Author's Note: Mostly sa part nato ay nasa story na ni Jerica kaya nagja-jump na lang ako para mabasa nyo ang buong kwento sa chapters ng ReWrite our Love Story, #5 pa siya kaya wala pang na-published dito.
JayJay POV:
"Anong pinagsasabi mo?! Siya si Maricel, Kyro! Sabi mo mahal mo siya! Sabi mo ililigtas natin siya?! Anong pinagsasabi mong hindi mo siya kilala?!" Umiiyak ko pa siyang kinwelyohan.
Naiiyak niya akong tiningnan. "Nasasaktan lang akong nakitang ganyan ang pagkamatay niya pero hindi ko talaga siya kilala, Jayjay."
"Kalma po, bata." Marahang hinila ng isang police ang braso ko palayo kay Kyro kaya nabitawan ko siya. "So kilala mo ang batang to?" Tinuro pa niya si Maricel na marahang hinihiga na ng mga ewan hindi ko kilala basta nakabalot sila ng puti kaya hindi ko makita ang mukha nila dahil may takip din sa mukha nila.
Marahas kong pinahiran ang luha ko saka tumango at galit na sinipat si Kyro sa tabi ko. "Siya si Maricel Barnaja. Best friend ko siya simula noong second year high school ako tapos niligawan siya ng lalaking to before matapos ang school year namin sa 2nd year." Umiiyak kong tinuro si Kyro na nasa likod ko habang inaalala ko ang tungkol kay Maricel dahil ang gagong Kyro sinabing hindi raw niya kilala si Mari pero umiiyak siya!
Pinaliwanag ko sa mga police ang mga alam ko pero hindi ko na sinali ang tungkol sa powers ni Mari. Kinwenro ko ang nangyaring pag-kidnap sakin nila Kendall kaya pumunta si Mari at iniligtas ako kaso inutosan niya akong humingi ng tulong at nagkasalubong kami ni Kyro sa daan kaya lang pagbalik namin patay nang nakaupo si Mari habang nakayuko pa kaya ang sakit-sakit dahil ang sabi pa ni Kyro na hindi niya kilala si Mari!
Gusto ko siyang suntokin dahil sabi niya sakin sa labas na hindi na siya kailangang utosan ni Mari na mahalin siya dahil mahal naman na talaga niya ito pero ang gago nagbago nanaman ang statement pagkakitang patay na si Mari!
Nagwala ako sa police station nang pati mga magulang ni Mari ay deniny ang pagkakakilanlan nila sa best friend ko kaya niyakap ako ni Mama para kumalma. Umiiyak akong napaupo na lang sa sahig dahil sa sakit-sakit na ako lang ang kumilala kay Mari, lahat sila ay hindi raw siya kilala. Except kay Kendall na dinala sa mental.
UNANG araw ko sa barangay Hall as part timer. 3 days na ang lumipas pagkatapos ng graduation namin. Hindi ko pa rin maintindihan si Kyro dahil malungkot din naman siya, may parte raw sa kanya ang kulang pero hindi niya alam kung ano. Alam kong si Mari ang tinutukoy niya pero hindi ko na lang pinilit sa kanya dahil nakakapagod ipilit sa lahat si Mari pero hindi daw nila ito kilala, wala silang memories kasama si Mari.
"Hi." Napatingin ako sa nag-hi at isa itong may lalaki. Gwapo siya pero dahil siguro sa mga teenager pa kami ay bata rin ang built ng katawan niya. Nilahad niya ang kamay sakin. "Adrian Iglesia. Ako yung magti-train sayo rito." Pagpapakilala niya kaya napatango ako sabay tanggap ng kamay niyang nakalahad sakin.
"Relay. Rejay Munasque." Matamlay na pagpapakilala ko rin sa kanya.
Tinuro sakin ni Adrian ang mga bagay-bagay na gagawin ko rito sa Barangay Hall kung saan ako na-assign. Nalaman kong whole timer siya pero magiging Part timer siya kapag pasukan na. Hindi naman mahirap makipag-close sa kanya dahil napaka-responsable at bait niya.
"Miss, excuse me. Magkano ba para sa barangay certificate para sa pag-apply?"
Napaangat ako ng tingin sa nagtanong pero ewan bigla akong nakaramdam ng saya at panatag kaya nakangiti ko siyang tinayuan. "50 pesos lang." Sagot ko sabay abot ng maliit na form sa kanya. "Paki-fill up to, Maam."
Ningitian niya ako pabalik saka kinuha sakin ang maliit na papel. "Pwede ba pahiram ng ball pen?" Nakangiti kong inabot sa kanya ang ball pen ko. "Thank you." Nakangiti niyang sabi pagka-abot sakin ng ball pen ko.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...