I dedicated this story to my friend, Daphne.♡♡
·
·
·
Pumasok ako kinaumagahan kahit namamaga ang mga mata ko.Mabuti nalang at maagang umalis sina Mama ngayon dahil iyon ang sabi ni Mama kanina nung pumasok siya sa kuwarto.Pinilit kong ayusin ang boses ko para hindi niya mahalata at mabuti nalang at hindi niya nahalata.Alam kong alam ni Mama na may hindi ako sinasabi sa kanya.
Papasok ako dahil napag isip isip kong dapat ay pagbibigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag.Hindi madali para sa akin na pagbigyan siya lalo na't niloloko lang niya pala ako.Pinasakay.Pinaniwala.At ang akala ko ay isang totoong kaibigan si Abby pero hindi pala.At ang pimakamasakit ay ang nalaman kong ikakasal na pala sila kaya sila aalis ng bansa.Uso pa pala ang arranged marriage ngayon?Akala ko sa mga nababasang libro lang 'yun.
Nanghihina ang buong sistema ko.Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Ighan 'to!Nagawa niyang ilihim sa akin kahit na may karapatan naman akong malaman!
Kahit gusto ko siyang labasin kagabi ay pinigilan ko.Kahit gusto kong pakinggan ang rason niya ng sa ganun ay maibsan ang namumuong galit sa puso ko.Galit ako dahil hindi niya sinabi sa akin.Galit ako dahil all along ay niloloko lang pala niya ako.At mas lalo akong galit dahil pinagkaisahan nila ako.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.Umiling ako.
Kailangan kong palipasin 'tong galit na to at pakinggan ang rason niya.Whatever his reason ay pipilitin kung intindihin.
Nang makapasok ako sa campus ay agad kung tinungo ang room niya.Maaga siyang pumapasok kaya sigurado akong nandito na siya.Sa pagmamadali ko ay nabangga ko ang isa sa mga kaibigan niya.Si Gio.
"S-sorry." Sabi ko.
"Oh!Ikaw pala Mon." He smiled at me.But it faded when he realized something.
"Andiyan ba si I-Ighan?" I asked pero parang sa mukha niya ay may iba.Malungkot siyang tumingin sa akin.
"Mon,I don't have the right to tell you this but I think you should know." Pabitin pa niyang sabi.
"Straight me to the point,Gio." Giit kong sabi.Ano bang kailangan kong malaman?Nagsimula na namang tumakas ang mga luha ko.Kinakabahan ako kahit hindi pa naman niya sinasabi.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Umalis na siya kagabi pa.Hindi naman niya sinabi kung bakit.Sige alis na ako Mon." Iyon nalang ang huli kung narinig sa kanya bago tuluyang umalis.Matagal nag sink in sa akin ang sinabi niya.
Umalis na siya?
Pakiramdam ko guguho na yung mundo ko.Ang sakit lang.Umalis siya na walang paalam!Ni walang isang salita!At ang pinakamasakit pa nun ay umalis siya dahil itutuloy nila ang kasal ni Abby.Simula pa lang pala ay niloko na nila ako.Na sa bawat 'I love you' niya sa akin ay pawang salita lamang at hindi totoo.Ngayon pa lang nagsisisi na ako na binigay ko sa kanya ang lahat.Kahit iyung sa tingin ko'y magagandang alaala namin na hindi naman pala dapat e-treasure dahil palabas lang lahat ay pinagsisihan ko.How could he just do this?Para sirain ako?Para ano?Pero huli na ang lahat.Nasaktan na niya ako.Kung ano man ang plano niya ay nagtagumpay siya.
Iniisip ko kung ano bang naging kasalanan ko at bakit niya ako sinaktan ng ganito.At ako naman itong si Tanga,tanga na nga nagpakatanga pa.
Mababaliw na ako sa kakaisip.Yung text na iniwan niya kagabi ay talagang nakakapagbagabag sa akin.
Hindi ko na alam kung totoo ba yung sinabi niya sa text o isa na naman yung kasinungalingan.Bakit pa niya ako bibigyan ng assurance kung ikakasal na siya diba?Bakit pa niya sasabihin na hihintayin ko siya kung sa huli wala naman pala dapat akong hihintayin.I thought he is the one for me.Maybe I deserved this.Karma na ito dahil sa ginawa ko.Consequence dahil masyado akong nagpadalos dalos ng desisyon.Hindi sana ako makakaramdam ng ganito.Pakiramdam ko walang wala na ako.Naloko na nga ako,nawala pa yung virginity ko sa isang iglap.Sa isa pang tao na hindi naman pala talaga ako totoong minahal.
Ngayon,paano ko pa siya makakausap kung umalis na pala siya?
****
Umuwi na agad ako pagkatapos ng klase.I tried to act normally habang nasa campus ako kanina.Masyado pa namang madaming tanong ang mga classmates ko kung saan daw ba si Ighan.Kung bakit wala siya ngayon.Ni isa wala akong sinagot at nag kibit balikat nalang.The thought na umalis na siya at hindi ko alam kung babalik pa ba sya.His text was totally unbearable.Paano pala kung hindi na sya babalik?Paano kung masaya sya sa piling ni Abby?Hindi ko na alam kung ano pa ang iiisipin ko.Masyadong napakabilis ng mga pangyayari.
The other night we shared together was unforgettable.That night I felt being loved by my one only.Pero isa lang pala yung panandaliang pagmamahal.Dahil ako lang pala ang nagmahal sa amin.Dahil tanga ako at nagpadala sa emosyon at ngayon,feeling ko wala nang natira sa akin.
Wala na ang isang Monica na palaban at masungit.Wala na ang isang Monica na kahit nasasaktan ay hindi umiiyak.Ibang iba na ngayon.Dahil lang sa isang pag ibig na wala namang kasiguraduhan.Na buong akala ko ay kami hanggang sa huli,pero hindi ko man lang inisip na bata pa pala kami at marami pang mangyayari.Na may kinabukasan pang nakaabang.Na hindi lang sa amin umiikot ang mundo.
Sa mga bawat desisyon ko,hindi ko man lang naisip ang mga magulang ko.Sa mga totoong nagmamahal sa akin.Minsan pala masarap sampalin ang sarili mo para matauhan.That life is not like a fairytale.Life is either bless you or bury you.
Pagkauwi ko naabutan ko si Manang na nagluluto.Binalot agad ako ng kaba.Hindi ako lumikha ng kahit anong ingay para hindi niya ako mahuli.Pagdating ko sa kuwarto ay huminga ako ng malalim.What if she really know between me and Ighan?Hindi ko ata makakaya kung sasabihin niya kay Mama at Papa kung sakaling may alam nga siya.Hindi ko akalaing magiging ganito ang kahihinatnan ko.
Humiga ako sa kama habang umiiyak.Bakit ba kasi ako nagpadalos dalos?Wala nang iba pang dapat sisihin dito kundi ako at kailangan kung harapin kung ano man ang mangyayari kinabukasan.Truly life is unpredictable.Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari kahit pa planado mo na ang bawat araw.Kahit nakalista na yung mga bagay na gusto mo pagdating ng panahon.
Bakit ang aga naman ng karma.Bakit pa nung saka ka pa nagsisisi at itama ang pagkakamali,saka pa darating ang resulta ng pagiging tanga mo?I never thought this would happen to me.Hindi ko alam na isang pagkakamali lang ay buong buhay ko na 'tong haharapin.

BINABASA MO ANG
PAASA KA,SOBRA!
RomansA girl who always lingers of whatever PAASA WORDS AND ACTION ni IHGAN JAMES GARCIA na sobrang gwapo't lahat lahat kaya sino namang di mahuhulog sa kanya?