Kabanata 17

14 4 0
                                    

Author's Note: Short update muna si me guys may mga events akong naiisip pero lahat yun ay sobrang short lang kaya ganito lang siya. Oh my! Anyway! Enjoy reading. Love lots

Jayjay POV:

"May misunderstanding na nangyari noon na dahilan para mamatay ang nag-iisang unico hijo ng pamilya nila at dahil yun sa pamilya natin. Hanggang sa namatay ang ilaw ng tahanan nila dahil sa nangyari sa unico hijo nila na sinundan naman ng padre de pamilya nila ang kaso ang sabi ay pinatay daw ang Daddy nila ng isa sa pamilya natin. Kaya yung adopted son ng pamilyang yun ang nagsasabi sa mga anak o apo niya na dahil sa pamilya natin ay namatay ang parents at kapatid niya." Naaalala kong kwento ni Mama sa akin habang ako ay mayroong tinatahing mga papel.

Aking muling inalala ang aking mga nakita sa aking balantataw habang umaawit noon. Pinakita ang araw na natuklasan ang relasyon nila.

Nagalit ang lahat sa kanilang dalawa kung kaya ay pinaglayo sila ng kanilang mga magulang, kinukumbinsi silang mali ang kanilang pag-iibigan habang parehong umiiyak ang dalawang nagmamahalan kaya walang nagawa si Rosa kung hindi ang hindi na magpakita kay Ginoong Aciano.

Muling tumulo ang aking mga luha nang pinipilit ni Ginoong Aciano noon na magkausap sila at nang makahanap ng pagkakataong ay nagkasundo ang dalawang magtanan. Narinig ko pa ang sinabi ni Ginoong Aciano kay Rosa roon.

"Kumbinsihin mo ang iyong mga magulang na tumira sa mga Garcia dahil nakumbinsi ko na sila Ina, hanggang sa maipanganak ang iyong kapatid ay babalik tayo rito upang linisin ang ating pangalan. Maniwala ka sa akin, aking sinta, hindi sila ligtas kapag aalis tayo na hindi mo sila naitago dahil kilala ko ang kapatid ko, si Adriano. Kaya niyang ibuwis ang buhay ng iyong kapatid at mga magulang kapag nahuli niya sila upang makaganti lamang sa atin."
Iyan ang aking huling naaalala habang ako ay umaawit noon sa harap ng maraming tao.

Sinubokan kong patugtogin ang mga plawta na andirito sa silid ni Binibiningang Rosa at ilang ulit sa isang araw kong pinapapatugtog ang mga plawtang andirito subalit hindi ko na makita ang mga aking nakita pati nga yung pangkalawakang disenyo na plawta ay nawawala.

Ako na nga mismo ang palaging naglilinis sa silid na ito subalit wala talaga kahit saan ko hanapin. Hindi ko malaman kung nailagay ko na iyun sa kung saan ngunit tuwing akin iyung aalalahanin ay natatandaan ko namang naibalik ko iyun sa lagayan ng mga plawta ni Rosa.

Tinapos ko na ang ginagawa sa mga papel na aking ninakaw sa silid aklatan ni Don Raul saka napatayo upang makapag-isip-isip. Kahit anong gawin ko upang hindi matuloy ang, kahit wala naman talaga akong ginawa dahil puro pabalik-balik lang ako sa aking paglalakad habang nababahalang iniisip na tuloy na tuloy na talaga ang aming kasal ni Heneral Adriano.

Natataranta ako sapagkat sa iisiping walang pumapasok sa akin na kaalaman kung ano ang mga pagkaing limitado pa sa panahong ito ay baka latigohin nanaman ako ni Heneral Adriano. Kailangan wala akong gawin hanggat hindi pa bumabalik ang aking sinta at ang tunay na anak ng mga Avellaneda.

"Alam kaya nila Ama na madahas siyang klase ng lalaki?" Tanong ko pa sa aking sarili pero naalala ko ang sinabi ni Heneral sa akin noon na wala raw'ng tutulongan sa akin kahit sila Ama pa iyun? Bagsak ang mga balikat along napaupo sa ibabaw ng aking kama. "Paano na ako neto?" Pumikit ako upang huminga ng hangin. "Kalma... Kalma ka lang, Rejay." Mahinang kausap ko sa aking sarili upang kumalma ang aking isip.

Ngayon ang araw na muli naming pag-uusapan ni Heneral Adriano ang mga pagkaing akin rawng ihahain sa mga bisita pagdating ng araw ng aming kasal subalit sa tatlong araw na nakaraan ay wala akong maibigay sa kanyang kasagutan kung ano ang pagkain na tatampok sa panlasa ng mga nakakatataas pa sa kanyang position.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon