Paumanhin kung natagalan sapagkat ay nasira ang aking Cellphone, char. Pero oo nga nasira ang Cellphone ko kaya maghihimlay ng ilang araw or months ang mga stories ko at hindi lang to dahil wala akong mapag-update-an. Kaya sana magustohan nyo ang kabanata nato.
BTW highway, inunpublish ko nanaman po ang Music Series #2- To The Fullest Love kasi last update ko ay mali pero ayoko nang bagohin yun instead ay plano kong icontinue yun kaya maraming magbabago meaning hindi na siya naaayun sa mga sinulat kong flows sa notebook ko so it takes time since I also need to update sa mga stories kong napending.
Jayjay POV:
"Ate..."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko saka umupo mula sa pagkakahiga sa malamig pero white na sahig sabay kusot ng mga mata ko kung hindi ba ako namamalikmata. Pure white ang buong paligid ko kahit saan man ako lumingon at walang mga gamit kaya napakalaking space kung nasaan man ako pero narinig ko ang boses ni Ryan kaya tumayo ako para lang makitang nakaputing sleeveless dress ko na hanggang sa ibabaw lang ng tuhod ko ang haba non pero fit siya kaya pomorma ang hubog ng katawan ko.
"Namatay na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko saka nilibot ulit ang paningin dahilan para manlambot ang mga tuhod ko't napaupo akong muli sa malamig at puting sahig. "Hindi maaari..." Pilit kong inalala ang huling nangyari sakin sa taong 1890 pero ang naalala ko lang ay natulog lang naman ako kaya paano ako namatay? "Oras ko na ba doon?" Napailing ako sa naisip ko. "Imposibly dahil may dalawang linggo pa lang ako doon." Kausap ko sa aking sarili saka nilibot muli ang aking paningin. "Nasaan ba ako?"
"Anak..."
Kumabog ng mabilis ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Papa kaya lakas loob ko ulit na nilibot ang paningin ko pero kahit napakalaki ng espasyong kinaroroonan ko ay wala talaga akong kasama at napakaputi pa parang ako nga lang ang may naiibang kulay dito, e, dahil may black sa mga buhok ko at pink sa labi ko ang nagbibigay ng ibang kulay sa lugar nato.
"Rejay, anak ko..."
"Ma?" Sigaw ko na nang tinig naman ni Mama ang narinig ko kaya tumayo na ako at umikot-ikot dahil baka namamalikmata lang ako at may pinto talaga dito palabas. "Pa? Ryan? Asan kayo? Lumabas kayo para alam ko ang daan palabas dito!" Sigaw ko pa pero nag-echo lang ang boses ko. "Mama!" Pagtawag ko pa sa kanila. "Papa! Ryan! Asan kayo? Ituro nyo sakin ang daan palabas dito para magkasama-sama na tayo!"
"Ang sitwasyon mo dito ay katulad ng pinoproblema mo ngayon." Sabi ni Ryan.
Nilibot ko pa ulit ang paningin ko at tumakbo pero nang tumigil ako ay wala pa ring pinto kaya kumaliwa ulit ako hanggang sa kumanan at tumigil sa pagod dahil hinihingal na ako sa pagtakbo ko nang biglang nagblack ang buong paligid kaya kinabahan ako dahil wala akong makita o makapitan man lang.
"Nasaan ba kasi ako?" Hinihingal kong tanong sa sarili ko at sinubokan ulit libotin ang paningin ko pero wala na talaga akong makita.
"Kasing dilim ng lugar nato ang problema mo sa kasalukuyang sitwasyon mo para lang iligtas at makasama kami." Sabi naman ni Papa sa kung saan kaya hindi na ako sumagot at pinakinggan na lang sila dahil naiintindihan ko ang pinupunto nila sakin. "Walang daan pauwi at walang kasigurohan kung makakauwi ka pa ba sa sitwasyon mo ngayon."
"Pero wag kang sumuko, anak." Sabi naman ni Mama kaya napatayo ako ng maayos nang hindi na ako hinihingal at napatingala dahil nasa taas ang boses nila. "Ang sitwasyon mo dito ay katulad lang ng sitwasyon mo ngayon sa taong kinaroroonan mo."
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...