung sinong mabait. Pero kapag sila lang ni Cessy ang magkakasama ay doon lumalabas ang tunay niyang kulay.
"Nakakagigil! May pasugod-sugod pang nalalaman ang mga' yan!" inis na sabi ni Toyang.
"Hayaan mo na, masaya nga eh." natatawang sabi naman ni Julie.
Ako naman ay nananahimik lang at hinayaan na lang silang mag-usap. Hindi ko kasi gusto ang sinabi ni Rona na siya ang nagustuhan ni Anthony kaysa sa akin. Proud na proud pa talaga niyang sinabi sa akin. Parang hindi ko lang matanggap dahil feeling ko ay sinadya niya talaga na akitin ang lalaking napupusuan ko.
Alam naman kasi ni Rona, noon pa man na si Anthony nga ang ultimate crush ko at sa tingin ko nga ay mahal ko na ito eh. Lahat ng bagay alam ni Rona dahil siya ang madalas kong pagsabihan ng nararamdaman ko para sa crush ko na iyon. Hindi ko lang talaga matanggap noong nalaman ko isang araw na sila na pala. Feeling ko ni-traydor ako nang araw na iyon at sarili ko pa talagang bestfriend ang may gawa. Sobrang sakit lang. Tapos pati rin ang tatlo kong anakis ay inilayo n'ya rin ang loob sa akin. Kung ano-anu kasi ang mga kasinungalingan na pinagsasabi niya dito. Hindi lang 'yon ginawaan nya rin ako ng mga kwento. Na inggitera daw ako, plastik at nasa loob daw ang kulo. Isang linggo ako noon trending dito sa square village dahil sa kinakalat nitong fake news. Kay Loreta pa siya nagkwekwento na alam naman namin na number one pagdating sa tsismisan. Sinabi pa niya na hindi rin daw ako naging supportive sa relasyon nila ni Anthony dahil nga daw bitter ako sa kanya. Gaga talaga siya ano? Napaka bobo. Parang walang utak, ha.
Sabihin na natin na naiingit nga ako pero masasabi ko lang sa kanya ay kailanman hindi siya magiging masaya sa mga bagay na inagaw n'ya lang.
Hindi niya ikasasaya ang pang-aagaw ng crush ng bestfriend at jowa ng mga kaibigan niya, tandaan n'ya 'yan!
Alam ko wala akong karapatan para magsalita ng ganito dahil unang-una hindi naman naging kami ni Anthony, pero sana naman nirespeto man lang niya ang mararamdaman ko. Ang nararamdaman ng taong tinuturing siya bestfriend. Pero hindi eh, hindi niya man lang naisip iyon. Mas pinili pa niya ang kanyang sariling kaligayahan. Wala siyang kwentang kaibigan! Tinitiyak ko na magbabayad talaga siya sa ginawa niya sa'kin.

YOU ARE READING
Warla Prinsesa
DiversosTungkol ito sa mga magkakaibigan na naging magkakaaway. Mga plastik kasi at inggitan ang dahilan, bukod pa doon mang-aagaw pa ng crush yung isa d'yan. Ito ang istorya na bawat chapter may away. 😂 Halina't makichismis.