Katatapos lang ng klase namin, grabe ang dami kong ginawa ngayong araw na ito may mga quizes at mga activity din kaming ginawa tapos yung mga hindi ko nagawa nung um-absent ako ay sa room ko ginawa. Kapagod.
Naglakad na ako pauwi para naman makapagpahinga pagdating sa kwarto pero hindi pa man ako nakakalayo sa school ay nakita ko ang limang mga kababaihan na nakaharang sa dadaanan ko.
Ano nanaman bang trip ito? Nakita ko agad sina Stella kasama ang dalawa niyang alalay at may bago silang recruit ah.
"So, inaabangan nyo ako?" pagmamaldita kong tanong sa kanila. Akala siguro nila porket lima sila ay aatrasan ko sila. Wala na akong choice kung hindi makipag-away na lang. Bahala na bangas bangas na rin naman ang mukha kong ito.
"Well, you are right girl! Inaabangan ka talaga namin dahil hindi pa kami tapos sa'yo. " inis na inis na sabi ni Stella. Wala naman sa itsura niya ang pagiging gangster pero kung makaasta sila akala mo kung sinong gangster eh.
"Hahahahhaha! Alam nyo nakakatawa kayo, dahil kahit lima pa kayo hindi ko kayo uurungan." matapang na sabi ko.
"Akala mo kung sino." sambit nung negrang babae na 'yon.
"So, ano ngang problema nyo bakit kayo nakaharang sa daanan?" tanong ko sa kanila.
"Ikaw ang problema namin! Akala mo ba palalagpasin namin ang ginawa mo nung isang araw?"
"Wala akong pakealam Stella, dahil wala naman katotohanan yung binibintang mo sakin." sambit ko sa galit na tono tsaka naglakad palapit sa kanila, binangga ko sila dahil nakaharang sila sa dadaanan ko.
"Ah, ganon?" sambit ni Stella na mukhang galit na galit yata.
Lumapit ang dalawang bagong recruit na babae na iyon sa akin at hinawakan ang mga braso ko dahilan para hindi ako makapalag.
"Bitawan nyo ko!" pagpupumiglas ko. Pero mukhang wala talaga silang balak na pakawalan ako. Lumapit si Stella sa akin at nakaready na ang kanang kamay nito para sampalin ako
pero isang malakas na tinig ang pumigil sa kanya para gawin iyon."Stella!" sambit ng misteryosong lalaki na iyon. nakapikit na talaga ako hinihintay ko na lang na tumama sa mukha ko ang palad ng ambisyosang Stella na iyon ngunit hindi natuloy ang pagsampal na yon.
Napatingin ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon at laking gulat ko na si Roman pala.
"Roman?" sambit na lamang ni Stella.
"Bitawan nyo nga siya!" utos ni Roman, at dali-dali naman akong binitawan ng dalawang babaeng amoy anghit.
"Salamat Roman." Napatingin lang sakin ang lalaki na iyon. Tumitig ito ng masama kay Stella sabay lumapit sa akin.
"Siya naman ang nanguna, Roman!" pagpapaliwang ni Stella.
"Stop it, Stella! Hindi magandang gawain ito. Pwede kang ipakulong ni Jamie kung nasaktan sya." sambit ni Roman. Ang galing niya, naisip niya ang bagay na iyon dahil kami nila Rona matagal na kaming nagkakasakitan pero hindi parin kami hinuhuli ng baranggay.
"Bakit ba pinagtatanggol mo ang babae na yan, Roman? Napaka bastos ng bibig niya kung alam mo lang." napapaiyak nitong sabi.
"Kung ako sa'yo girl aalis na 'ko, pinapaalis kana ni Roman. chu chu away!" pang-aasar ko pa sa kanya at tumalikod na nga ito sabay umalis.
"Okay ka lang ba, Jamie?" nag-aalala nitong tanong sa akin.
"Oo naman, Roman. Pati kaya ko naman sila, sanay na ako sa away-away na yan." napapangiti kong sabi. Nakangiti rin ito sa akin. Sobrang cute nya talaga mag smile.
"Mas mabuti na sabay na lang tayo pauwi sa square village."
"Sige." maikli kong tugon.
Hindi ko alam ah, parang medyo kinikilig ako sa pagiging mabait niya sa akin. Ang O.A ko naman siguro kong mai-inlove ako agad sa lalaking ito, hindi ko pa naman siya ganon kakilala. At sana naman if ever lang na magiging kami ay huwag niya akong saktan.
Naku assumera!
"Huwag mo na lang patulan si Stella, hindi talaga yon pumapayag na matalo. Kaya kung papatulan mo siya hindi matatapos ang away nyo." ani nito habang naglalakad kami pauwi sa village namin.
"Naging kayo ba talaga ni Stella?" Tanong ko naman.
"Oo naging kami pero sobrang sama kasi ng ugali nya kaya hiniwalayan ko." tugon naman ni Roman.
Natawa naman ako sa sinabi nito dahil sobrang nakakaawa pala talaga ang Stella na 'yon. Buti nga sa kanya, deserve nya hiwalayan ni Roman. Ang lalaking ito naman deserve magkaroon ng mabait na girl friend.
Medyo nalungkot ako sa naisip ko na iyon dahil kung si Stella nga inayawan ni Roman ibig sabihin hindi nya ko magugustuhan dahil palaaway ako. Siguro nagbigay na kaagad siya ng sign para hindi na ako umaasa pa.
"Huwag mo na babalikan yung Stella na 'yon ah? Hindi niya deserve ang katulad mo. Masyado rin siyang obsessed." sambit ko na tila ginagatungan ko pa.
"Oo, hindi na." sambit nito at natawa.
"Anong nakakatawa ah?"
"Wala."
"Ano ngaa?"
"Wala nga. Natawa lang ako sa sinabi mo Jamie. Pati hindi ko na talaga babalikan ang babae na yon no."
"Talaga lang ah." sambit ko na tila nasiyahan sa mga sinabi niya.
Nang makarating na kami sa lugar namin ay naghiwalay na rin kami dahil sa ibang street ang bahay nila, at ako naman ay umuwing masayang masaya.
"Oh, Roman my savior!" sambit ko at kinikilig habang papasok sa kwarto.
Masarap pala kausap si Roman, palabiro rin ito at grabe kapag ngumingiti siya parang aatakehin ako sa puso. Sobrang charming niya. Sana lagi na lang kami magkasabay pauwi dahil masaya ako kapag kasama ko siya, ewan ko ba. Siguro in-love na ako. Pero parang ang bilis naman.
Dapat ilihim ko lang mona ang tungkol kay Roman sa mga kaibigan ko sa square village, baka kasi malaman ni Rona tapos agawan nya ulit sakin. Ayaw ko na ulit mangyari yung noon na inagaw yung crush ko.
Sobrang sakit kaya. Ewan ko ba bakit best friend ko pa. Siguro yon na talaga ang nature ni Rona ang mang-agaw.
Bakit kaya may mga taong ganon? Ginawan mo na nga ng mabuti tapos masama pa ang isusukli sayo. Hay naku stop! Ayaw ko na maalala pa ang babae na iyon. Kumukulo nanaman ang dugo ko sa kanya sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa niya.
*********
YOU ARE READING
Warla Prinsesa
RandomTungkol ito sa mga magkakaibigan na naging magkakaaway. Mga plastik kasi at inggitan ang dahilan, bukod pa doon mang-aagaw pa ng crush yung isa d'yan. Ito ang istorya na bawat chapter may away. 😂 Halina't makichismis.