"Jaden 'wag mo ngang binibiro 'yung bata" Sambit ko sa kanya.Hindi biro ang ginawa niya!Ano nalang ang iisipin ni Floyd kapag nalaman niyang hindi naman niya talaga daddy si Jaden.Mas mabuti ng wag paasahin kaysa paaasahin mong hindi mo naman panindigan.He looked at me with his serious eyes as if he was really determined to what he stated.
''Sandali lang baby ha?Mag uusap lang kami ng mommy mo,okay?" He said to Floyd and he hastily nodded.Na para bang excited pa siya na mag usap kami.
Pinakiusapan ko muna si Manang na palaruin muna si Floyd sa ZooFari and thank God hindi na siya nagtanong pa.Mamaya na ako magpapaliwanag Manang.
"Jaden,ano bang pinagsasabi mo sa bata?!Bakit mo sinabing ikaw ang daddy niya?Ano bang gusto mong palabasin?At ano ang karapatan mo para sabihin iyun sa bata?!" Mabuti nalang at maingay sa mall kundi lahat maririnig ako.Masyado na akong naguguluhan sa kanya.
He looked at me straightly in the eyes.Hindi ko siya mabasa.Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya.
"Mon,I'm willing to take the responsibility.." He started.
"What?Why?This is not a joke Jaden!This will affect my son,kaya huwag mong sabihin 'yan dahil hindi naman ikaw ang ama niya.And what are trying to say?Na aakuin mo ang responsibilidad?Para saan?Bakit?Gusto kong ipaliwanag mo Jaden!Kasi naguguluhan ako sayo!"
Nakakalito siya!Nakakainis!
Padalos dalos siya kung mag desisyon.Aakuin ang responsibilidad?Bakit?Kahit kailan hindi ko hiniling sa isang tao na akuin ang responsibilidad dahil unang una,wala naman dapat silang akuin.Oo sa limang taon merong mga nanliligaw sa akin na kayang maging ama ng anak ko,hindi ba nila alam na hindi biro ang gawin iyon?Na akala nila ay panandalian lang ito?Taking responsibility is not for the meantime,it takes for a lifetime and you will be held accountable kung hindi mo naisasagawa ito ng maayos.
Paasahin lang nila ang anak ko at sa huli masasaktan lang din siya.So I stopped letting guys enter my life.
"Mon,I've been looking for you since I heard that you are no longer attending classes hanggang sa naka graduate nalang ako,wala akong Monica na nakikita until sa pumunta na ako ng US para mag aral,I was still searching for you.And now that you are finally here infront of me.God knows how glad I am.God knows that since from the start you are still the one that beats my heart..." Malamlam na iyong boses niya.Na para bang anytime ay iiyak na siya.Ako naman na tulalang tulala sa kanyang sinabi.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.Matagal din ang limang taon kaya imposibleng hindi niya ako nakalimutan.Let's say hindi nakalimutan pero kapag ang isang tao ay hindi mo na kadalasang nakikita ay magiging isa na lamang siyang alaala at unti unti naring maglalaho ang kung ano man ang nararamdaman mo para sa kanya.
Really,Mon?
I wiped away at the thought of it.
Umiwas ako ng tingin.
"Imposible iyang sinasabi mo.Kanina mo lang nalaman na may anak ako kaya paano mo ako mapapaniwala na seryoso ka?and besides hindi ako papayag.Kung ano man 'yang nararamdaman mo para sa akin,kalimutan mo na.Huwag mong akuin ang isang responsibilidad na hindi naman talaga dapat sa'yo.Sinasayang mo lang ang oras mo at ayaw kong may madamay sa desisyon mo."
Akmang aalis na ako but he filch my hand.Holding it tight.I looked at him.His eyes are getting red na anytime soon iiyak na siya.I never thought this fine and succesful man would be like this.A desperate one.I don't want to trust anyone.I don't want to expect because expecting will lead us to dissappointment.Ayaw ko nang umasa pa.
"Please Mon,give me a chance to prove myself that I'm serious.''
"No Jaden.And I don't have feelings for you,huwag mo nang balikan ang nakaraan,crush lang kita noon at mga bata pa tayo nun.Huwag mong asahan na kapag infatuated sa iyo yung tao noon,ay inlove na siya sayo ngayon.Hindi ganun yun Jaden." As I said that ,I left him.I don't know kung magkikita pa ba kami ulit.Ni hindi ko man lang nahingi ang number niya.Para saan pa?
Ako ang ina ni Floyd at ako ang magdedesisyon para sa kanya.Kahit wala siyang kikilanin na ama,gagawin ko lahat mapunan lang ang pangangailangan niya.Hindi niya kailangan ng ama dahil mismo ang ama niya walang pakialam sa kanya.
