Jayjay POV:
Wala akong nagawa kung hindi ang pumayag sa kaniyang kagustohan upang makalabas ako ng buhay sa kaniyang teritoryo. Hindi naman kasi niya iyun hiningi sa akin kung hindi ay inuutosan niya ako ayun sa kaniyang boses na huwag ipaalam kina Ina ang kaniyang pagkakasampal sa akin.
Subalit napakawala niyang utak upang magsinungaling kina Ina na hindi siya ang mayroong gawa ng pamumula ng aking kaliwang pisngi, e, siya lamang naman ang aking sinamahan ngayong araw.
O huwag niyang sabihin na ipapaako niya sa kaniyang taohan ang kaniyang kasamaan sa akin? Matindi na ang kaniyang kasakiman kung gayuon nga ang kaniyang binabalak. Ngunit nagkakamali siya ng kinalaban. Isa lamang siyang hamak na sinaunang tao at ako ay nanggaling pa sa hinaharap subalit kailangang bumalik sa kaniyang panahon dahil sa kaniyang kasamaan kina Lola.
Tama. Hindi dapat ako matakot o mangamba sa kaniyang binabanta. Ngayong nasabihan ko na sila Don Raul ang kailangan ko na lang ay patunay upang kanilang sundin ang aking mga ipapayo upang sa kaligtasan ni Ina at ni Estrella. Dahil sa aking naisip ay aking pinigilan ang aking pagngiti upang hindi niya paghinalaan ang aking pinaplano. Ang tagal mo nang naumpisahan ang iyong mga plano at sisigurohin ko. Hindi iyan magtatapos. Dahil ako ang magtatapos niyun na ikaw naman ang magsisisi.
Alam ko na ang aming kayamanan ang kaniyang pakay sa amin. Tama ang aking hinala kaninang umaga. Kung naipangalan na iyun ni Don Raul paniguradong nilalamayan na ako ngayon at ako ay nabigo sa aking misyon sa panahong ito.
Nagsisimula pa lamang ako, Heneral Adriano.
"Samahan na kita hanggang sa loob, aking sinta, ako na ang magpapaliwanag kina Donya Elizabeth at Don Raul sa nangyari sa iyong pisngi." Tiningnan pa niya ng mayroong pag-aalala ang aking kaliwang pisngi.
Tulad ng aking inaasahan. Malamlam ko pa siyang tiningnan sa aking mga mata at mahinhin na ningitian. "Ikaw ang bahala, Heneral." Sagot ko lamang sa kaniya.
Kahit labag sa aking kalooban na kaniyang hawakan ang aking kanang kamay papasok sa aming bahay ay hinayaan ko na lamang siya upang hindi kaniyang maisip na siya ay aking kinamumuhian ng husto na halos siya ay aking isumpa sa langit at lupa.
Pagkapasok namin ay sinalubong nila kami nila Ina at Don Raul kasama si Anna at ang kaniyang Ina. Hindi naman sa lahat ng oras ay dapat kaming bantayan ng bantayan ng kaniyang mga taohan. Masyado siyang nagpapahalata kapag nagkaganoon dahil paniguradong ku-kuwestiyonin ni Don Raul ang inaakto ng taohan ni Heneral na kaniyang pinababantayan sa amin.
"Rosa! Ano ang nangyari sa iyong pisngi?" Nag-aalalang tanong ni Ina sabay hawak sa aking magkabilang pisngi ngunit kaniya ring binitawan ang aking kaliwa nang ako ay ngumiwi. "Paumanhin, anak."
Aking nakita na nag-aalala na rin sila Anna at Don Raul dahil sa nangyari sa aking pisngi kung kaya bago pa sumabog si Don Raul kay Heneral Adriano ay akin nang niyakap si Ina upang mabilisan siyang bulongan.
"Paniwalaan ninyo po ang kaniyang kasinungalingan." Sabi ko lamang saka mabilis na naiiyak na binitawan si Ina na natitigilan na ako ay kaniyang tiningnan. "Masakit ang aking pisngi, Ina."
"Ano ang nangyari sa pisngi ng aking anak, Heneral." May diin na tanong ng Don kay Heneral Adriano kung kaya ay aking seninyasan si Ina gamit lamang ang aking mga mata.
Mabilis namang hinawakan ni Ina si Don Raul upang ito ay kumalma. "Paumanhin, Don Raul, subalit nang siya ay makita ng aking guardia na niloloko ako ng harap-harapan at doon pa mismo sa aking teritoryo ay kaniya agarang sinampal si Binibining Rosa. Ngunit huwag kayong mag-aaalala akin na iyung pinarosahan na guardia." Siya ay magalang pang yumuko sa harap nila Ina kaya.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...