Chapter Seven(Monica)

185 3 0
                                    

Thanks for reading my story...♡

Sinong gustong mag padedicate for the next chapter??Just send it to my inbox okay.?thanks.




--

Nung nakalabas na ako sa kotse niya ay dumiretso na kami sa loob ng campus.We are still third year high school pero sa mga nakikita ko parang mga college na kami.Si Ighan kahit 17 palang siya nagkaroon na agad ng kotse...I don't know why,maybe dahil mayaman sila kaya permitted siya.Hayy ewan ko ba.

Nauna na akong naglakad patungo sa room namin kasi ang tagal nilang maglakad,may pa sabit sabit pa ng brasong nalalaman ang malditang girlfriend niya!

Napairap nalang ako.

Oo na!

Nagseselos na ako.

Sila na ang sweet at ako na ang bitter!

Huwag mo silang pansinin Monica!Saway ko sa sarili ko.

"What's wrong Mon?" Bungad sa akin ni B.A ng papaupo na ako sa seat ko.Ba't pa ba ako pumunta dito e wala naman kaming gagawin?Nagsasayang lang ng oras to,di sana natulog nalang ako sa bahay.

Umiling lang ako sa kanya.

"Hmm.Si Ighan na naman ba 'yan?"Nakataas na kilay niyang sabi.

"Hindi noh!" Tanggi ko.Naikwento ko na kasi sa kanya kung ano ang nangyari sa mismong so called 'friendsary' namin.

"You know what?just forget about your feelings towards him,that's useless!kasi di ka naman niya gusto noh!you better entertain Jaden kasi kanina ka pa niya tinitingnan oh."Wika niya na siya naman nagpatanga sa akin.Para namang di niya sinabi akin na "Go!Nica isuko mo na ang bataan mo!".

Pero ang mas lalo kong ikinagulat ay 'yung huling sinabi niya.I saw her eyes looking at the door an inches away behind my back kasi nasa malapit lang ang seat ko sa may pintuan.

Napalingon naman ako.

And there...I saw him.

What is he doing here?

I remembered the last time that I lied to Ighan na nililigawan ako ni Jaden.

Ohmy!

Baka sinabi sa kanya ni Ighan 'yun.

Naku!lagot na!

Pero baka naman may iba siyang sadya dito at nag a-assume lang ako?Baka sa iba ko pang kaklase siya may sadya.

Siguro nga...

"Uyy..ikaw 'yung tinitingnan oh." Abby teased me and she's right.He is really looking at me.

Kinakabahan ako.

He will confront me dahil sa mga pinagsasabi ko kay Ihgan..Paano na 'to?

Pero may napansin ako dahil ang dalawang kamay niya ay nakatago sa likod niya..Ano naman kaya iyon?

Abby suddenly walked heading to the door at biglang tinanong si Jaden.

Kahit kailan talaga 'tong bungangerang 'to!

"Sinong hinahanap mo,Jaden?" Tanong ni Abby na akala mo ay close sila.Kung sa bagay ikaw ba naman ang basketball player na pinagtitilian ng mga babae at saka mga bakla din pala.

Tumingin naman si Jaden sa'kin at napayuko ako.

Gosh!Nakakahiya!

"Gusto ko lang sanang ibigay 'to kay Miss Monica Kate Rivera." Sabi niya at napatanga naman ako.

Lumapit siya sa'kin atsaka nilahad ang ....bouquet flowers na red roses.

Inabot ko naman na may pagtatanong sa mukha ko.

"Why are you giving this to me?" I asked.Napa english na tuloy ako.

He pasted a smile.

At doon ko nakita ang pantay na ngipin niya at super puti pa.Goshh..Gusto kong kiligin pero diba ako 'yung magaling magtago ng feelings kay di ko pinakita na kinikilig ako.

"Cause I like you...ang totoo niyan matagal na talaga akong may gusto sayo pero ngayon lang ako nilakasan ng loob that maybe if I confessed my feelings for you ay e rereject mo 'ko noon.But now I am more confident and determined that whatever it takes ay liligawan kita.I know I may sound weird but I really really like you simula pa noon." I was literally shocked!Na as in super SHOCKED!

Is it true?

Si Jaden may gusto sa'kin?

Natototoo ang pagsisinungaling ko kay Ighan..

Ito na ba ang parusa ko?Ang babaw naman.

Madidisappoint ba ako or tatalon sa tuwa dahil ang isang hearthrob ng campus ay nanliligaw sa'kin,right infront of me?

Di ako makapagsalita.

Ano ba ang sasabihin ko?

Nakita ko naman si Abby na halatang kinikilig sa likuran ni Jaden na parang gusto ng umihi sa kilig.

"A-ah o-okay?" Tanging nasabi ko na lang.Di ko alam if it was the right words to say but I can't find any words to say out.

He just smiled.

"I know nabigla sa sinabi ko.I understand so I hope you like the flowers at mauna narin ako." Pahiwatig niya at saka tuluyang umalis.

"OMMMYGOSHH!" Nakakabinging tili ni Abby.Napatingin ako sa paligid ko and I realized na kanina pa pala sila nakatingin sa amin.

Ang iba nag bulong bulungan,ang iba naman di ko alam kung ako ba ang pinag uusapan or what.

This is so embarassing!

But at the same time kinkilig ako.Napatingin ako sa hawak kong roses.

This is my first time na binigyan ng flowers.At si Jaden pa talaga!

"Sabi ko naman sayo eh!May gusto talaga si Jaden sa'yo." Sabi ni Abby.

"Di ko naalala na may sinabi ko sa'kin noon na gusto ako ni Jaden." Pagtataka ko.Bigla naman siyang nakabawi.

"Ano ka ba di mo na naalala?Yan kasi puro Ighan nalang ang palaging iniisip...move on move on din pag may time."Sambit niya.Sometimes weird 'tong si Abby.Pero wala naman talaga akong naalala e!

Hmm.Baka nakalimutan ko na talaga kasi diverted ang utak ko kay Ighan.

Pero kahit sa sandaling pangyayaring 'yon ay nakalimutan ko si Ighan.

Pero ngayon naiisip ko na siya ulit.

Sana siya nalang 'yung nagbigay ng bulaklak sa akin kanina at nagpahayag ng feelings sa akin kanina.Pero hindi e!

Wala na talagang pag asa.

Naalala ko si Jaden.



Will I give him a chance ?






**

Please vote and comment for this chapter...thank you:))

PAASA KA,SOBRA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon