Chapter Eight(Monica)

150 4 2
                                    

Parati akong nakakatanggap ng flowers galing kay Jaden simula nung nagtapat siya sa akin one week ago.

Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman .Nalilito ako sa sarili ko.

Masyadong vocal si Jaden sa feelings niya for me na di ko man lang alam kung ano ang i-rereact ko.Si Ighan naman this past few days ay di na ako masyadong pinapansin.Ni sunduin ako o ihahatid sa school ay wala na,ewan ko ba kung ano ang nangyayari dun.Siguro busy lang siya.Pero kahit magkaklase kami ay hindi parin niya ako kinikibo.Kinakausap lang niya ako kapag tungkol sa lesson pero pagkatapos nun wala na.

Nalulungkot ako sa inaasta niya.May mali ba akong ginawa sa kanya?Galit ba siya sa akin?Dahil ba kay Janica?Dahil ba hate ko ang girlfriend kaya di niya ako kinakausap?

Pero ang babaw naman nun!Ang babaw para di niya ako kausapin.Are we still friends?

Ang dami kong tanong pero ni isa wala akong mahanap na sagot.

"Monica may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay manang Silvia na siyang katulong namin.

Kasalukuyan kasi akong nakaharap sa Monitor dahil may ginagawa akong reporting namin para bukas.Nagtataka naman ako kung sino ang naghahanap sa'kin.Wala naman akong inaasahang bisita ngayon kahit Sabado.

"Sino daw po?"

"Hindi ko kilala e.Ang sabi lang niya ay manliligaw mo siya,di ko alam na may nanliligaw na pala sa iyo." Tanging sagot lang ni Manang Silvia.

Si Jaden.

Jaden is here?

How did he know kung saan ako nakatira?

At baka magalit si Papa at Mama dahil may manliligaw na ako na hindi ko sinasabi sa kanila.

Sinabihan ko na kasi si Jaden na pwede siyang manligaw sa akin pero wala pa akong balak sabihin kina Mama at Papa.

Andito pa naman silang dalawa ngayon at lalong lalo na si Papa .He will get mad knowing na may suitor na ako na di man lang sinasabi.

"A-a o sige po Manang susunod nalang po ako sa inyo.At teka lang po pala asan po si Mama at Papa?"

"Nasa may garden po ninyo ,may importanteng pinag usapan ata siguro tungkol sa business po iyon."Sagot ni Manang then I just nodded my head.Umalis na siya at saka naman ako nataranta.

Kung ano ba ang isusuot ko.Kapag nasa bahay lang kasi ako ay ang tanging sinusuot ko lang ay 'yung komportable at pambahay lang.Naka pajama kasi ako ng light pink with bears pa na design and simple V-neck white shirt with matching headband pa ako.

Ganito ba ang tipo ni Jaden?

Masyado akong childish, kaya nga di ako nagustuhan ni Ighan diba?E si Jaden pa kaya na sikat sa school at hearthrob pa!Madaming nagkakagusto sa kanya ba't ba hindi nalang siya pumili sa naka pila na mga babaeng nagkakagusto sa kanya?Bakit ako pa?

Nagsuot nalang ako ng denim pants at t-shirt para naman presentable akong tingnan.

I went downstairs and I saw him sitting on the sofa.Ang gwapo talaga niya.Napaka manly kahit sa pag upo niya.

Nakita niya akong papalapit sa kanya at agad din siyang tumayo.At saka dinampot ang bulaklak na nasa gilid lang pala niya,hindi ko ata napansin na may dala siyang bulaklak.

Napaka sweet pala niya.

Seriously?Ngayon mo pa alam na sweet pala siya gayong halos isang linggo kana niyang binibigyan?

Suway ng kabilang utak ko.Oo nga naman.

"H-hi." He stammered.

"Hello.Ano pala ang ginagawa mo dito?Di mo man lang sinabi na pupunta ka para maka ready naman ako."I shyly uttered.Mygosh!Ang gwapo talaga niya sa malapitan.Ang kinis ng mukha parang babae.

Matangkad.Medyo singkit ang mata which is I find it cute.Sikat.Mayaman.Matangos ang ilong at mapula ang manipis niyang labi.At di lang iyon!

Maganda ang katawan.Siguro may abs to panigurado.

Ang landi mo Monica!May abs din naman si Ighan e!

"I am here kasi gusto sana kitang yayain bukas.May party kasi sa bahay and I want you to be there if okay lang sa'yo?" Ani niya habang hinihintay ang sagot ko.Pero bago pa ako makasagot ay may agad na nagsalita sa likuran ko.

"She can't come dude.May lakad kami bukas." Napalingon naman ako and it's Ighan.Nanlaki ang mga mata ko.

"Well It's Mon who will decide." Ganti din ni Jaden.

Sa klase ng pananalita nila ay parang nararamdaman ko ang tensyon sa kanilang dalawa.

At teka..Kami may lakad ni Ighan?Buti pa siya alam niya kasi ako hindi!

"A-anong lak---" Di ko natuloy 'cause Ighan cut me off at bigla akong inakbayan ng mahigpit.

"Naka oo kana kagabi diba?" Panunuya niya sa akin at mas hinigpitan pa ang pag akbay sa akin na para bang sinasabi niya na umo-o nalang ako.

Hinigpitan pa talaga niya kaya wala akong choice.

"A-a oo nga pala!Tama !pumayag pala ako.Sorry Jaden may lakad pala kami bukas pero pwede naman sa ibang araw kapag di masyadong busy sa school." Nauutal na lintanya ko.Nakahinga naman ako ng mabuti nung kumalas na si Ighan sa akin.

Kala niya nakalimutan ko na ang hindi niya pagpansin sa akin ng halos isang linggo?

Di na tayo close no!

I want to scream at him pero syempre mamaya na.

I saw Jaden's disappointment in his eyes.Sorry Jaden,maybe next time we can out but not for now.Kailangan ko pa kasing kausapin si Ighan.

Ngumiti lang siya pilit na tinatakpan ang lungkot sa mukha.

"Okay then.So alis na ako kita nalang tayo sa school."He said and then walked away.

"S-sorry talag---."May sasabihin pa sana ako kaya lang tinakpan ang bibig ko.

"Ano ba!may sasabihin pa ako e!"Pagmamaktol ko.Nakakainis na siya e!Kanina pa siya ganyan ah!

He abruptly get the flowers I am holding at saka tinapon sa basurahan.Nanlaki ang mata ko!

''Bakit mo tinapon?Alam mo kanina ko pa napapansin na ang OA mo na!Ano bang problema mo?Wala naman akong ginawa sa'yo ha!Ikaw 'tong hindi namamansin tapos ngayon lalapit lapit ka sa'kin na parang wala lang nangyari!!!" Sigaw ko.Sigaw na kami lang ang nakakarinig,di naman siguro maririnig nila Papa at si Manang halatang nasa kitchen at malayo kami dahil nasa sala kami.

Tiningnan lang niya ako and his jaw clenched.

Problema nito?

Talagang naiinis na ako sa kanya!Sa mga inaasta niya para siyang boyfriend na nagseselos!

But wait!

Nagseselos?

"Bakit ka ba pumapayag na ligawan nung kumag na 'yon?"Galit na tanong niya.

Napataas naman ang kilay ko.

"Bakit pakialam mo ba?"Taray na ani ko.Pakialam ba niya?

"GEEZ!NAGSESELOS AKO!

**

Kamsahamnida for reading :)

Please vote and comment ^-^

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon