Chapter Eleven(Monica)

158 3 0
                                    

"Mahal mo na pala ako noon pa pero never kong naramdaman 'yun." Sabi niya na nakatingin sa akin habang nagmamaneho siya.Pero muli niyang ibinaling sa harap ang tingin para di kami mabangga.Kakatapos lang naming kumain at mag usap at pauwi na kami.Buti nalang at malinaw na ang tungkol sa aming dalawa.Ang ikinalulungkot ko lang ay ang biglaang paghihiwalay nila ni Janica.I admit I was so cruel to her pero pinagsisihan ko na 'yun ngayon.Dahil sa katotohanang ako ang dahilan kung bakit naghiwalay sila.

Sa mga kinuwento ni Ighan sa akin kanina ay para akong nakaramdan ng guilt.Pero ang ipinapangamba ko lang ay ang nabanggit niyang hindi nagalit si Janica nung naghiwalay sila.Ang sabi pa naman daw niya ay masaya siya dahil natagpuan na daw ni Ighan ang totoong nasa puso nito.Aaminin kong na fa-flatter ako dun,na ako pala ang mahal ni Ighan pero nakakapagtataka talagang hindi man lang siya nagalit

Dapat diba ay susugurin na ako ni Janica?

At ang sabi ni Ighan ay mabait naman talaga si Janica.Hindi ko lang daw nakikita 'yun kasi di ko man lang daw sinubukang kilalanin 'yung tao.Siguro nga.Paano ba naman kasi e inagaw ka nga niya sa akin kaya wala akong planong makipagkaibigan sa kanya noon.Pero ngayon parang gusto ko siyang kausapin but I don't know what to say.I don't know how to approach her.

I just pasted a small smile at him.

"Kasi magaling akong magtago.Diba nga member ako ng drama club last year?" Sabi ko.Oo I was part of our Drama Club kaso huminto ako kasi gabi na kasi akong umuuwi lalo na pag may practice,kaya pinatigil nalang ako ni Mama just for my own good din naman kahit 'yun sana ang gusto ko.But I have to obey and understand them kasi para sa akin din naman 'yun.

''Di mo man lang ako binigyan ng hint na mahal mo pala ako." Ang corny pakinggan kapag may 'mahal' na ang pinag uusapan pero kinilig naman ako.Ito naman ang gusto ko diba?

Napangiti ako.Ang cute niya kung magtampo.I turn to look at him.I can see how handsome he is and how pointed his nose is.Ang gwapo niya talaga.Wearing his white polo na nakatupi p sa may siko niya and his fitted jeans na talaga namang nakakadagdag appeal sa kanya.

Ang ganda ko tuloy.

You imagined how lucky I am dahil sa ako ang mahal nitong hunky na 'to?

Ang suwerte suwerte ko.

Di lang sa gwapo siya at matalino ay mahal pa ako.

"Ang manhid mo kasi e!" Pagsusungit ko.

"Sorry na nga." He apologized then held my left hand na nakapatong sa hita ko.Naninibago ako sa paghawak niya ng kamay ko ,well nahawakan na naman niya yung kamay ko pero iba to ngayon kasi may halong pagmamahal.

I sweetly smiled at him.

Being with him it felt like I'm secured.

**

AS we arrived I immediately open the car and went out but before I could open it he quickly grasped my wrist.Napatingin ako sa kanya at pinabalik niya ako sa pag upo then lumabas siya.

Ano namang problema nito.

At dun na lang ako napatanga ng umikot siya para pagbuksan ako.I rolled my eyes at him sa ka over gentleman niya but I find it sweet.Dati kasi lumalabas lang ako bigla at di niya to ginagawa sa akin nun.

Inilahad niya ang kamay niya at agad kung hinawakan yun.Nakita ko namang nakangisi siya habang tinitingnan ako.

"Napaka gentleman mo naman." I innocently mumbled na magkahawak parin ang kamay namin.Akala ko ihahatid niya lang ako sa gate pero laking gulat ko ng sumabay siyang pumasok sa akin.Nagsalubong ang kilay ko.

"Hindi ka pa ba uuwi?'' I confusely asked.Gabi na kaya para di pa siya umuwi.Wag niyang sabihing dito siya matutulog which is impossible.Though we're bestfriends he never been tried to sleep over at my house.

"Hmmm I've decided to tell to your parents that I am your boyfriend."He said confidently para bang alam na alam niya yung ginagawa niya.

And what?

''No!At saka wag ka ngang mag assume na boyfriend na kita.Remember hindi pa kita sinasagot." Paalala ko sa kanya at hindi pa ako handang sabihin kina Mama at Papa na may nanliligaw sa akin.Kahit nga nanliligaw si Jaden ay di ko pa sinasabi sa kanila na halos mag isang linggo na siyang nanliligaw siya pa kaya na kanina palang kami nagkakalinawan?

"Ayaw ko lang maunahan ng kung sinong lalaki ang manliligaw sayo.At tandaan mo Monica Kate Rivera ,ako lang dapat ang lalaking manahalin mo at ang lalaking dapat ay nakasaksak sa puso mo ...maliwanag ba?

''Tinatakot mo ba ako?Pagtataray ko.Aba ang possessive talaga niya.Well walang problema Ighan sayong sayo lang ako.Kahit na ilagay mo pa ako sa puso mo at kahit ibilanggo mo pa ako ay hinding hindi ako mawawala sa'yo.

Ang OA ko na!

"Naninigurado lang at 'yung Jaden na 'yun pagsabihan mo na tumigil na siya kundi ako ang kakausap sa kanya.!" At wala naman akong planong magkausap kayo at baka ano pang mangyari pag nagkataon.

Tiningnan ko siya at hindi na maipinta ang mukha niya.I pinched his both cheeks.Ang cute niya talaga kapag nagseselos parang kanina lang umaga.

"Wag ka na kasing magselos."

Napakunot naman ang kilay niya.

"Hindi ako nagseselos.!" Pagtanggi niya.Sus!Hindi raw.

"Aminin mo na kasi."

Nabigla ako nang hinatak niya ako papunta na sa loob at akma na siyang pindutin ang doorbell namin.Hinila ko na siya bago paman niya mapindot 'yun.

"Teka nga lang.Hindi pwede 'yang pinaplano mo Ighan.Masyado pang maaga para ipaalam natin sa kanila." Pagrarason ko.Di pwedeng malaman nila Mama,they will surely get furious kapag nalaman nila na ang nag iisang anak nila ay may manliligaw na.

They always said na hindi pa ako pwede sa mga ganyang bagay kaya di ko pa nga sinasabi sa kanila na nililigawan ako ni Jaden.

"Mas mabuti na yung maaga kesa maunahan pa ako ng iba diyan." Pagsusungit niya naman.Kailan ko ba uulit ulitin sa kanya na hindi ko nga sasagutin si Jaden at sayo lang ako.

Akala ko ba matalino 'to?Bakit parang naging low?

Bahagya akong napailing.

"Hindi pa nga kasi pwede kasi magagalit sila Mama.At gabi narin,goodbye and goodnight kita nalang tayo sa Monday and ingat sa pagmamaneho."I said at tinulak tulak siya palabas ng gate.

"Ang kiss ko." He suddenly said na nagpalaki naman ng mata ko.

May pa kiss kiss pa siyang nalaman.

My brows met.

Pero bago paman ako maka react.Ay bigla nalang niya akong hinalikan sa pisngi.

"IGHAN!"Sigaw ko at wala na akong magawa dahil naka sakay na siya sa kotse niya.

That jerk!

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon