Chapter Nineteen(Monica)

112 3 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na bumabakat sa glass window. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi,akala ko panaginip lang.Napatingin ako sa tabi ko ngunit walang Ighan na makita.Asan kaya siya?Napabalikwas ako sa kama at hindi ko namalayan na may suot na pala ako.As I remembered ay nakatulog kaming walang saplot kagabi.Naramdaman ko pa rin ang kaunting kirot sa balakang ko.Naisip ko bigla ang nangyari kagabi.I can say that it was amazing but the other side of my mind says it was a big mistake.

Napailing na lamang ako.Ayokong isipin  mali iyon dahil kung iisipin ko pa iyon ay huli na para magsisi at nangyari na kaya dapat ay hindi na ako mag paka stress.Inayos ko muna ang sarili ko ng ilang minuto bg sa ganun ay hindi ako mahahalata nila Mama kung sakaling nandito na sila.Sa gitna ng aking pag aayos ay may napansin akong isang note sa may mini table na katabi lamang ng salamin.

Note:Sorry at umalis na ako agad and besides your parents might caught us,baka mapatay ako ng Papa mo.Magkita nalang tayo sa school and we'll talk about last night and by the way,it was great^_-

-I love you Monica Khate Rivera

Bahagya akong napangiti sa ka sweetan niya and blush at the same time dahil pinapaalala pa niya talaga at pag uusapan daw namin mamaya.Like seriously?

Bumaba na ako pagkatapos kung mag ayos at marahan akong pumanhik sa hagdanan.I know that if my parents will know about what happened between me and Ighan,they will surely separates us and I won't let that to happen.I hope so.

Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa kitchen kung andun parin ba sila Mama at Papa.As far as I know ay masyado silang busy ngayon dahil may bagong branch na ipinatayo ang kompanya nila Papa.Hindi ko naman masasabing kasali ako doon kasi wala naman akong na co-contribute sa kompanya nila at kahit anak ako ng may ari ay hindi ko parin maituturing that I am part of them.

Ang nadatnan ko lang sa kusina ay si Manang Sally na naghahanda ng pagkain sa mesa.Napansin niya siguro na may tao kaya lumingon siya sa may pintuan.Sinuri niya ang buong katawan ko na para bang may mali sa akin at doon ako namutla at nanginig dahil sa mga titig niya na hindi ko maintindihan.Kinakabahan ako na maaaring may alam siya.

"Kumain ka na." Marahan ngunit may iba sa tinig na iyon ang sinabi niya.Tumalikod na siya at bumaling sa kanyang niluluto.Bakit pakiramdam ko ay may alam siya?God.Hindi ko siguro makakaya kung sakaling alam niya at posibleng sasabihin niya ito sa mga magulang ko.

Nanginginig ako habang papunta sa upuan.Hindi malaman kung hindi nalang ba ako kakain at didiretso na lang sa school pero ayoko namang mas pagdudahan niya ako.

Natapos ko ang pagkain kahit hindi ko naman naubos dahil nawalan ako ng gana sa kabang naramdaman ko.Tumayo na agad ako at kahit late na ako ay papasok parin ako.

"Late ka ata ngayon,Monica?" Biglang tanong ni Manang.Nilingon ko siya,sa mga titig ni Manang na parang binabasa ang mga mata ko.Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"A-a m-marami po kasi akong ginawang assignment kagabi kasama si Ighan." Gusto kong sapakin at sampalin ang sarili ko dahil sa pagkabulol ko.Nasaan na ba iyong talent kong magaling sa pagpapanggap?

Nanunuyang tumitig sa akin si Manang.Kahit ay katulong namin siya ay nirerespeto ko parin siya dahil siya na ang nag alaga sa akin simula pa noong bata pa ako at para ko na rin siyang pangalawang magulang kaya napamahal narin ako sa kanya.

"Ah ganun ba?Pinapabilin pala ng Mama at Papa mo na maaga ka raw umuwi mamaya dahil maaga din daw silang makakauwi." Bilin niya sa akin.

"O sige po.Alis na po ako." Paalam ko sa kanya.Tumango lamang siya at tinalikuran ako.Umalis agad ako dahil hindi ko makakayang tingnan ang mga mata ni Manang na para bang may gusto siyang sabihin ngunit mas pinili niyang tumahimik.If ever na alam niya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.Magmamakaawa ba ako na huwag niyang sabihin kung sakaling alam niya?Hindi ko alam.

As I arrived ay pumasok na agad ako sa room at palagay ko ay second period na at laking pasalamat ko at mas nauna pa akong nakapasok kesa sa kay Mr.Cerojales na siyang Math teacher namin.

Tumingin tingin ako sa buong classroom ngunit walang Abbyng mahagilap.Saan kaya 'yon?Baka absent?

