Kabanata 14

17 4 0
                                    

Jayjay POV:

"Hmm..." mahinang ungol ko nang pakiramdam ko ay galing ko sa patigasan ng ulo dahil kumikirot na lang ng kaunti ang gilid ng ulo ko.

"Aking sinta, ikaw ba ay gising na?" narinig kong tanong ng kung sino sa akin subalit hindi ko mawari kung kaninong boses iyun at aking napansin na kaniyang hawak ang aking kamay. "Magpatawag kayo ng manggagamot yuong sumori sa aking sinta."

"Masusunod, Senor." narinig ko namang sagot ng boses babae.

Aking dahan-dahan na minulat ang aking mga mata at narinig ulit ang pagtawag ng lalaki subalit hindi ko siya nilingon at napatitig sa isang kulay itim na tolda, naaamoy ko rin ang mga kemikal at may halong mga dahon na mukhang ginagamit rin sa panggagamot rito sa kubong ito. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking ilang ulit akong tinawag.

"G-Ginoong Adriano?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya nang siya pala ang nakahawak sa aking kamay. Agad akong napatayo at binitawan ang kaniyang kamay subalit kumirot nanaman ng kaunti ang aking ulo. "Ahh!" daing ko sabay hawak sa aking gilid na ulo.

"Dahan-dahan, Binibini." aniya saka ako inalalayang makaupo ng maayos saka dumating ang kaniyang pinatawag na manggagamot at sila Ina kasama ang mag-asawang Avellaneda.

Ipinaliwanag ng manggagamot ang aking karamdaman nang dumating naman sila Ginoong Juan, Joanna at Ginoong Aciano. "Maaari na siyang makauwi upang mas mahaba ang kaniyang pahinga." sabi na ng manggagamot pagkatapos sabihin na ako lamang ay natakot sa kidlat kaya hindi malubha ang aking karamdaman.

Tumango sila Ina saka ako tinanong ulit sa aking karamdaman habang nag-aalalang nakatingin sa akin ang pamilyang Avellaneda. "Anong oras na ho?" tanong ko sa kanilang lahat nang inalalayan na ako ng mga babaing makatayo.

"Madaling araw pa, mabuti na lamang at hindi nga gaanong kalubha ang iyong nangyari sapagkat ay hindi naumagahan." sagot ni Ginoong Adriano sa akin. "Huwag ka na dumalo sa misa mamayang gabi, aking sinta."

"Hindi." matigas ko agarang sagot sa kaniya nang ako ay makatayo na ng tuloyan kaya nang siya ay aking tingnan ay galit ang kaniyang mukha na nakatingin sa akin. "Dadalo ako sa misa kahit na anong mangyari. Inyong ipanatag ang inyong mga kalooban na ako ay mag-iingat na ngayon."

"Ngunit wala pa rin ako mamayang gabi sapagkat ay pinaghahanda ko ang mga guardia civil sa mas matinding pagsasanay para sa darating na pyesta, aking sinta, baka mapaano ka nanaman." pagpupumilit nanaman ni Ginoong Adriano sa kaniyang gusto.

"Nakadalo ako sa misa kahapon ng gabi nang wala ka. Makakadalo muli ako sa misa mamayang gabi ng wala ka." matigas kong sagot sa kaniya.

"Anak, mali ang ganiyang sumagot sa iyong mapapangasawa." marahang saway ni Ina sa akin.

"Nag-aalala lamang ang iyong mapapasawa sa iyo." sabat naman ni Don Raul.

Marahan kong tinaas ang aking bestida upang yumukod kay Ginoong Adriano. "Maraming salamat sa iyong pag-aalala, Ginoo, subalit nais kong dumalo sa misa mamayang gabi." matigas ko pa ring sagot sa kaniya saka naunang maglakad ngunit hinarangan ako ni Ginoong Aciano saka yumuko sa aking harapan. "Ano ang iyong ginagawa?"

"Ako ay humihingi ng paumanhin dahil sa aking kapabayaan kaya ikaw ay nawalan ng malay." paghingi niya ng tawad na ginaya rin nila Anna at Ginoong Juan.

"Hindi ninyo kasalanan kung kumidlat kaya ako nawalan ng malay kaya sana ako ay inyo ng paraanin dahil nais ko ng umuwi." sagot ko sa kanila kaya wala silang nagawa kung hindi ang bigyan ako ng daraanan.

FMS #2- WHILOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon