Jayjay POV:
December 24, 2014
Pagkatapos ng muntikan ko nang pagkakalunod sa mga nakaraang dalawang araw ay pinakita ko kina Mama, Papa, Lola at Ryan na masigla na ulit ako pero kahapon hindi pa rin sila kumbinsido dahil bigla akong umubo.
"Ryan." Nakangiting tawag ko sa kapatid ko kaya nakapalumbabang nilingon niya ako sa mesa ng kwarto niya. "Laro tayo?" Aya ko sa kaniya na pinakita ko pa sa kaniya ang basketball niya.
Inilingan niya ako. "Ayaw."
Natawa ako sa sobrang cute ng ginawa ng kapatid ko saka ako lumapit sa kaniya. Ganiyan na siya simula nang pinagalitan siya ng husto nila Papa at Lola dahil sa pakikipaglaro ko sa kaniya ay muntik na akong malunod. Pagkalapit ko sa kaniya ay hinawakan ko ang magkabilang braso niya at pinisil yun.
"Tara na. Promise ko sayo mag-iingat ako para may kasunod pa ang paglalaro natin." Alo ko pa sa kaniya.
Inilingan niya pa rin ako na nakapalumbaba pa rin siya sa mesa ng kwarto niya. "Ayaw." Binitawan ko siya saka ako padabog na umupo sa kama niya kaya napalingon siya sakin. "Para kang bata, ate." Mahinang saway niya sakin.
"Bata pa naman ako, ah? 15 years old pa lang kaya ako." Nakasimangot na sagot ko sa kanya.
"Hindi bagay sayo, ate." Nakangiwing sagot niya sakin kaya hinampas ko ang braso niya. "Aray! Para saan yun?!" Gulat na daing niya sakin.
"Laro na kasi tayo." Maktol ko lang ulit sa kanya.
Umiling nanaman siya kaya pakiramdam ko matatalo ako nito mukhang pursigido siyang hindi siya makikipaglaro sakin. "Hindi na ako makikipaglaro sayo, ate, kasi nang makita kitang hinihila ng tubig paibaba at papalayo samin andami kong pinagsisihan non na ginawa ko sayo." Dahil sa sinabi niya ay natigilan ako at agad na namasa ang mga mata ko. "Pakiramdam ko ang dami kong na-realized non na mali ko kaya simula non gusto ko nang baguhin ang sarili ko para hindi na makita nila Papa ang mga mali ko."
Nalungkot ako sa sinabi niya kaya pinigilan ko ang luha kong gusto nang tumulo na nagawa ko naman. "So feeling mo na sa sarili mo mature ka na?" Pang-aasar ko sa kanya para hindi ako maiyak.
Inirapan niya ako dahilan para mawala ng tuloyan ang luha ko at napalitan yun ng pagkagulat at kasiyahan. "Hoy! Ano yun?!" Tawa-tawang gulat na tanong ko sa kanya. "Inirapan mo ko?! Kalalaki mong tao!"
"Di naman siguro bawal umirap ang mga lalaki, ate?" Naiinis niyang tanong sakin kaya natawa ako. "Lumabas ka na nga lang sa kwarto ko ang gulo mo." Inis na singhal niya kaya tawa-tawang tumayo ako para lumabas.
Tawa lang ako ng tawa nang pagkatayo ko sa may pinto niya ay parang umikot ang paningin ko kasabay non ay nahugot ko ang hininga ko dahil may bigla akong nakita na hindi parte ng kasulukuyang sitwasyon ko.
Nakita ko pa ang kalendaryo sa silid nito na mabilis na umatras yun. 2017, 2016, 2015 hanggang sa tumigil yun sa Hunyo 1, 1890? Napaangat ako ng ulo nang makita ang sarili ko na nakatayo sa may bintana habang nakasuot ng mahabang bestida at andito na ako sa pamilyar na silid?
Silid ni Rosa!
May pumasok sa kanyang silid pero hindi niya iyun nilingon at agad namang yumuko si Anna sa kanya. "Magandang gabi, Binibini, ngunit bakit ikaw ay gising pa?" Tanong ni Anna sa kamukha ko.
"Nakakabighani ang kagandahan ng liwanag sa buwan." Sagot niya na hindi pa rin siya nililingon.
"Ngunit hindi po kayo maaaring matagal matulog ngayong gabi, Binibini, dahil may panauhin kayo bukas." Sagot naman ni Anna sa kanya.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...