I can't breathe straightly.
Jealous?
Ighan is jealous?
"W-what did you just say?" I stuttered.Kahit ang linaw linaw sa akin kung ano ang sinabi niya.
Pero bakit naman siya magseselos?
Ibig sabihin ba nun....
He suddenly walked away at walang minu minuto'y pinigilan ko siya.
"Just forget about it." Ani niya.
"Teka nga!Bakit ang weird mo ngayon?Di kita maiintindihan!." Panunuya ko ng humarap na siya sa akin.Umiwas lang siya ng tingin na para bang di niya ako kayang tingnan sa mata.
"Don't take it seriously kung ano man ang nasabi ko." He chunterly stated.Ang lamig niya kung magsalita.At doon ko lang napagtanto to the point na nasasaktan na ako.
Ang paasa niya!
Ang akala ko pa naman ay nagseselos siya dahil narealize niya na ako ang gusto niya!Pero hindi e!
Gusto ko siyang tirisin dahil naiinis na talaga ako sobra.One week ago he never talked to me nor just one glance at me,he never did.And now he will say na nagseselos siya and then sasabihin niya hindi 'yun seseryosohin?
"ALAM MO BANG PAASA KA,SOBRA?!SASABIHIN MONG NAGSESELOS KA TAPOS NGAYON SASABIHIN MONG DI KO NA DAPAT SERYOSOHIN 'YON?!" I screamed at him like there's no tomorrow.I hate him!I really really hate him!
He's jerk!
Ang hilig mag paasa.
I want to cry!
I didn't saw any emotions in his dark brown eyes but nontheless he hugged me.
"I'm sorry...please tumahan kana."He whispered.Di ko pala namalayan na kanina pa pala tumutulo ang luha ko.It felt warm in his arm.It felt so good.I don't know what to think.Masyadong magulo ang utak ko ngayon.Ang alam ko lang is that I am feeling okay kasi niyakap niya ako.Pero di parin nawawala ang kirot sa damdamin ko.
Napakalas ako bigla sa yakap niya when I remembered na andito pala kami sa sala at nasa garden area lamang sila Mama at Papa.Nagtataka naman siya sa kinikilos ko.Tumitingin ako sa kabuuan ng bahay but thank God parang wala namang nakarinig na nagsisigaw ako dito kanina.Pinunasan ko ang pisngi ko atsaka kinuha ang bulaklak na nasa basurahan.
Ayoko ng ganito.Ang labo niya!At naiinis parin ako sakanya kahit sandali kong nakalimutan 'yon.Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko.Ang bata ko pa para sa ganito para akong tanga.
"Mag usap nalang tayo sa ibang araw kapag may dahilan kana kung bakit di mo ako kinakausap halos mag isang linggo na.Nalilito na ako sa'yo,hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan at maghanap ka ng dahilan kung bakit sinabi mo kaninang nagseselos ka at ayokong mag assume dahil masasaktan lang ako kahit matagal mo na akong sinasaktan, kinakaya ko naman na saktan mo ako ng hindi mo nalalaman pero sana ngayon huwag mo ng dagdagan pa!" Dirediretsong sabi ko kahit alam kong di niya ako maiintindihan.Iniwan ko na siya sa sala and went straightly to my room.
Gusto kong ilabas ang kanina ko pa gustong sabihin sa kanya.Gusto ko nang aminin na mahal ko siya.Na gusto ko siya.Na matagal na akong may pagtingin sa kanya.
Alam kong di tama ang ginawa ko kasi nabigla ko siya.Pero binigla din naman niya ako ah!
Lalo na ngayon na nalaman na niya!
I left him buffering but I'm pretty sure makukuha din niya ang ibig kong sabihin.
Pumunta ako sa glass window sa malapit sa kama ko at nakita ko siyang lumabas na ng bahay at saka pumasok sa kotse niya at umalis na.Naiiyak na naman ako.Hindi ko maintindihan.
**
Di ko namalayang nakatulog pala ako at pasado alas kuwatro y medya na ng magising ako.Bumangon agad ako at pumunta sa banyo.Habang pinupunasan ko ang mukha ko ay namamaga pala ang mga mata ko.Paano ko maitatago to kina Mama,sigurado akong magtatanong sila.Ano na naman ang idadahilan ko sa kanila?
Wala na akong makapang dahilan.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko.Bumalik ako sa kama I saw he is calling.
Bakit nama siya tumatawag?
I answered his call.
["Let's talk later at itetext ko nalang ang address ."]
'Yun lang ang sinabi niya at nawala na ang linya.
****
Please vote and comment..Thanks for reading (*-*)
Follow me :LoveLeeJanice
BINABASA MO ANG
PAASA KA,SOBRA!
RomanceA girl who always lingers of whatever PAASA WORDS AND ACTION ni IHGAN JAMES GARCIA na sobrang gwapo't lahat lahat kaya sino namang di mahuhulog sa kanya?