Kabanata 8

16 5 0
                                    

Jayjay POV:

Makalipas ang ilang minuto na nagpakita lamang ako kina Ina ay naisipan ko nanamang maglakad-lakad kaya nang nakarating ako sa aming palayan ay natigilan ako sa paglalakad dahil may narinig ako.

"Meow." Yumuko ako at napatingin sa buong paligid na naroon subalit wala akong nakikitang kuting hanggang sa. "Meow." Nilingon ko ang aking kanan kung saan nagmumula ang tinig. "Meow." At dahil. Nagsalita ulit iyun ay bahagya kong tinaas ang aking palda saka ko nilapitan ang kaniyang pwesto. "Meow." Maingat akong umungklo sa mabatong lupa at maingat ko ring winawaksi ang mga nakaharang na mga tanim. "Meow."

Natigilan ako nang makita ko ang may kalakihang itim na kuting pero maputi ang mga mata nito doon sa maputik na palayan pero nakatago siya sa mga tanim. "Anong ginagawa mo riyan?" Kausap ko pa sa kaniya saka ko marahang binaba sa putik ang aking isang paa upang maabot ko siya. "Halika." Maingat na aya ko sa kaniya na mabuti na lang dahil sinunod niya ako.

Napangiti ako nang nahawakan ko na ang katawan niya saka ko siya maingat na tinaas paalis doon. Hinaplos ko ang madumi pero malambot niyang balahibo kaya lumapit siya sakin at kinikiskis ang kaniyang katawan sa aking braso. Lumapad ang ngiti ko pero nang akmang tatayo na ako ay natigilan nanaman ako nang parang tumigas ang paa ko doon sa putikan kaya gamit ang aking dalawang kamay ay mahigpit kong hinawakan ang aking paa at pilit na hinihila iyun paalis sa putikan.

"Ah!" Daing ko nang nagawa ko ngang tanggalin ang paa ko napahiga naman ako sa lupa kaya huminga na lang ako ng malalim at matagal na tiningnan ang asul na kalangitan. "Ano nang mangyayari sa akin dito?" Hinahangos na tanong ko sa aking sarili. "Nabago ko na ang nakaraan kaya ang mga nangyayari sa akin ngayon ay wala sa aking panaginip." Huminga ako ng malalim bago ako nagpatuloy. "Mababago ko pa nga ba ang nakaraan kung hindi na ito naaayon sa mga nangyayari sa akin ngayon? Kung hindi ko mababago ang nakaraan makakasama ko pa kaya ang aking mga magulang at si Ryan?" Andaming tanong na bumabagabag sa akin ngayong napagtanto ko na hindi ganoon ang unang pagtatagpo nila Rosa at Ginoong Adriano.

"Meow." Napabalik ako sa aking sarili nang kasabay ng pagsasalita ng pusa na nasa tabi ko nga pala ay kiniskis niya ang kaniyang katawan sa aking mukha. "Meow."

Agad akong bumangon para punasan sana ang aking mukha ang kaso madumi na rin pala ang aking mga kamay kaya napabuntong-hininga na lamang ako saka ko nilingon ang pusa na kiskis ng kiskis ng katawan niya sa aking likuran.

"May matitirhan ka ba? Saan ka galing? Bakit ang dumi mo? Wala ka bang mangyari? Baka mayroon pagkatapos kung sakaling dadalhin kita sa amin ay mapagkamalaman akong ninakaw kita." Kausap ko sa pusa na umupo na sa aking harapan at tiningnan ako kaya napabuntong-hininga pa ulit ako saka umiwas ng tingin sa inosenting pusa. "Hay! Pati pusa kinakausap ko na. Pagod lang ito, Jay, sa dami na ng iniisip mo tungkol sa iyong sitwasyon ngayon."

"Meow."

Nilingon ko ulit ang pusa na ganoon pa rin ang kaniyang posisyon nang mapansin ko ang kaniyang asong tag na nasa kaniyang leeg lamang kaya hinawakan ko iyun at nabasa ko ang pangalan ng pusang may may-ari pala.

"Luna." Basa ko sa kaniyang pangalan dahilan para marahan niyang ikiskis ang kaniyang ulo sa aking kamay bago ako tiningnan ulit sa aking mga mata.

"May may-ari ka na pala, Luna." Sabi ko saka ko hinaplos ang kaniyang ulo na nagustohan naman ng pusa.

Dahil sa may-ari na siya ay tumayo na ako sa pagkakaupo kaya niyukoan ko siya at kinaway ang aking kamay sa kaniya upang malaman niyang aalis na ako. Noong una ay sinundan pa niya ako ngunit nang makarating ako sa isang maliit na kagubatan sa aming dapit ay tumigil siya sa may puno at nakaupong nakatitig sa akin habang palinga-linga ako sa kaniya na naglalakad paalis doon.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon