Kabanata 6

25 4 0
                                    

Jayjay POV:

December 22, 2014

"Sana nagustohan mo ang presents namin sayo, Ryan." Nakangiting bati ni Mama kay Ryan.

Tuwang-tuwa naman siyang niyakap ni Ryan. "Thank you dito, Mama. Thank you sa inyo ni Papa, Ma."

Natutuwa namang ginulo ni Papa ang buhok ni Ryan. "Sige na maglaro ka na."

"Opo!" Tuwang-tuwa namang sagot ni Ryan saka hinarap ako. "Ate, maglaro tayo!" Aya naman niya sakin.

"Mamaya na tutulongan ko muna si Mama." Nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Gumawa ka muna ng sand castle kapag nagawa mo ako ang taya pero kapag hindi edi ikaw ang taya." Hamon ko naman sa kanya nang lumungkot siya sa sagot ko kanina.

Napangiti siya ulit sa hamon ko sa kanya. "Sige! Tagalan mo diyan huh!" Aniya saka tumakbo na papunta sa sand kung saan maliligo kami para sa birthday ni Ryan.

Natawa ako sa sinabi niya pero tumalikod na ako para tumulong kay Mama at Papa sa paghahanda ng gamit namin dito sa cottage na napili namin. "Hindi mo ba inimbitahan ang kaibigan mo, Jay?" Tanong bigla ni Mama sakin.

Natigilan ako sa sinabi ni Mama sakin at napaisip sa nangyari kahapon kaya hindi ko nagawanh imbitahan ang tinuri kong kaibigan sa school. Hindi ako makapagsalita kapag magkalapit na kami. Napabuntong-hininga ako sa naisip ko. "Wala akong lakas ng loob na imbitahan siya pagkatapos ko siyang hayaang ibully ng mga kaklase namin." Isa sa totoong rason ko.

Palagi kong nasasaksihan ang pambubully nila Kendall kay Maricel pero palagi akomg walang magawa kundi ang panoorin lang sila kaya nasasaktan ako palagi kapag nagtatama ang mga mata namin ni Mari.

"Hindi kita maintindihan kung bakit hinahayaan mo siyang ibully ng mga kaklase mo kung hindi mo naman nagugustohan ang ginagawa nila sa kaibigan mo?" Tanong ni Mama sakin sa likod ko.

Hindi ko na nilingon at sinagot si Mama dahil sa tanong niya sakin. Naiintindihan ko si Mama kasi sarili ko hindi ko maintindihan. Gustohin ko mang lapitan, dalohan at protektahan si Mari kina Kendall ay biglang tumitigil ang katawan ko at nagbabago ang isip ko sa tuwing malapit na ako sa kanya.

Nang matapos kami sa paghahanda ay naglakad na ako papunta kay Ryan na patapos na rin sa ginagawa niyang sand castle kaya nang makita niya ako ay agad siyang natatawang tumayo at iniwan doon sa sand ang beach ball.

Pagkalapit ko ay nakangiti kong kinuha ang bola para ibato sana sa kanya pero agad siyang nakailag at tumakbo kaya naiwan doon ang bola nang umihip ang malakas na hangin kaya agad nalipad yun papunta sa di kalaliman ng dagat.

Nilingon ko muna ang gawi ni Ryan at nakita kong nakita niya ang sitwasyon ko kaya inaasar niya akong sumawsaw siya sa dagat. Ningitian ko na lang siya saka ko hinarap ang bola na lumalayo dahil sa alon ng dagat kaya dali-dali akong lumusong sa dagat para habolin yun bago yun lumayo ng tuloyan

Nasa dibdib ko na ang inabot ko bago ko naabotan ang bola kaya tuwang-tuwa ko yung tinaas at nilingon ang gawi ni Ryan at nakita kong nag-thumbs up siya sakin kaya maglalakad na sana ako pabalik sa dalamsipagan nang biglang lumaki ang alon sa likod ko dahilan para tumaob ako pailalim.

Nabitawan ko ang bola dahil muntik na akong malunod kaya bago pa ako tuloyang malunod ay dali-dali akong lumangoy pataas kahit naaabot naman ng paa ko ang mga bato sa ilalim nang maabot ko saglit ang ibabaw ng dagat sa kinaroroonan ko ay narinig ko pa saglit ang sigaw ni Ryan!

"Ate! Papa! Si a---" huling narinig ko nang hatakin ulit ako ng alon pailalim kaya natataranta na ako dahil nahihirapan na akong huminga!

Hindi kalaunan bago ako malunod ng tuloyan ng dagat ay naramdaman ko na parang lumiliit ang dagat kaya binuo ko lahat ng lakas ko at dali-daling lumangoy paitaas. "Wah!" Bulalas ko nang nagawa kong makaahon at hindi na malakas ang alon kaya napatingin ako sa langit.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon