I'm on my way para kausapin si Jaden tungkol sa panliligaw niya sa akin.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya pero kailangan kong ipaalam sa kanya at ng hindi na siya umasa pa.We can be friends if he want pero hindi ko talaga maibibigay sa kanya ang hinihingi niya.Hindi ko na sinama si Abby at baka mapalpak pa ang plano ko at baka pag nasa harapan ko na 'yong tao ay wala ng salitang lalabas sa bibig ko sa kaba.Madaldal pa naman 'yon!At baka pag nagkaharapan na ay silang dalawa ang mag uusap.Alam niyo naman 'yang si Abby.Makapal ang mukha at madaming crush,ewan ko ba sa kanya.
Well di ko siya masisisi,madami naman talagang gwapo sa campus lalo na iyong mga Senior students.
Hinanap ko kung saang building siya at nakita ko naman agad ang room nila.Kinabahan ako sa maaaring mangyari.Pero kailangan to e!And Ighan might be the one who will talk to Jaden pag di ko siya kinausap and I don't like the idea na siya ang kakausap kay Jaden.
I finally reach the door of their room at nakita ko agad siyang kausap ang mga kasamahan niya sa basketball.He's wearing his jersey shirt na may number 24 sa likod.And it's my birthday,actually.Hindi naman ako assuming pero hindi ko maiwasang mapangiti.Alam kong hindi lahat ng paboritong number ng isang tao at nagkatugma sa iyo ay para sa iyo iyon.
Napansin siguro ng mga team mates niya na hinahanap ko siya kasi nilingon nila ako except kay Jaden kasi nakatalikod siya habang nakaupo sa arm seat ng upuan.Lumingon siya at sumilay ang ngiti sa labi niya.Nakita ko na naman ang dimple sa magkabilang pisngi niya at pantay na ngipin.
"Gusto lang sana kitang makausap if you'll let me." I politely,shyly said.Kinkabahan kasi ako.Naamoy ko naman ang perfume niya,I wonder kung ano kayang ginagamit niyang pabango?Pero mabango din naman si Ighan.
Bakit ko ba siya kinukumpara kay Ighan e magkaiba naman sila?
"S-sure.About what? He asked.
"Pwede bang tayo lang." I suggested dahil nakikita ko ang mga kasamahan niyang halatang nakikinig sa amin.May mga lalaki palang tsismoso?Akala ko kasi kami lang mga babae.
He nodded then we walked out of their building at pumunta kami sa ilalim ng puno malapit sa ground field.Masyadong mahangin at masarap ang feeling.Next time dadalhin ko dito si Ighan.
He face me and he gestured na umupo kami sa damuhan.
"Ano ang pag uusapan natin?" Tanong niya at umayos ng upo..
I drew a deep breathe.Paano ko ba sisimulan 'to?
"I just want to tell you na kung pwede ay huminto kana sa panliligaw sa akin,pero hindi ko sinasabi na hindi ko nagustuhan 'yung mga efforts na ginawa mo para sa akin 'cause I really really appreciate it sa maniwala ka man sa hindi pero hindi ko talaga maibigay ang gusto mo...bata pa naman tayo e,and madami namang ibang babae diyan na deserving sa pagmamahal mo Jaden.At malayong malayo sa akin." Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa diretsong pagsabi ko sa kanya.Kinakabahan ako dahil nakikita ko sa mga magandang mata niya ang kalungkuan.Tumitig lang siya sa akin tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
I held his both hands.
"Please 'wag kang magalit sa a-akin,please." Halos iiyak na ako,hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon.After all he's been good to me kaya ko ito nararamdaman.Noon wala akong pakialam sa mga nararamdaman ng ibang tao kung nasasaktan ba sila o ano,pero ngayon.I realized that you should care the feelings of others.Naalala ko ang palaging sinasabi ni Mama na mahalin ang mga taong nakapaligid sa atin kahit masama man sila o mabuti dahil wala tayong karapatan manghusga.
Hindi ko ata nakuha ang kabaitan ni Mama.
"He will just hurt you Monica." He stated.Sinong mananakit sa akin?Ano ba ang pinagsasabi niya?
"W-what do you mean?"Takang sabi ko.
"Ighan." He just plainly said at umiwas ng tingin.Bakit nasali si Ighan sa usapan?
"H-hindi kita maintindihan Jaden,tell me!" Halos mabitawan ko na ang kamay niya na hindi ko namalayan na hinahawakan ko pa pala.
Napatiim ang bagang niya.He swallowed hard.
"He will just hurt you Mon.Ako ang nararapat sa'yo and I'll promise I will never hurt you..just don't reject me please." He begged at saka hinawakan ang kamay ko na hinawi ko kanina.
"Just straight me to the point Jaden!"Mahinahon pero mariin kong sabi.Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.Alam kong si Ighan ang tinutukoy niya at hindi ko malaman kong bakit ganun ang sinabi niya.
"I- i'm sorry..just forget what I just have said." Iyon lang ang sinabi niya at iniwa akong nakatunganga.
He just left me dumbfounded.Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo na siya.
Ano bang ibig sabihin niya sa sinabi niya?
At anong alam niya sa amin ni Ighan?
BINABASA MO ANG
PAASA KA,SOBRA!
RomanceA girl who always lingers of whatever PAASA WORDS AND ACTION ni IHGAN JAMES GARCIA na sobrang gwapo't lahat lahat kaya sino namang di mahuhulog sa kanya?