Kabanata 2

36 4 0
                                    

Jayjay POV:

December 1, 2016 8am

"Apo." Nakangiting salubong ni Lola samin nang pinuntahan namin siya ni Ryan sa bahay nila kaya niyakap namin siya. "Advance Merry Christmas, mga apo."

"Advance Merry Christmas din, Lola." Masayang bati din namin ni Ryan kay Lola.

"Advance Merry Christmas din po, Lola." Nakangiting bati ko kay Lola saka namin siya hinalikan sa cheeks niya.

Pagkatapos namin yumakap kay Lola ay tumakbo agad papasok ng bahay ni Lola si Ryan. Gusto ko sana siyang sundan para pagalitan pero pinigilan ako ni Lola kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"Hayaan mo na yung kapatid mo. Halika may ibibigay ako sayo." Nakangiting sabi ni Lola sakin at nang tumango ako ay nauna siyang maglakad papunta sa gilid ng bahay niya.

"Lola, bat dito tayo pumunta? Diba usually ay tinutulongan ka namin ni Ryan mag-impake para mag-stay ka sa bahay namin until new year?" Nagugulohang tanong ko kay Lola pero binubuksan lang niya ang pinto.

Hindi ako sinagot ni Lola instead ay pumasok lang siya pagkabukas niya sa room na maraming books? Or maybe notebooks ang mga to dahil nang may chineck akong isa at mga hand written ang nakasulat doon nang sinubokan ko yung basahin ay napangiti ako dahil baka novels to.

"Novels ba to, Lola?" Nakangiting tanong ko kay Lola saka kinuha ang isa sa notebooks na andoon then binasa ko ang cover page. "Ang Talambuhay ni Rose Garcia, 1940? Ano to, Lola?" Kunut-noong tanong ko kay Lola.

Pagkatingin ko kay Lola ay nakita ko siyang nakaupo sa rocking chair while may bitbit siyang isang libro. "Hindi ang mga ninuno natin ang nagsulat nito." Aniya na tiningnan pa ako. "Maliban sa Ina kong si Rebecca."

"What do you want to say, Lola?" Tanong ko kay Lola.

"Simula sa Great Grandma kong si Estrella ay nagsimula ang talambuhay na tinago ni Ina Becca. Alam kong gusto mong magbasa kaya ibibigay ko sayo ang lahat ng to para it ago at ibigay sa next generation ng Pa mil ya natin." Ani ni Lola na tiningnan pa lahat ng librong andito kaya napangiti ako.

Napatango ako kay Lola. "Sige po, Lola, promise ko po sayo na iingatan ko to."

Napangiti si Lola sakin. "Aasahan kita, apo."

While nag-iimpake kami ng mga gamit ni Lola ay humingi ako kay Papa ng isa pang maleta para sa mga notebook na binigay ni Lola sakin kaya walang choice si Papa kundi umuwi at kumuha ng isa pang maleta. Pagkarating ng maleta ay maingat kong nilalagay sa maleta ang mga libro doon at dahil madami yun ay tinulongan ako ni Ryan kahit labag yun sa loob niya.

"Bleee!" Pagbelat ko sa kanya nang matapos namin ang pagliligpit ng mga libro. Napatingin sakin ang kapatid ko at dahil sa ginawa ko ay tumayo siya sa harap ko para ipagpag doon ang mga alikabok kaya napaubo ako. "Ryan Muñasque!!!" Sigaw ko nang inuubo pa rin ako dahil sa alikabok.

Mabilis akong tumakbo nang hindi na ako inuubo kaya nang makarating kami sa van namin ay agad namang tumalon sa kabilang side si Ryan para lumayo sakin kaya umikot ako pero nakaikot naman siya agad, wala akong choice kundi ang habulin siya ng habulin.

"Rejay, asan na ang maleta?" Tanong ni Papa sakin habang bitbit niya ang maleta ni Lola na nakangiting pinapanood kami ni Ryan sa loob ng van.

Tumigil ako sa pagtakbo para lingonin si Papa. "Nasa backyard pa ni Lola, Papa, si Ryan kasi sa mukha ko pinagpagan niya ang alikabok." Pagsususmbong ko naman agad kay Papa.

Nilingon ni Mama si Ryan na nasa kabilang side ng van namin. "Bakit mo naman ginawa yun sa ate mo, Ryan?"

"Hindi kasi siya nag-thank you sakin tulad ng tinuturo nyo sakin, Mama." Balik sumbong naman ni Mama kaya napailing na lang si Papa at nilagay ang bagahe sa likod ng van.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon