This day is the best day for me.At this very right moment ay sobrang saya ko.Alam mo 'yung feeling na nag effort talaga siya para mag celebrate ng 'friendsary' daw mamin na kahit anong petsa nga nun e di ko maalala.September 5 pala ang araw na 'yung natamaan niya ako ng bola.
Dalawang oras na kami dito .Nagkukuwentuhan lang kami ng kahit ano anong bagay hanggang sa tinanong niya ako ng di ko naman alam kung saan maghahanap ng isasagot.
"Best ,bakit wala ka pang boyfriend?imposible namang wala e maganda ka naman kung tutuusin?".I was literally felt nervous sa tanong niya.Ano ba ang isasagot ko?Ang pinag usapan kasi namin na kahit anong tanong ay dapat sagutin kaya anong isasagot ko rito?
Alam ko naman na mali ang magsinungaling e pero wala na talaga akong choice,alangan namang sasabihin ko ang totoo e di magkabukingan na at baka kasi pag nalaman niya ang totoo ay pati friendship namin madamay pa at 'yun ang pinakaayaw kong mangyari.
"Hmmm...Si Jaden naalala mo pa ba siya?'yung schoolmate natin na soccer player y-you know he's courting me a week ago,di ko lang nasabi sayo kasi alam ko na busy ka kasi pero wala pa naman akong planong sagutin siya." I explained.Nung tiningnan ko siya ay parang nag iba naman 'yung expression niya na parang may mali sa sinabi ko.If he just new that I just lied to cover up my true feelings for him just for the sake of our friendship.
"Are you sure na seryoso 'yon?baka naman trip ka lang ligawan nun best?" Sabi niya.I frowned at him.
"Ba't mo naman nasabi?Close ba kayo nun?". Tanong ko .
"Aiish nevermind!" Agad niyang sabi at saka tumayo.Anong problema nun?Tumayo naman ako.
"Best may mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko saka hinawakan ko ang kaliwang balikat niya kasi nakatalikod kasi siya.
Di parin siya umimik kaya hinarap ko na siya,nakita ko 'yung mata niya na parang may something pero di ko alam kung ano 'yun.
He's weird....
But I should not assume.
"Wala.Tara na?Hatid na kita." Aya niya.
"Pero paano si Janica di mo ba siya ihahatid?" I asked.Well part of me na sana wag niyang ihatid ang malditang 'yun!
Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sa kanya.Minsan kasi kapag everytime magkasama silang dalawa e napapansin ko na di niya pinapayagan si Ighan na kausapin ako saka bigla akong iniirapan kapag hindi napansin ni Ighan.Sarap tusukin ng karayom 'yung mata.
"Tinext ko na siya.I said na ihahatid kita pero di parin siya nagrereply." Aniya.Well bahala siya noh kung ayaw niyang magreply.
"So tara na?" Sabi ko.
He nodded then kinuha na namin ang mga gamit na ginamit namin atsaka naglakad na kami papunta sa sasakyan niya.
Buti nalang at na timing na walang klase kanina dahil may biglaang meeting daw ang mga teachers.
Thanks for my friend A.B dahil tinext niya ako kanina.
"So siya pala ang kasama mo habang ako kanina pa naghihintay dito?Ano ba talagang meron sa inyong dalawa ha?" Napatigil kami sa paglalakad dahil sa nagsasalita which is I know kung kaninong boses 'yun.
Napalingon kami sa kanya.
Galit na galit niya akong tiningnan.What now?
Tinaasan ko rin siya ng kilay.Hmp!Kala niya siya lang.
"There's nothing between us Janica.We're just--".
"Just what?baka hindi mo alam na may gusto 'yang Monica sayo?di mo ba nahahalata 'yun Ighan?That girl has feelings for you!!" Sumbat ni Janica na nagpaawang ng bibig ko.

BINABASA MO ANG
PAASA KA,SOBRA!
RomanceA girl who always lingers of whatever PAASA WORDS AND ACTION ni IHGAN JAMES GARCIA na sobrang gwapo't lahat lahat kaya sino namang di mahuhulog sa kanya?