Kung sana ay meron siya ngayon ay may makakausap ako kahit papano.Hindi naman ako masyadong close sa iba ko pang mga kaklase at masyado narin silang busy kasi gaduating na nga kami.E bakit parang ako lang ang di busy?Siguro ay hindi ko masyadong kina career ang pagiging graduating student,maayos naman ang grades ko kaya wala na dapat akong ipag alala.

Biglang nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko.Isang text na galing kay Abby.

From Friend Abby:

Puntahan mo ako sa library after class.

Hindi siya absent?Pero bakit hindi siya pumasok?Ano namang ginawa niy sa library?Nagre-research?

After class ay agad akong tumungo sa library.Nagmamadali ako kasi baka wala na siya roon,hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.Ang bilis ng tibok ng puso ko ng walang humpay.Bakit ko ba nararamdaman ito?

As soon as I reached the library ay hinanap ko na siya agad.Kahit saang anggulo ay hinanap ko siya ngunit wala.Nasaan na kaya 'yon?Hinanap ko parin siya hanggang sa nakarinig ako sa isang sulok na may nag uusap.Hindi ko alam kung si Abby iyon.Kung sakaling siya,sino naman ang kausap niya?Naglakad ako papalapit sa kung saan ay may nag uusap.Nung malapit na malapit na ako ay medyo naririnig ko na rin ang mga boses nila.Pamilyar ngunit imposible.

Nang makita ko ang kung sino ang nag uusap ay napalaki ang mata ko.Nagtago ako agad sa may nakaharang na bookshelf sa may gilid.Anong ginagawa niya dito?Bakit siya nandito?At bakit sila nag uusap?Maraming tanong na gusto kong itanong pero siguro ay makikig muna ako sa kanila.

"Hanggang kailan mo itatago kay Monica 'to Ighan?" Rinig ko mula kay Abby.Hindi ko man nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya at nakaharap naman si Ighan sa kanya.Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Ighan.

Anong sinasabi ni Abby na tinatago?

May lihim ba siyang hindi ko alam?Sa naiisip ko pa lang ay naninikip na ang dibdib ko.

"Hindi ko kaya Abby.Bigyan mo pa ako ng panahon at sasabihin ko rin sa kanya but not now..please." Sagot ni Ighan.Ano ba kasi iyon, Ighan?Gusto kong magpakita pero ayaw ng mga paa ko.Bakit ganun?

"My god Ighan!Next week na iyon.Kailan mo balak sabihin ha?Sa araw na aalis na tayo,ganun ba?Wala akong pakialam kung masasaktan siya,mas maiging sabihin mo na habang may isang linggo pa!" Dinig na dinig ko kay Abby na mukhang naiinis siya.Aalis sila?Pero bakit?

"Mahal ko siya Abby at ayaw ko siyang saktan at mas piliin nalang na huwag ng ipaalam.I don't want to lose her...I love her so much!" Mariin ngunit alam kong nasasaktan si Ighan sa klase ng boses niya.Nanghihina ang buong sistema ko sa mga naririnig ko.Iiwan niya ako?Iiwan nila akong dalawa?Saan naman sila pupunta?

Buti nalang at walang ibang mga estudyante dito dahil hindi ko na kayang ibuhos ang luha ko.Nasasaktan ako dahil meron silang tinatago sa akin.Kaya pala mukhang problema siya kagabi pero hindi niya masabi sabi sa akin!
"Anong gagawin mo ngayon?Ang paasahin siya?Ighan ikakasal na tayo kaya hindi na magiging kayo at palayain mo na siya.Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya e di ako ang magsasabi!And ow hindi na pala kailangan dahil alam na niya pala." Iyon ang narinig ko kay Abby.How could she say like that?Ang buong akala ko ay kaibigan ko siya pero bakit ganito?

Lumabas na ako at bakat na bakat sa mukha ni Ighan ang pagkabigla.Agad siyang napatayo at lumingon si Abby sa akin na parang wala lang nangyari.Parang hindi guilty.

"Mon,magpapaliwanag ako." I averted my gaze at him.Gusto ko siyang sampalin dahil hindi niya sinabing ikakasal na pala siya!Gusto ko siyang sumbatan dahil hindi  ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.Hinawakan niya ang magkabilang braso ngunit hindi ko na siya ininda.Ayokong marinig ang rason niya dahil mas masasaktan ako.

Tinalikuran ko na sila.Panay ang tawag niya sa akin ngunit wala akong marinig kundi ang hikbi ko.Ang sakit.

Ito na ba ang parusa sa isang pagkakamali ko?

Parusa na sa palagay ko ay habang buhay?



****please vote and comment.tnx:)



PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon