Kabanata 15

22 4 0
                                    

Jayjay POV:

"Ahhhmmmm!!!" tili ko ng ilang ulit na tinatakpan ko pa ng kumot ang bibig ko para hindi ako marinig ng mga tao sa tahanang ito.

Pagkatapos ko maligo ng maaga dahil nagising rin ako ng sobrang aga ay wala na akong ginawa dito sa loob ng aking silid kung hindi ang magtitili ng tahimik at patago dahil hindi ko makalimutan ang mga nangyari kagabi kaya tinanggal ko ang kumot sa aking bibig saka napapangiting naalala kung paano kami nagkahiyaan ni Ginoong Aciano.

"Paumanhin, Binibini, subalit naway huwag mong isipin na ako ay humihingi ng paumanhin dahil sa ating paghahalikan. Ako lamang ay humihingi ng paumanhid dahil ako ay naging pangahas." Naalala ko pang sabi niya sa akin kagabi.

Mabilis kong tinakpan ang aking buong mukha sabay higa sa aking kama para magtitili nanaman ng tahimik habang nagsisipa ang aking mga paa sa ibabaw hanggang sa mayroon nanaman akong maisip kaya ako ay napaayos muli ng upo sa ibabaw ng aking kama at inis na napatingin sa kung saan-saan ng aking silid.

"Teka nga! Bakit ba ako kinikilig? Eh, ninakawan lamang naman ako ng unang halik ko sa taong wala pa akong relasyon." inis na aking nilingon ang bintana na akin nang binuksan. "Humanda ka sa akin Ginoong Aciano. Lintik lamang walang ganti!" sabi ko saka nanaman pumasok sa aking isipan ang aming paghahalikan kagabi. "Ahmm!!!!" mas malakas na aking tili saka patalong humiga patihaya sa aking higaan. "God! Bakit ako kinikilig?"

"Binibini?"

Mabilis pa sa alas kuwatro akong umayos ng upo sa gilid ng aking kama at kinakabahang nilingon ang tumawag sa akin. "Joanna? Kanina ka pa ba riyaan?"

"Medyo po, Binibini, subalit akin ring kinalimutan agad ang aking mga narinig ngayon lamang." nakayuko na niyang sagot sa akin.

Umayos ako ng tayo saka humalukipkip. "Baka puwedeng pati na rin ang iyong mga nasaksihan?"

Tiningnan niya ako saka ningitian at tumango sa akin. "Masusunod, Binibini."

"Oras na ba ng aking pag-eensayong muli?" aking tanong sa kaniya at lumapit sa mga plawta saka kinuha naman yung mala-pang kalawakan ang disenyo at niyakap iyun. Sana sa pagkakataong ito ay tulongan mo ako, Rosa, kung nasaan ka man naway kumilos ang aking katawan, isip at bibig ayun sa kung paano mo ito pinatugtog noon.

"Opo sana, Binibini." napamulat ako sa unang sinabi ni Anna sa akin. "Subalit nais kayong makausap ni Don Raul sa kanilang silid."

Tamang-tama kailangan ko nga pala siyang kausapin. Sabi ko sa aking isip saka tinaas ang aking bestida at hinarap siya. "Sige."

Nagmamadali kong tinahak ang daan papunta sa kanilang silid nila Ina at kumatok ako agad pagkarating ko sa harap ng pinto nila. "Pasok." narinig kong utos ni Ama kaya binuksan ko na ang pinto at pagkakita nila sa akin ay bahagya akong yumukod na para silang reyna at hari at ako ang kanilang nag-iisang prinsesa. "Rosa, mabuti at dumating ka agad." natutuwang sabi ni Ama kaya nag-angat ako ng tingin sa kanila at nakitang naglakad papalapit si Don Raul sa akin. "Mamayang hapon pagkatapos ng ating tanghalian ay may nais kainin ang iyong Ina kaya nais kong ikaw ang mag-alaga sa kanila habang hinahanap ko ang pakwan na kaniyang ninanais ngayon." nakangiting sabi niya sa akin.

Ningitian ko si Ama saka tumango pa. "Masusunod, Ama." sabi ko saka nagmano sa kanya at nilapitan agad si Ina na nagbabasa ng libro. "Ina, kumusta ang iyong palagay?" tanong ko kaya nakuha ko ang kanyang atensyon.

Nagmano muna ako sa kanya bago niya ako sinagot. "Maayos naman, Anak, mukhang nagsisimula na akong maglihi sa iyong magiging kapatid." nakangiti niyang sagot sa akin kaya napangiti ako sa kaniya.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon