Jayjay POV:
Hindi ko alam kung bakit naalimpungatan ako sa aking pagtulog pero ako ay natigilan din at kinabahan nang makita ang mundo ng nakaraan kung nasaan ako ngayon upang ayusin ang gulo ng aking pamilya sa pamilyang Avellañeda.
Napasinghap ako at natakot nang makita ang buong silid ko na kulay abo iyun. Tiningnan ko ang aking katawan pero kahit ang aking mga braso at damit ay kulay abo. Tumayo ako upang lapitan ang magkasinglaki ko na salamin sa aking silid upang tingnan ang aking kabuoan.
Napasinghap akong muli nang makitang kulay lamang ng aking itim na buhok at mga mata ang siyang naiiba. Dalawang kulay lamang ang aking nakikita. Itim at kulay abo. Sinilip ko ang labas ng bintana pero lahat nang nasa labas ay kulay abo pero pinaningkitan ko ang aking napansin. Ang mga dahon ng aming mumunting kagubatan ay halatang nilipad iyun ng ihip ng hangin subalit parang tumigil ang oras kaya nakatagilid lamang ang mga iyun.
Naghanap ako ng orasan sa aking silid at nakita ang isang orasan na nasa akin lamang silid. 3:00 am? Hindi ko malaman kung tumatakbo ba ang segundo nuon sapagkat walang ganoon ang orasan na ito kaya dinala ko iyun nang nagdesisyon na akong lumabas ng aking kwarto.
Tinaas ko ang aking damit upang takbohin ang kwarto nila Ina at Ama kahit na hindi nagbago ang kulay ng buong paligid. Binuksan ko iyun nang ako ay makarating saka ko nakita sila Ina na nakahiga sa kanilang kama at mukhang mahimbing na ang tulog.
Nilapitan ko sila at saka marahang niyugyog si Ina. "Ina. Ina! Gumising ka! Ina!" Subalit hindi siya nagising kaya lumipat ako kay Ama at siya naman ang marahan kong niyugyog. "Ama! Ama! Gising!"
Unti-unting namimintana ang butil ng aking luha sapagkat kahit ilang ulit akong magpalipat-lipat upang sila ay gisingin ay hindi pa rin sila nagigising kaya nilagay ko ang aking hintuturo sa kanilang ilong at ako ay muling napasinghap nang hindi sila humihinga. Marahan kong pinaharap sila sa akin saka ko nilagay ang aking tenga sa kanilang mga dibdib subalit kahit pagtibok ng kanilang mga puso ay hindi ko iyun naririnig.
Napaayos ako ng tayo habang umiiyak nang napatingin sa aking paligid. "Anong nangyayari?" Tiningnan ko ang orasan na andito sa silid nila Ina pero kinabahan lamang ako ng matindi nang makitang pati ang oras ay hindi kumilos. "Alas tres pa rin ng madaling araw."
Pagkatapos ko iyung sabihin ay agad kong hinablot ang orasan na aking nilagay sa paanan nila Ina saka ako nagmamadaling lumabas ng aming bahay na kulay abo pero nahugot ko lamang ang aking hininga nang makitang nakakatakot masyado ang labas dahil sa mga halaman na nililipad ng hangin subalit nakatagilid iyun habang ang buong paligid ay kulay abo lamang iyun kahit ang kalangitan.
Nilakasan ko ang aking loob pagkatapos kong pahiran ang aking luha bago ako humakbang palabas ng aming bahay nang biglang humangin kaya tumunog ang mga halaman sa puno dahil sa lakas ng pag-ihip noon.
Tiningnan kong muli ang orasan pero akin lamang iyung naitapon nang biglang umikot ng sobrang bilis ang kamay ng relo at napatingala ako sabay atras at kapit sa aming bubong nang makitang nagpapalit-palit ng kulay ang kalangitan. Itim o Abo pa rin ang kulay na nagbabago non.
"Ahhhhhh!!!!!" Tili ko nang mabilis na namamatay lahat ng tanim at puno na nasa aking harapan kaya mabilis akong pumasok sa aming bahay subalit hindi na iyun tumigil pa kaya napaiyak na lang ulit akong napaupo sa sahig ng aming bahay. "Anong nangyayari?! Tumigil ka na! Nagmamakaawa ako! Tumigil ka na!" Hagulhol na sigaw ko nang may dumating na itim na kuting sa harap ng aming pinto dahilan upang tumigil ang nangyayari sa labas ng aming bahay. "L-Luna?" Pagkilala ko sa pusa na umupo pa sa aking harap. "Luna!"
Akmang kukunin ko siya dahil ako ay mabilis na tumayo nang ako ay napaupo lamang ulit sa sahig dahil mabilis na nagbago ang kaniyang anyo. Napapasinghap na ako ay umatras sa takot nang naging tao na siya sa aking harapan subalit kakaiba ang kaniyang suot.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...