Kabanata 13

20 4 0
                                    

Author's Note: Ngayon lang nakapaglaptop kaya hindi agad ako nakapag-update. Enjoy reading. Lovelots

Jayjay POV:

Kinabukasan ay maaga akong nagising pero pagkatapos kong magbihis ay nasa akin nang silid si Anna at hinahanda ang aking susuotin kaya maingat akong lumapit sa kaniya upang tingnan ang damit na kaniyang nilapag ng maingat sa aking kama. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga nang aking maisip na hindi tugma ang kulay ng damit na kaniyang pinili sa aking susuotin ngayong araw lamang subalit dahil sa aking pagbubuntong-hininga ako ay kaniyang narinig at siya ay gulat na ako ay nilingon.

Agad siyang yumuko pagkakita sa akin na nakatayo lamang sa kaniyang likuran. "Magandang umaga, Binibini."

"Hindi iyan ang susuotin ko ngayon, Anna." sabi ko na sa kaniya saka lumapit sa aparador upang mamili ng damit panloob.

Maganda ang Filipinianang napili niya. Kulay rosas na mga sintas (laces) sa bawat manggas na kulay puti nito at ang ibaba nito ay halatang masikip sa aking mga binti lalo na sa paglalakad subalit hindi iyun naaangkop sa aking binabalak ngayong araw kaya tamang-tama lamang na palitan iyun, iyung hindi masikip sa aking mga binti.

"Ano ang ninanais mong suotin ngayon, Binibini?" tanong ni Anna sa aking likuran nang sa wakas ay nakapili ako ng panloob ng damit.

"Kahit anong kulay itim, Anna. May pupuntahan tayong... dalampasigan o dagat basta kung saan sinasaboy ang mga abo." sagot ko saka tiningnan sa salamin ang aking napili.

Simpling puti na walang manggas at kuwelyo iyun at wala nang ibang estilo ang damit na iyun maliban sa dibdib nito na mayroong mga paekis-ekis kahit na natabonan pa iyun ng tela para hindi makita ang dibdib ng mga babaing susuot nito. "Ano po iyung sinasaboy ang mga abo, Binibini?" natigilan ako sa kaniyang katanongan. "Abo po ba iyun ng mga natupo ng apoy?"

Napalingon ako sa kaniya dahil sa kaniyang katanongan. "Hindi mo ba alam iyung..." Anong tagalog ng cremate?

"Iyung ano po ba, Binibini?" usisang-usisang tanong niya sa akin.

"Iyung..." Cremate...

"Iyung?" tanong pa niya ulit sakin na tinitigan pa ako.

"Iyung... sinusunog ng pamilyang namatayan ang katawan ng taong mahal nila kaya nagiging abo at sinasaboy nila iyun sa dalampasigan o dagat?" sabi ko na lamang sa kaniya upang hindi siya maghinala.

Umayos siya ng tayo. "Ah! Kremahin ang bangkay, Binibini?"

"Kr-Kre-Kremahin?" hindi makapaniwalang aking tanong dahil iyun lamang ba ang malalim na tagalog ng Cremate?

Tinangoan niya ako. "Opo, Binibini, subalit sino ang namatay, Binibini? Bakit walang alam sila Donya at Don Raul?"

"Hindi nila kilala... pero kaibigan ko siya kaya hanapan mo na lamang ako ng maisusuot kasi kumakain tayo ng oras may kailangan pa akong hanapin." utos ko na sa kaniya saka tumingin sa bintana. Luna... Kailangan ko ng kasagutan.

"Opo, Binibini." narinig kong sagot ni Anna kaya nang hinahalungkat niya ang aking aparadora ay sinuot ko na iyung puti na damit panloob. "Heto, Binibini, nababagay iyan sa napili mong puting panloob."

"Salamat, Anna." sagot ko sa kaniya saka sinuot iyun.

Mabubukadkad ang bewang hanggang sa paanan non kaya kumportabli akong maglakad non saka niya tinali ang tela na nasa bewang ko sa aking likuran kaya sinuot ko ang itim na guwantes na kaniyang hinanda bago ang may kalakihang itim na sumbrero na mayroong laso sa gilid non kaya nilaso ko rin ang tela na humahawak sa aking panga sa sumbrerong hinanda din ni Anna sa akin.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon