Twenty-two(Monica)

143 5 0
                                    


5 years later

"Mommy!" I turned around.Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Later na baby.Busy pa si mommy,okay?" Malambing kong sabi sa kanya.Kapag kasi walang pasok ay gusto niyang pumunta sa park na di kalayuan sa amin.Tumango lang siya at saka tumakbo pabalik sa kung saan nakakalat ang mga laruan niya.Ang hilig kasing maglaro kaya hinayaan ko na lang.Pina enroll ko na siya sa Day Care Center since 4 years old na siya and besides,he's smart.

Masaya na ako kapag nakikita ko lang siyang masaya.Siguro ganito talaga kapag may anak ka na.Blessing siya para sakin kahit hindi ko siya inasahang dadating sa buhay ko.Kahit pa ang dami kong pinagdaanan na masasakit ay kinaya ko para sa kanya.Kahit pa yung mga taong hinusgahan ako ay tinanggap ko.Sabi ko naman kasi noon na malalampasan ko rin 'to.Pero masakit sa akin na kahit pala yung mga taong mahalaga sa'yo ay iba na ang tingin sa'yo.Na kahit isa lang ang mali mo ay parang araw araw kang nagkakasala.

"You disappointed us,Monica!" Sigaw ni Papa sa akin.Pagkatapos kasi ng mga ilang linggo simula nung pagkaalis niya ay nalaman kong nagdadalang tao pala ako.Tiningnan ko si Mama na nakaupo sa gilid ko habang umiiyak.Habang si Papa ay hindi mapakali na palakad lakad sa buong kuwarto.

Hinimatay kasi ako kanina sa bahay habang tumutulong kay Manang maglinis ng bahay.Ewan ko kung bakit ako biglang naging ganito.Pagkatapos ng ilang linggo ay napag isip isip ko na aayusin ko na ang buhay ko,na magiging responsable ako kahit lang man para sa sarili ko.Wala akong ginagawa kapag walang pasok kundi tumulong kay Manang sa mga gawain sa bahay.Hindi ko hinayaan ang sarili ko na maisip ang taong naging dahilan ng pagkaganito ko.Masyadong masakit pa.At saka pa ako nagtino saka pa dumating ang hindi ko inasahan.

"How could you--" Sambit ni Mama na hanggang ngayon ay umiiyak parin.Hindi ko rin mapigilang umiyak.Naiinis ako sa sarili ko.Naiinis ako dahil sa kahihiyang dinulot ko sa pamilyang ito.Buti sana kung ang bumagsak lang ako sa klase o kaya ayna expell sa school pero hindi e,mas mabigat pa sa inasahan ko.

"I-im so s-sorry,Ma Pa." I mumbled at tumingin kay Papa.Ni hindi sila makatingin sa akin.At ang sakit sakit para sa akin na nakikita silang naaapektuhan din dahik sa akin.

"Sorry?After what you have done and that bastard,sorry?"Sigaw ni Papa.Ngayon ko lang siya nakitang galit sa buong buhay ko.Hindi siya ganyan dati kapag napapagalitan niya ako.Ni si Mama hindi ako matingnan sa sobrang disappointed.This is all my fault.At deserving akong pagsabihan.

"After this,pack your things."He suddenly said with authority.Lumaki ang mga mata ko.

"Pero Pa.. " Hindi pa ako nakapagprotesta ay umalis na siya ng kuwarto maging si Mama ay hindi pinigilan si Papa sa desisyon niya.

Naiintindihan ko sila Mama at Papa.Dahil walang magulang ang gustong mapahamak ang anak at ang laging hangad ay mapabuti ang kanilang anak.Minsan gusto ko na lang mawala sa mundo dahil sa mga nangyayari sa buhay ko pero alam kung mali.Pagod na ako sa kasisisi sa sarili ko.Pagod na ako sa lahat pero kailanman hindi ako napagod sa anak ko.Siya na lang ang meron ako na palaging nasa tabi ko.Ang tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ngumingiti parin ako sa kabila ng lahat.Gusto ko na lang magconcentrate sa kanya.My precious gem.And I've been asking for forgiveness to God for what I have done.Pero hindi naging mali para sa akin na dumating si Floyd sa buhay ko.Pinapunta ako sa Davao ni Papa pagkalabas ko ng ospital nung panahon na iyon.Hindi ko mabilang kung ilang sorry ang nasabi ko sa kanila ni Mama at pakiusap na huwag nilang ituloy na ililipat dito sa Davao.Nagpatuloy ako sa pag aaral kahit buntis ako hanggang sa natapos ako sa high school.Nagpapasalamat ako dahil kahit na galit sa akin ang mga magulang ko ay hindi parin nila ako pinabayaan at pinasama sa akin si Manang.Kahit papaano ay may kasama ako.Nagpapasalamat ako kay Manang dahil siya lang ang taong hindi ako hinusgahan sa maling nagawa ko noon at naiintindihan niya ako.Siya ang karamay ko sa bawat araw.Gagraduate na ako next year ng HRM at kahit papaano ay proud na ako para sa sarili ko.Hindi madali para sa akin ang mag adjust lalo na't bago pa ako dito pero di kalaunan ay kabisado ko na rin.UIC is one of the best college school here in Davao at hindi iba ang tingin sa'yo ng mga tao.Nag OJT ako sa Texas for 3months and thanks for Manang dahil siya ang kasama ni Floyd habang nasa US ako.

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon