Chapter Twenty-Three(Monica)

28 2 2
                                    


"Monica? Ikaw ba 'yan?" Hindi makapaniwalang sabi niya.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya ngayong nagkita na kami.

"Ikaw nga!" He hastly hugged me nung napagtanto niyang ako nga ang nakita niya.Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakapa niya.

Mga ilang segundo matapos ay kumalas na siya sa pagkayakap sa akin at masinsinang tiningnan na para bang hindi siya makaniwalang nakita niya ako dito.

"Long time ,no see Monica," Maligayang bati niya.Ngumiti ako,di alam kung ano ang sasabihin.

Gusto ko siyang tanungin kung alam ba niya ang nangyari sa akin pero sa mukha niya parang wala siyang alam.

"Oo nga e.Kamusta ka na?" I said habang hinihila siya papalayo sa pila at iminuwestra na umupo muna kami sa labas ng maliit na fence ng Bo's Coffee.

"Bakit pa pala nandito sa Davao?" Tanong ko sa kanya na mula pa nung pagkita namin at hanggang ngayon ay di parin maalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Hometown ko kasi ang Davao,dito kami nakatira dati at marami akong kamag anak dito pero pumunta kami ng family ko sa Manila for business at napagpasyahang doon na tumira." Hindi ko alam na dito pala ang hometown niya.Well,hindi naman kami nagkaroon ng time para kilalanin ang isat isa.

"But I heard nag US ka daw?"

"Yeah,vacation.At doon na din ako nag aral then bumalik na ako dito para ihandle ang business namin dito sa Pilipinas." Hindi ako makapaniwalang ang taas na nang inabot niya ngayon.Sobrang succesful na niya at marami ng nagbago sa kanya.Mas naging mature pa siya na di katulad dati ay pag aaral lang ang inaatupag na ngayon ay isang businessman na at madami ng responsibilidad.

Hindi ko mapigilang isipin na kung ano na kaya ang nangyayari sa kanya ngayon?May anak na kaya sila ni Abby?Masaya ba sila?Sa naiisip ko palang parang may tumutusok na naman sa puso ko.At hindi ito maganda.I shouldn't think about them.

"Mon,okay ka lang?"I was taken aback.Nakatulala na pala ako sa kakaisip ng mga isiping dapat ay hindi na isipin.

Ngumiti ako at biglang tumunog ang telepono ko.Sinagot ko ito agad nung napagtantong si Manang ang tumatawag.

[Hello,Manang?]

[Uhm,ihja nandito kami ni Floyd sa may World Of Fun,ang kulit kasi panay ang hila sa akin,sabi niya ipaalam ko na lang daw sayo at pumunta ka na lang dito.Ang kulit talagang bata hindi ko alam kung kanino nag mana.] Naiimagine ko si Manang na ngumingiwi ngayon dahil sa frustration.Napangiti na lang ako.

[Ah ganun po ba?Sige pupunta na rin ako jan.] Ani ko sabay end call.

Bumaling ako kay Jaden na humahalukipkip sa harapan ko habang tinitigan ako.

"Sino 'yon?"

I don't know if I would tell him about Floyd kasi parang wala siyang alam ang I don't know if kailangan ko pang sabihin yun sa kanya.

"Si Manang tumawag,si Floyd kasi pumunta sa WOF kaya susunod narin ako sa kanila ngayon." I explained.I saw a questioning look from his face.

"Sinong Floyd?" Do I have to tell him?At bakit naman ako maglilihim sa kanya?Napailing nalang ako sa naisip.Anak ko si Floyd at hindi ko siya kailangang itago sa mga taong kilala ko.

"My son." I declared gracefully.I should be proud of him.

"Son?Really?You and Ighan already married?" Nabigla ako sa tanong niya.So all along ay wala talaga siyang alam kung ano ng nangyari sa akin noon?Oo nga pala nasa US siya nung time na yun.

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon