Chapter Two(Monica)

249 4 1
                                    

Arayyy..

Daing ko nung may tumama sa akin na bola sa may bandang tuhod ko.

Ughh..Sino bang may gawa nun?

"ahm...miss sorry!hindi ko sinasadya ,saan ba ang masakit?dito?dito?"  Tanong ng isang lalake na tila hinahanap kung saan ako natamaan.At dahil maldita ako kaya sinipa ko rin siya.

Aba't masakit kaya iyon.Siya kaya tamaan ko ng bola ng di siya mapa aray.

"Ahh..ba't mo ba ako sinipa?" Reklamo niya habang  hinahawakan niya ang kanyang kaliwang tuhod ,mukhang napalakas yata ang pagsipa ko kasi di na maipinta ang mukha niya .

"E sa binato mo 'ko ng bola e!Ano pa bang inaasahan mong magiging reaksyon ko?Magtatalon ako sa sobrang tuwa dahil natamaan mo ako ng bola?hoy for your information hindi ako ganun kaya dapat lang sayo 'yan." Pagtataray ko kahit medyo masakit parin ang kaliwang tuhod ko.Mukhang magkaka pasa ako nito ah!

"Tss.pilosopo!" I heard him whispered.Aba't.

"Hoyy narinig ko 'yon ah! Gusto mo isang sipa pa ha?" Astig na asal ko pero sa kaloob looban ko parang napansin kong gwapo pala 'to pero hindi ako nagpaapekto.

"Hindi hoyy pangalan ko!" Ganti niya.

"Kahit mala prinsipe 'yang pangalan mo wala akong pakialam kasi masakit ang tuhod ko kaya please lang dalhin mo na ako sa clinic". Sabi ko sabay irap.Hmp bahala siya masakit ang tuhod ko kaya resonsibilidad niyang dalhin ako sa clinic.

Parang ako lang yata 'yung kahit may masakit sa katawan ay nagtataray pa at demanding pa talaga.

I was shocked when he suddenly carried me na parang bagong kasal,like seriously?

"Hoyy ibaba mo nga ako!" Singhal ko habang sinasapak yung dibdib niya.

Pero malakas talaga siya.

"Kanina lang sabi mo dalhin kita sa clinic tapos ngayon nag iinarte ka kasi binuhat kita,marami kayang gustong magpabuhat sa'kin kaya dapat magpasalamat ka pa." Sabi niya sabay tingin sa'kin ng diretso kahit naglalakad na siya papuntang clinic.

Ano daw?Magpasalamat dahil bimuhat niya ako?

Ang feeler huh!

"Hoyy sinabi ko bang buhatin mo 'ko?hindi naman ah!at saka 'wag ka ngang feeling jan ,nagpapakapal ng mukha 'yan sige ka!" Sabi ko saka hiniwalay ang tingin sa kanya.Siguradong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito.

Ugh..Ba't ba kasi ako umupo don sa may groundfield ,'yan tuloy nadisgrasya pa.

"Tss.di nga hoy ang pangalan ko!di ako aso .'' Pagmamaktol niya.Big deal na talaga ang pagtawag ko sa kanya ng hoy.

Hmp.Bahala siya.Kahit gwapo siya ...I DON'T CARE.

"Whatever!e sa 'yon ang gusto ko atsaka ibaba mo nga ako!"

Angil ko.Pero di niya talaga ako binaba at pinagpatuloy ang paglalakad.

Until we reached the clinic and he guided me inside at saka ako binaba.

May lumapit sa aming in charge na nurse  at si Mr.Hoy ang kumausap todo ma cute naman ng nurse.

Napairap nalang ako ng mata sa kalandian niya.At dahil nga maldita ako.

"Ouchh!pwede bang dalian niyo jan ,ang aga aga naglalandian." I said with matching pairap irap pa.Parehas silang napalingon at dali dali akong  dinala sa white bedded na kama.

At tiningnan agad ang tuhod ko ng nurse kung saan ako natamaan.I secretly rolled my eyes.Malanding nurse.

"Hindi naman masyadong malala ang natamo ng tuhod niyo pero kailangan parin nating e hot compress to para di masyadong mamaga." Ani ng nurse sabay tingin kay Mr.Hoy.

Pagkatapos e hot compress ay pinapahinga pa ako ng sandali hanggang sa umalis na kami.

"Umuwi ka na lang siguro muna para magpahinga." Aniya.

Medyo nahimasmasan narin ako sa inis sa kanya at dun sa nurse dahil atleast nakita ko ang effort niya.

Gentleman na feeler!

"Okay.Thank You and by the way what's your name?" Tanong ko .Bigla kasing lumabas sa bibig ko pero bahala na.

"Hmm.parang di mo talaga matiis na tanungin kung anong pangalan ko,well maganda ka naman ...Ighan,my name is Ighan."Sabi niya.

"Well I'm Monica ."

"So friends naba tayo?"He suddenly uttered.

Friends?

Friends agad?

At dahil pakipot ako ngayon kaya balik muna ako sa drama mode ko.

"I'll think 'bout that.Bye" Sabi ko sabay wink pa.Naiwan naman siyang parang tanga.

At doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin.Pagkabukas at pagkabukas nun ay pinuntahan niya ako sa bahay na di ko naman alam kung bakit nalaman niya kung saan ako nakatira,pero ang sweet lang hanggang sa mga sumusunod na araw ay nagkasundo na kami and then we became bestfriends.Siya namam nakaisip nun kaya naisip ko na wala namang masama.

And then I fell in love with him.

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon