Jayjay POV:
"Heneral, nasa labas ang iyong kapatid." Pagbabalita ng isang guardia civil pagkapasok nito sa opisina ni Heneral Adriano tuloy ay nagulat rin kami ni Anna sa aming narinig.
Galit namang napatayo ang Heneral sa kaniyang upoan saka siya napatingin sa akin dahil ako ay hindi na mapakali sa aking inuupoan sa balita ng guardia civil subalit kaniya ring binalik ang kaniyang paningin sa guardia habang nagpang-abot ang kaniyang mga kilay.
"Ano pa ang iyong ginagawa rito? Hindi na at dapat inyong inalam ang kaniyang pakay dito?" Galit na ngang kaniyang tanong sa guardia kaya ay napayuko ito.
"Nais niyang makita si Binibining Rosa, Heneral." Nakayukong kaniyang sagot kay Ginoong Adriano dahilan upang makaramdam ako ng kasiyahan ang aking puso dahil sa dalawang rason.
Kunut-noo akong nilingun ni Heneral Adriano habang humahakbang papalapit sa akin. "Huwag kang magtuwa, aking irog, sapagkat ikaw ay mananatili rito lamang sa aking silid. At kahit anong mangyari ay hindi ka dapat lalabas sa pintuang iyan." Utos pa niya sa akin kaya ako ay napatango sa isang rason upang makaramdam ng kagalakan ang aking puso na siya lamang ang haharap kay Ginoong Aciano. "Ikaw taga-silbi, huwag na huwag hahayaang makalabas ang iyong binabantayan kung nais mo pang mabuhay." Pagbabanta pa niya kay Anna kung kaya nanlaki sa gulat at takot ang mga mata ni Anna subalit kami ay tinalikuran na ni Heneral at ng guardia upang lumabas ng silid.
At dahil na rin sa kadahilanang hindi ako kailanman nakalimutan ni Ginoong Aciano kahit na limang araw na kaming hindi nagtatagpo.
"Anna, iyong isara ng mabuti ang pintuan at iyung hindi tayo mahahalata rito sa loob na tayo ay nagsara ng maigi sa pinto." Aking mahinang utos sa kaniya saka ako ay tumayo sa aking pagkakaupo.
Ako ay sumilip pa muna sa labas ng bintana at roon ay aking natanaw si Heneral katabi ang guardia civil na naglalakad patungo sa labas ng bakod kung nasaan ang karamihan sa mga guardia pang civil na maaaring nagbabantay.
Aking narinig ang marahan at maingat na pagsara ni Anna sa pinto kaya ay tumungo na sa lamesa. Aking binuksan ang mga kabinete roon bago ko mabilis na binasa ang mga papeles na naroroon ngunit tungkol lamang iyun sa aming kapayamanan nang mayroong nahagip ang aking mga mata ng isang puting sobre na nasa ilalim ng kaniyang upoan na aking nagulo.
"Binibini, ano ang iyong binabalak? Baka tayo ay mahuli ni Heneral at parusahan." Nag-aalalang tanong sa akin ni Anna subalit hindi ko siya pinansin. "Binibini." Mahina pa niyang saway sa akin.
Aking mabilis na kinuha iyun at binasa ang nakasulat subalit iyuon ay nakasulat sa salalitang espanyard kung kaya aking na lamang nilabas ang papel na nilalaman doon at nagpapasalamat nang nakasulat doon ay salitang Inglis.
Makaluma ang kaniyang salitang ginamit subalit akin pa rin iyung naintindihan. Nakasulat roon ang hiningi ni Heneral Adrianong papeles at ako ay napatakip sa aking bibig nang aking mapagtanto kung ano ang tinutukoy nitong papeles at nang ako ay matapos sa aking pagbabasa agad kong binalik sa sobre ang papeles ngunit ako ay natigilan sa isang larawan ng isang magandang Binibini.
Mabilis na nakisilip si Anna sa aking natagpuan kung kaya ay siya rin ay nagulat at nagulohan. "Isa siyang alipin, Binibini, at noong ikaw ay kamuntikan nang maaksidente sa ating paglalaro ay minsan ko iyang nakita."
"Saan?" Akin pang usisa.
"Sa tabi ng daan, Binibini, at sa aking naaalala kung hindi ako nagkakamali ay kaniya ring kasama noon si Heneral subalit hindi ko pa alam na si Heneral Adriano ang iyong kabiyak noon kung kaya ay akin iyung binalewala." Paliwanag niya sakin kung kaya ako ay natahimik.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...