Jayjay POV:
March 20, 2013
Dumating na rin ako sa wakas sa room kung saan naabotan ko si Kyro na kausap si Maricel at medyo malayong umupo sa tabi niya kasi seatmate kami pero kunwaring gulat akong napatingin kay Kyro na ganoon pa rin ang posisyon sa harap ni Mari.
"Muñasque, ingatan mo tong crush ko ha? Ayokong magalosan siya." nakapalumbabang utos pa niya sakin na kunwaring gulat ko pa ring nakatingin sa kanya.
"Bakit ako ang sinasabihan mo, eh, hindi naman ako ang bumu-bully sa kanya tuwing tanghali?" malamyang sagot ko sa kanya kaya napapangiwing tiningnan niya ako. "Crush mo naman pala siya ba't hinahayaan mo siyang saktan ng mga barkada mo?"
"Wala akong lakas ng loob---"
"Tapos ngayon meron na?" Taray na tanong ko sa kanya kaya napayuko na lang si Mari sa tabi ko. "Ibang klase ka rin."
"Tss. Wag ka na nga lang makipag-usap sa kanya, Mari." maktol pa ni Kyro sa kanya
Ini-snob ko siya. "Hindi naman na talaga kami nag-uusap. Kahit gustohin ko hindi ko magawa." sagot ko na nakatingin sa harap.
Hindi ko na sila pinakinggan dahil ayoko sa nangyayari samin ni Mari. Dahil lang sa dinamay nila ako sa pagmbubully nila kay Mari ay nawala agad ang frienship namin na ipinagmamalaki ko kina Mama.
December 10, 2014
Lumipas pa ang mga araw na nililigawan na ni Kyro si Mari at hindi pa rin kami nagpapansinang dalawa hanggang sa isang araw pagkapasok ko sa room ay nakita ko si Mari na nilibot ang paningin niya sa mga kaklase namin kaya huminga ako ng malalim saka binuga yun ng malakas bago siya nilapitan.
"Excuse me."
Napatingin siya sa likod niya sabay pagbibigay daan sakin na makapasok sa classroom namin kaya dumaan na ako naramdaman kong sinundan niya ako ng tingin bago siya sumunod sakin sa paglalakad papunta sa upoan namin.
Pagkarating ko sa upoan ko ay napatingin ako sa kanya kaya ningitian niya ako. Gusto ko siyang kumostahin? Gusto kong maging magkaibigan na ulit kami pero para lang tumigil ang dila ko kaya wala akong masabi.
Pagkauwi ko ay halata sa mukha ko na namomoblema ako kaya kung magtatanong sila Mama sa akin di na ako magugulat. "Anong problema, Jayjay? Ba't ganyan ang mukha mo?"
"Nakaganito ka, ate, oh." Pang-aasar naman agad ni Ryan sakin sabay haba ng nguso niya na para akong babalu kaya kunwaring babatokan ko siya buti na lang at tumakbo siya.
"Masanay ka na sa kapatid mo." Natatawang sabi ni Mama sakin saka kinuha ang bag ko.
"Si Papa, Ma?" Tanong ko pa muna kay Mama.
"Wala pa siya. Baka OT." Sagot ni Mama sakin saka ako pinaghandaan ng pagkain. "Kumusta ang school? Mukhang di na kayo nag-uusap ng kaibigan mo kasi ayaw mo siya ikwento samin."
"Tsk! Di ko nga maintindihan, Ma, eh. Nang sabihin niya saking iwasan ko na siya ay ginawa ko naman tapos kapag gusto ko siyang kausapin parang tumitigil ang dila ko kaya hindi ko na nagagawang kausapin siya." Inis ko ngang kwento kay Mama
Nag-advice sakin si Mama na ginawa ko naman nang sabihin niyang bigyan ng time si Mari na mag-isip-isip para sa friendship namin so hayun umabot nga ng ilang buwan na di ko na muna siya kinausap at nagfocus na lang ako sa family ko para maging masaya ulit na nagawa ko naman dahil hindi naman ako binigo ng pamilya kong pasayahin ako.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...