Chapter Sixteen(Monica)

97 2 0
                                    

"Anong kukunin mo pag college?" Kaswal na tanong ni Abby.Nasa may bench kaming dalawa at binabasa ko ang output na binigay sa amin kanina ng guro namin.Binaba ko ang output at tiningnan ko siya.

Napaisip din ako.

Ano nga ba ang kukunin ko?

Hindi ko pa napagpasyahan dahil na rin sa hindi ko alam kung ano ang kukunin.

"Ikaw ano ba ang kukunin mo? Pabalik kong tanong.Nakatatingin lang siya aa kisame halatang may iniisip.

"Ano pa ba?E di sumunod kina mommy at daddy.Ano pa bang magagawa ko?Sila naman parati ang nasusunod." Malumanay na sambit niya.

"Business Ad?"

Tumango siya and rolled her eyeballs upward.Ayaw niya kasing ganung kurso kaya lang iyon ang nais ng kanyang mga magulang na parehas ding involved sa business.Pero wala siyang magagawa kasi iyon ang gusto nila para sa kanya.

"Sundin mo na lang." Maikling sabi ko at saka ibinaling ang atensyon ko sa output na kanina ko pa binabasa.

"P-pero sa abroad,Mon!" Bigla siyang tumayo na para bang naiinis.Napaangat naman ang tingin ko.

What?Abroad?

She'll study abroad?

"Bakit sa abroad pa,e marami namang eskwelahan dito?." Sa naiisip ko pa lang ay malungkot na ako sa sinabi niya.Sa maraming panahon na pinagsamahan namin ay naging mas masaya naman ako.Nakakatuwa kasi siya pero minsan napapansin kong may iba sa mga kinikilos niya at hindi ko alam kung ano iyon kaya ipinagsawalang bahala ko na lang.Sometimes she's weird.

Minsan bitchy siya.May iba pa siyang mga kaibigan maliban sa akin pero hindi ko mga close ang mga kaibigan niya,bukod sa mga maldita pa ay ang aarte pa at palagi akong sinasabihan that I don't deserve Ighan daw.Which I just despise.Naiinggit lang ang mga 'yon!

Kapag magkasama sila kasali narin si Abby ay para silang mga 'campus bitches' sa kanilang mga kinikilos .Maganda silang lahat at may kaya.Hindi naman sa sinisiraan ko si Abby pero iyon ang nakikita ko sa kanya.Whenever she's with me ay iba naman ang kinikilos niya kumpara sa mga kaibigan niya kapag kasama niya sina Hazel,Yesha,Honey.

Hay ewan ko ba!

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.Nahihibang na ata ako at kung ano na ang pinag iisip ko.

"Ahm una na ako Mon,pupuntahan ko lang sina Hazel." She said.Tumango lang ako at saka agad siyang tumungo kung saan nakapuwesto ang mga kaibigan niya na hindi naman kalayuan at tanaw ko sila.

Pinagtitinginan ako ng mga 'bitchy friends' niya na hindi ko alam kong bakit.Napabalik na lamang ako sa pagbabasa ng output ko.

Matapos kung basahin ay may biglang umupo sa tabi ko.Pamilyar ang amoy niya at kilala ko kung kaninong amoy 'to.

"Hi.Long time no talk."Nakangiting sambit niya.Napasinghap ako.

Hindi parin ako makapag salita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.It's been a long time nung huli ko siyang nakita.Ang alam ko noon ay pumunta siya abroad para doon narin mag-aral.Hindi na ako nagtataka kung bakit doon siya.

Ang huli naming pag uusap ay nung isang taon pa 'yun!At ngayon lang siya nagpakita.

"Surprise!" He enthusiastically uttered and he suddenly hug me.Sa sobrang higpit ay hindi na ako halod makahinga.

Mga ilang segundo ay kumalas na siya sa akin.He looked at me as if he miss me so much.He even pinched my both cheeks.

"Ang ganda mo na.You changed a lot." Puna pa niya.

"W-what are you doing here?" I asked.Hindi ko alam kung bakit siya nandito,siguro ay may mahalaga lang siyang aasikasuhin dito sa school.

He smiled.

"I'm staying for good,Mon." Ngiting sabi niya.Staying for good?Kaaalis lang niya nung isang taon tapos babalik agad?Magta-transfer na naman siya?

-

Matapos niya akong sinurpresa ay nagyaya siya sa akin na mag mall.

Sandali lang naman kami at ti-next ko na lang si Ighan na hindi kami sabay mag la-lunch.Ang dami niyang tanong kung bakit.Hindi ko binanggit na kasama ko si Jaden at bumalik na siya.Magtatantrums na naman iyon.At saka friend ko naman si Jaden so there will be no problem.

"Pasalubong ko." Aniya as we are inside his Porsche.Inabot niya sa akin ang isang box na kulay itim na may laso pang puti na nakalagay.My eyes widen.

Hindi naman ako nag eexpect na bibigyan niya ako o dadalhan ng pasalubong kasi hindi ko naman alam na uuwi pala siya dito.Marahan ko itong inabot at saka tumingin sa kulay brown niyang mga mata.Wala parin siyang pinagbago ang gwapo niya parin.

Binalik ko muli ang tingin ko sa box at binuksan iyon.

Golden heart bracelet.

Lumaki ang mata ko.

"T-this is for me?" I stuttered and looked at him.Ngumiti siya.

Kinuha niya ang bracelet na na hawak ko at hinila ang kaliwang kamay at saka niya isinuot sa akin.

"I missed you." Iyon ang narinig ko mula sa kanya.Bigla akong nanigas sa upuan ko.I don't know how to react.Iba ang nararamdaman ko nung sinabi niya sa akin 'yun.

I smiled bitterly at pinagwalang pansin nalang ang sinabi niya.I saw him swallowing hard.

"It's still you,Mon." He uttered na nagpakabog sa dibdib ko.Anong ibig niyang sabihin?








---

Thanks for reading..Sorry kasi late update,marami kasing ginagawa at busy.

Lovelots,

Loveleejanice♥

Follow me♡

--->HOT JADEN

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon