Kabanata 12

15 4 0
                                    

Jayjay POV

September 1, 2013

"Hi! Ako ang bago mong seatmate!" nag-wave pa ako sa harap niya na may malaking ngiti sa labi.

"H-Hello..." napapayukong bati niya rin sakin saka ako umupo sa tabi niya. "Bakit mo yun sinabi? Baka bulihin ka rin nila katulad ko." kinakabahang may halong hiya na sabi pa niya sakin.

"Bahala sila totoo naman sinabi ko kaya wala akong pakialam sa kanila." sabi ko saka umupo na sa tabi niya. "Pati teacher asal hayop. Tsk." napapailing pa na sabi ko pa.

Tumikhim muna si Maam saka siya tumayo na sa kinauupoan niya. "Okay lets start."

"Hindi ka takot ma-bully?" Bulong niya sakin.

"Hindi kasi isusumbong ko sila kay Reymar na inaaway nila ako." naka-pout na sagot ko sa kanya.

"Reymar? Sino yun?" tanong pa niya.

"Kababata ko nasa kabilang school tapos minsan na lang ako pansinin dahil may nagugustohan na siya sa pinag-aaralan niya." buntong hiningang sagot ko sa kanya.

"So paano ka niya mapoprotektahan kung ganyan na ang situation ninyo?" usisa niya.

Napalumbaba ako sa mesa ko na di pa rin siya nililingon. "Ewan ko rin haha! Basta magsusumbong ako sa kanya." nakangiting sagot ko na sinipat ko pa siya. "Wag mo ko harapin baka makita ka ni Maam na hindi ka nakikinig sa kanya." mahinang saway ko kaya napatingin siya sa harap.

"Sensya na." napapahiyang hingi niya ng tawad.

"Okay lang by the way tawagin mo kong Jayjay ha?" nakangiting ani ko na sinisipat lang siya sa mga mata ko.

Napangiti siya. "Om. Mari, lang rin itawag mo sakin."

"Ma! May kwento ako!" Sigaw ko pagkauwi galing bahay.

Nakangiting lumapit naman si Mama sakin at iniwan ang labahin niya saka niya kinuha ang bag ko para punasan ang noo kong pinagpapawisan. "Sige ano yun? Mukhang masaya ang first day of school mo doon sa bagong school mo ah?"

"Sobra, Ma! Kahit biglaan yun dahil doon gusto mag-aral ni Ryan ay worth it naman nang magkaroon ako ng kaibigan doon sa school." Tuwang-tuwang kwento ko kay Mama.

"Talaga? Dalhin mo naman siya minsan dito para makilala namin." Nakangiting aya ni Mama sakin.

Tumango ako. "Gusto ko yan, Ma! Aalamin ko ang favorite niya tapos lutoin mo, Ma ha?"

"Syempre! Lulutoin ko lahaaat ng favorites niya dahil first day of transfer mo pa lang kaibigan ka na niya."

"Yeheeey!" Nagtatalon pa ako sa tuwa dahil sa sinabi ni Mama saka ko siya patalong niyakap.

"Naku! Jayjay, hindi ka na bata para magpabuhat sa Mama mo for sure nabibigatan na si Mama mo sayo." Mahinang saway ni Papa sakin saka lumapit sa labahin ni Mama. "May luto na doon kumain na kayong mag-ina ako na ang bahala dito."

Matamis na ningitian ni Mama si Papa kaya palihim akong kinilig sa kanila. "Thank you, Hon. Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Mauna na kayo kung uuwi agad si Ryan sasabayan ko siyang kumain but if hindi kakain ako mag-isa mamaya." Sagot ni Papa saka sinimulang kuskosin ang labahin ni Mama.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon