Jayjay POV:
Unti-unti akong nagigising mula sa mahimbing kong pagkakatulog saka ako maingat na bumangon para umupo sa aking kama. Napansin kong andito pa rin ako sa ceiling na mukhang mamahalin pero makaluma at isang ceiling fan na mukhang mamahalin din na may ilaw pa sa center non kaya aking nilibot ang aking mga paningin.
Andito pa rin ako.
Hinanap ko ang babae kaninang nagising ako pero nang hindi ko siya makita ay bumangon na ako saka ako lumapit sa malaking salamin na nasa kabinet na pampalit ng mga damit tinitigan ang aking sarili doon. As usual maliit at payat pa rin ako pero halatang may kaunting taba sa katawan dahil malusog ang aking dibdib. Mahaba din ang aking buhok na kulot mula sa leeg ko hanggang sa bewang at makapal din yun kaya napangiti ako dahil kahit hindi ako babae magdamit sa panahon ko iyun naman ang klasi ng buhok ang gustong gusto ko.
Napangiwi ako nang aking mapansin na para akong white lady sa aking suot na maputing pampatulog pero kulot ang aking buhok at matuwid naman kay white lady. Binuksan ko aking kabinet sa aking kwarto at napataas ang aking dalawang kilay nang makitang puro makalumang mahahabanh bestida ang andoon kaya napabuntong hininga ako.
"Binibini? Gising na po ba kayo?" Narinig kong sigaw ng babae sa labas kaya napalingon ako sa pinto.
"Pasok ka." Aya ko sa kanya.
Bumukas ang pinto at pumasok ang kasambahay na kaninang nagising ako pero napayuko din agad siya nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. "Magandang gabi, Binibining Rosa." Bati pa niya.
Napalingon ako sa buong kwarto. "Kailan na-invent ang electricity kasi akala ko wala pang ilaw sa panahong ito?" Yun kasi ang nabasa ko.
Nakita ko siyang napakunut-noo na napatingin sa akin. "Inbint? Anong wika iyun, Binibini?"
Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa tanong niya. Hindi pa ba na-establish sa panahong to ang wikang English? Napakamot na lang ako sa aking noo dahil baka hindi pa nga kasi napaka-simple ng word na yun pero di niya nakuha. "Ano... Ang aking ibig sabihin ay kailan nainbento ang kuryente?"
"Iyo na po bang nakaligtaan, Binibini, na nagsimulang gumawa ng kuryente noong huling taon pa? Pero kamakailan lang nila ito natapos." Naghihinalang sagot ng kasambahay nila sa akin.
Napabuntong-hininga ako kasi hindi naman dapat kuryente sa taon na ito ang aking pino-problema. Dapat mahanap ko na ang kwintas upang mailigtas ko na sila Mama kaya naglakad ako papunta sa kama ko at umupo doon.
Nilingon ko ang kasambahay na nakabantay lamang sa akin. "Hindi pa ba tayo maghahanaponan?"
Nanlaki ang kaniyang mga mata pero agad din siyang yumuko. "Paumanhin, Binibini, kung aking nakaligtaang sabihin sa iyo na pinapasabi ni Don Raul na maghanda ka na raw para sa inyung haponan."
"Amin? Amin lang ang haponan?" Tanong ko pa sa kanya saka tumayo upang mamili ng ipantatakip sa aking kasuotan.
"Maghahaponan din kami, Binibini, habang naghahaponan kayo." Napatango ako sa sagot niya saka napangiti nang may makita ako. "Iyan lang po ba ang iyong susuotin, Binibini?"
Hinarap ko na siya nang tapos na akong mag-ayos sa aking suot saka ko siya tinanguan na may ngiti sa aking mga labi. "Oo, tara na?"
Tumango siya sa akin saka nilahad ang daan kaya nauna akong maglakad sa kaniya habang hawak ang laylayan ng aking bestida na pantulog. Maingat kaming bumaba ng hagdan at naaabutan sila Ama at Ina sa hapag-kainan na naghihintay na nga sa akin.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...