Pinaasa lang ako sa wala.Sa huling text niya akala ko babalikan niya ako,hinintay ko siya kahit masakit.Hinintay ko siya kahit ang tagal na.Ni hindi man niya alam na may anak kami.Pinanghawakan ko iyung huling text niya,hindi man iyon verbal na pagkasabi pero pinanghawakan ko parin kahit alam kong wala ng pag asa.Dahil ngayon ay may asawa na siya at siguro may mga anak na.
What happened 5 years ago flashed in my mind.Kung paano kami nagkakilala.Hanggang sa naging matalik na kaibigan.Kung paano niya ako pinasaya,pinalungkot at higit sa lahat sinaktan.Ang tanga ko talaga noon.Naniwala ako sa kanya,binigay ko ang lahat pero sa huli nasaktan parin ako.Kung paano nila ako niloko.Na palabas lang pala lahat.Na simula't sapul ay niloloko na nila ako.Masakit pala kapag ang kaibigan mo mismo ay niloloko ka ng harap harapan.Parang ang tanga mo na talaga kasi hindi mo sila napansin na pinagtatawanan ka na nila dahil sa sobrang katangahan mo.
Sabi nila walang taong maloloko kung walang magpapaloko.E sa tanga yung tao e kaya naloko.Parang ako.
"Mommy bakit di natin kasama si daddy?" Floyd asked as I am driving.Maaga kaming umalis.Masyadong magulo ang isip ko.Hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi.
Tiningnan ko si Floyd sa rearview na katabi ni Manang sa backseat.
"Joke lang yun Floyd.Mahilig magbiro yun so don't believe on him,okay?" Nakita ko ang disappointment sa kanyang mukha.I know he's been longing for a father,I know he envies his playmates who has a father that would play with them.I know he longs for it.Pero wala akong magagawa kung mismong ama niya ay hindi alam na may anak siya.
Paano ko maipapaliwanag sa kanya na hindi alam ng daddy niya na may anak siya?Na iniwan ako noon ng daddy niya?Akala ko kaya ko lahat para sa kanya kahit naman ginagawa ko ang lahat.Dahil habang lumalaki si Aedrean Floyd ay mas lalo niyang hinahanap kung sino ang daddy niya.He's smart enough to know things.
Hanggang sa nakauwi na kami ng bahay ay tahimik lang si Floyd.I park my car at pagkatapos ay kinuha si Floyd sa loob.Halatang pagod na rin sa paglalaro kanina.
"Baby,do you really want a daddy?" I asked him as I am touching his silky hair.Nasa kama na siya at nakatulog na. Bahagya siyang gumalaw pero hindi nagising.
Tumulo ang luha ko habang tinitingnan siya.Parang kailan lang nasa tiyan ko pa siya pero ngayon ni mabuhat hindi ko na kaya dahil sa bigat niya.I know he wants a complete family.But how could I give it to him?Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin.Para akong bulag na hindi alam kung saan dadaan.Ano bang gagawin ko?
I remembered Jaden.I don't know if he was serious,pero base sa sinasabi niya kanina ay parang totoo.At bakit naman siya magbibiro?Wala akong nakitang dahilan para magbiro siya ng ganun.Hindi ko alam na importante pa pala ako sa ibang tao.Akala ko wala na akong halaga sa kanila.Was he really serious?
Niligawan niya ako noon at alam kung gusto niya ako.Pero noon pa iyon.Matagal na.Imposibleng hindi pa naglalaho ang nararamdaman niya para sa akin?Naalala ko pa nung binigyan niya ako ng bulaklak sa loob ng classroom at kung paano nainis si Ighan sa kanya.At siguro tama rin yung nangyari noon.Kasi doon na niya inamin na gusto niya ako.
Napailing ako.
Hindi naman pala niya ako gusto.Na ginamit lang niya ako para makuha iyung gusto niya at saka iwanan.
Kailan pa kaya ako makakalimot sa nakaraan?Kasi palaging pinaalala sa akin kung gaano ako ka tanga noon.Pero sabi nila kapag ang tanga natuto,nagiging matalino.
Kaya ayoko ng umasa sa ibang tao.At mas lalong ayoko ng magtiwala pa.
But I have to decide for the sake of my son.
BINABASA MO ANG
PAASA KA,SOBRA!
RomanceA girl who always lingers of whatever PAASA WORDS AND ACTION ni IHGAN JAMES GARCIA na sobrang gwapo't lahat lahat kaya sino namang di mahuhulog sa kanya?