Kabanata 1

78 4 0
                                    

Jayjay POV:

"Ugh! Rejay! Ano ba?! Ang sakit! Bitawan mo ko! Fvck!"

"Oh? Anong scene to te?" Bungad na tanong ni Steven nang makalapit siya sa pwesto namin dito malapit sa hagdan. "Buti na lang hindi pa dismissal. Bitawan mo na yan."

Dahil sa sinabi ni Steven ay patulak kong binitawan ang buset na lalaking to. "Kapag sinabi kong ayoko! Talagang ayoko! Wag kang makulit kung ayaw mo tong maulit!" Inis na singhal sa demonyitong to.

"Oh? You heard her? Leave na, bhe. Ayaw niya sa stalker." Gatong naman ni Steven sa sinabi ko.

Naghalukipkip muna ang hinayopak bago niya ako hinarap. "Stalker? Ako?"

"Alangang ako?" Pilosopang sagot naman ni Steven sa poncio pilato.

Ba't hindi na lang to umalis?

"Hindi bagay sakin ang maging stalker. Sa gwapo kong to baka yang kaibigan mo ang magmukha sa aming aso." Nakangisi nang ani ng hinayopak bago niya kami nilayasan.

Sino ba yun?

"Assuming ka na nga mahangin ka pa!" Pahabol na sigaw ko sa poncio pilato pero nag dirty finger lang siya sakin kaya mabilis akong kumuha ng bato para itapon sana sa hayop na yun ang kaso malayo na siya samin.

"Oh, chill. Malapit na uwian balik na tayo sa room." Aya naman ni Steven sakin sabay kuha ng batong hawak ko at tinapon yun sa likod namin.

Nilingon ko siya habang hinahatak niya ako papunta sa room namin. "Hindi mo ba ako tatanongin kung anong nangyari?"

"Not interested." Bored lang niyang sagot sakin kaya hinayaan ko na lang. "Boyish ka naman kumilos mas mahilig ka rin sa pants kesa sa palda. Gusto mo rin ng maluwag na T-shirt kesa sa fit pero andami mo pa ring nakukuhang atensyon buti nga at hindi nila nakuha atensyon mo."

"Pake ko sa kanila." Bored ko namang sagot sa kanya. "Ano nga pala ngayon?"

"Full moon nanaman bukas, bhe, pupunta ka nanaman ba sa sementeryo bukas tas sasabihin mong hindi mo alam kung sino ang pinunta mo doon?" Di makapaniwalang tanong ni Steven sakin.

Marahan kong kinamot ang ulo ko na nagpapahalata sakin na nahihiya. "Hindi ko rin alam, eh. Basta parang may gusto akong bisitahin doon tuwing araw ng full moon kasi yun ang sinasabi ng heart ko pero hindi ko naman alam kung sino."

"Na-amnesia ka ba bago ka mag-college?" Kunut-noong tanong niya sakin.

Umiling ako. "Hindi naman. Wala ring sinabi lahat ng taong nakapaligid sakin before graduation ko sa high school. So ba't mo natanong?"

"Kasi may kasabihan kasi tayo. Kung ano yung hindi maalala ng isip natin ay siyang naalala ng puso natin." Sagot niya.

"Yan din sabi ni Mama sakin dati pero wala talaga akong maalala kung sino ang namatay." Kibit-balikat kong sagot sa kanya.

"Hindi ka na muna namin masasamahan ni Jake sa sementeryo. Maghahanda kami sa project namin, eh."

"Okay lang. Sanay naman na akong mapag-isa."

"Gaga! Ngayon lang to no."

"Masusundan pa yan."

"Che! Hindi no!"

"Ay sus palusot mo, Steven!" Nang-aasar kong sagot sa kanya nang biglang lumakas ang hangin.

Napatingin ako sa veranda ng building ng room namin at nakita na kumikilos ang mga puno sa lakas ng hangin hindi din tuloy nasagot ni Steven ang pang-aasar ko sa kanya. Nang may biglang memories ang nakita ko sa isip ko.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon