Chapter Seventeen(Monica)

86 2 0
                                    

"W-what do you mean?"

I asked kahit alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.Akala ko ay nakalimutan na niya ang nararamdaman niya para sa akin.

Ang tagal na nun at imposible namang gusto parin niya ako.Sumulyap siya sa akin.

"Kahit kailan hindi kita nakalimutan,Mon.It's been always you kahit nasa ibang bansa ako.Pero kahit anong pigil ko ikaw parin e." He confessed.May accent iyong pagkakasabi niya.

Ayoko ng ganito.Ayoko kong masaktan siya na sabihing hindi pwede kasi si Ighan parin ang mahal ko at kailan may di na magbabago.Hindi ako kumibo sa kanya dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa nakarating na kami sa mall.

Hindi kami masyadong nag enjoy kasi parang ang awkward ng feeling kapag nag uusap kayo na parang wala lang.Gusto ko siyang kausapin,tanungin kung kamusta ba  siya sa US,sino-sinu ang mga naging kaibigan niya doon ngunit pinili ko nalang manahimik at makisabay nalang sa kanya.

Kalaunan ay nag usap narin kami na palagay ko ay parang wala lang sa kanya ang nangyari.Nag wi-window shopping kami dahil sabi niya sanay na daw siya sa ganung gawain dahil iyon ang hilig ng mommy niya.Pasyal dito,pasyal doon kaya nasanay na daw siya.Mahilig akong mag shopping kapag may kasama ako kaya tinodo ko na.Bawat pili ko sa mga binili ko ay pinapatingin ko a kanya.

"Kahit ano pang suotin maganda ka parin." Iyan ang sinasabi niya at hindi ko mapigilang mamula.It's a little bit odd for me knowing na may gusto siya sa akin tapos ganito kami.Nakakailang sobra.

Pagkatapos namin ay tinanong niya agad ako kung saan kami kakain,medyo mag aalasais narin at panay na ang text ni Ighan sa akin.Mamaya ko na lang siya i-tetext.I never thought na kanina pa kami dito sa mall at di lang man namalayan ang oras na gabi na pala.

"Is that Abby,your friend?" He uttered leaning to me dahil sa ingay ng mall ay malabong magkakarinigan pa kami.

My eyes got widen.Hinarap ko siya para ituro niya sa akin kung totoo ngang nandito si Abby.

He gestured me kung saan at totoo ngang nandito siya kasama ang mga 'bitch friends niya'.Nakatalikod siya samantalang ang mga kasama niya ay nakatutok sa akin.Nakita kong kibalabit siya ni Yesha na medyo makapal ang make up pero maganda naman.Lumingon si Abby at agad naman niya akong nakita.Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Jaden.I saw her made an evil smile pero napawi iyon at lumapit patungo sa akin pero naiwan ang mga kaibigan niya.

"Hindi ko alam na nandito ka pala,hindi mo man lang ako tinext." She exclaimed like we haven't seen each other in years.She smiled and averted her gaze to Jaden who is holding of what we purchased.

"And oh!long time no see,Jaden.Hindi ko alam na nakabalik ka na,staying for good?"Tanong niya.

Nakangiti din si Jaden sa kanya.

"Uhm,yeah," Sagot niya.

"Asan ba si Ighan at parang di mo siya kasama?" She questioned as she looked around finding if Ighan's with us.

"Wala siya eh,kami lang dalawa dahil niyaya ako ni Jaden na mag mall and I said yes total ngayon lang naman kami nagkita after more than one year so bakit di ko pagbibigyan diba?.I stated as I smiled at her.She look at me like she's teasing me the way her brown eyes looks at me.

"Well well well...okay!So una na kami,Mon.Ayaw ko namang maistorbo ang moment niyong dalawa.''Makahulugang aniya.Pinandilatan ko siya then she left us.Kahit kailan talaga 'tong si Abby!

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya after naming kumain.Sobrang busog ko sa sarap ng pagkain kaya wala na akong ganang manatili pa dito kaya tumango lang ako sa kanya.Lumabas na kami at pumunta na sa parking lot.Nilagay niya ang mga pinamili namin or shall we say pinamili ko.Siya kasi amg nagbayad,sinabi ko naman na huwag na pero ang kulit e!Nakakahiya pero ano pa ba ang magagawa ko?Ayaw ko namang magtalo kami sa loob ng mall,nakakahiya naman.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe.Malapit lang naman ang bahay namin.

"Saan sa inyo?" He asked.Tinuro ko sa kanya and finally  nakarating na kami.As I look outside our gate ay parang may naaninag akong isang pamilyar na kotse.I saw him na halatang may hinihintay.

"Uhm dito na lang ako,salamat nga pala sa pasalubong sobrang nagustuhan ko." Aniko at dali daling lumabas at umikot sa compartment para kunin ang mga paperbags.

"Bye..kita tayo sa school bukas,goodnight." Jaden uttered as he peeked out from the window of his car.Alam kong alam niya na nandito si Ighan at ayoko ng magkausap pa sila.

Ngumiti ako sa kanya pero kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan.

"G-goodnight..sige pasok na ako."Hindi ko na hinintay kung ano ang sasabihin niya at maya maya ay narinig ko na ang pagharurot ng sasakyan niya.Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya.

Nakasandal siya sa kanyang kotse habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa niya.Nag angat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ko.Matalim niya akong tinitigan.Kinakabahan ako sa klase ng tingin niya sa akin.Napatiim ang bagang niya.

"K-kanina ka pa?" I stuttered.God!Sa pananalita ko parang may mali akong ginawa at parang ang guilty ko pang pakinggan.

Matalim parin niya akong tiningnan.Nanginginig ang kamay ko at buhat buhat ko pa ang mga paperbags.

"So,siya pala ang kasama mo buong araw?" Madiin na sabi niya na para bang kakainin na ako sa klase ng tinig at sa pagtingin niya sa akin.Alam kong seloso siya pero hindi ko alam ba ganito pala siya kapag galit.

"Kaya ba hindi mo magawang mag reply lang man ng mga text ko kasi kasama mo 'yung lalakeng iyon?Damn, Mon!Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo pero ni sagot wala!" He grimly said.Halos pumula na ang mga mata niya.

"Sabi mo ay may gagawin ka lang pero hindi ko alam na sumama ka pala sa kanya and worse hindi mo sinabi sa akin!"

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita.Naninibago ako sa kanyang reaksyon ngayon.Ni minsan hindi ko siya nakitang ganyan ka desperado at magalit.

Tama siya.Dapat sana ay sinabi ko sa kanya!

"S-sorry." Iyon na lang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang rason para makipagtalo pa sa kanya.Ako ang nagkamali kaya dapat ay mag sorry ako.

He abruptly hugged me.I never noticed na kanina pa pala tumutulo ang luha ko.

"S-sorry baby...I didn't mean to hurt yo-" I cut him off as i hug him back.

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon