Jayjay POV:
December 7, 2016 10:35am
Binasa ko ang talaarawan na bigay ni Lola sakin last week at napakunut-noo ako nang sobrang ganda ng pagsisimula nilang magsulat sa kanilang diary pero nang nasa gitna na ako ng buhay ni Lola Becca sa diary niya ay nagulantang ako nang may nagtatangkang pumatay sa kanya. Tinapos ko ang chapter na yun kung saan sabi ni Lola doon ay iniligtas siya ni Lolo kaya namatay ito.
Binuklat ko ang iba pang diary nang pumasok si Ryan na may dalang juice at sandwhich. Napatingin ako sa kapatid ko nang umupo na nga to sa may pinto nang doon din nilapag ng kapatid ko ang foods na dala nito.
Nagtaas pa siya ng dalawang kilay. "What, ate? Magbasa ka lang diyan habang pinapanood kita." Pang-aasar nito sakin na kinuha pa ang sandwhich at kakagatin na sana niya yun nang makita niyang masama na ang tingin ko sa kanya. "What? Bawal bang kumain dito sa mini library mo, ate?"
"Oo bawal! Kaya layas!" Inis na singhal ko sa kanya.
Napatango pa siya sabay lapag sa platito ang sandwhich. "Ah sige sasabihin ko na lang kay Mama na sakin na tong sandwhich mo." Nakangiting pang-aasar niya talaga sakin sabay tayo dala-dala ang foods ko!
Agad akong tumayo para habolin siya at Kati man sa ulo dahil sa hilig niyang asarin ako kahit ako naman ang panganay samin nang mabilis siyang tumakbo dala-dala pa rin ang foods ko! "Takbo, Ryan Muñasque! Sinasabi ko sayo ikaw talaga ang kakagatin ko kapag nahuli kita!" Sigaw ko habang naghahabulan kami nang mahulog ang platitong dala niya pati ang sandwhich at juice kaya nabasag lahat ng babasagin. "Ahh!"
"Ahh!" Sabay na daing namin nang matapakan namin ang mga pieces ng glass.
Umupo kami sa sahig padaing na tinataas ang mga paa namin nang marinig naming bumaba sila Mama galing sa kwarto nila ay mabilis kaming lumapit sa isa't isa at tiningnan ang glass na nasa mga paa namin.
"Ano yung ingay? Oh? Anong nangyari sa inyo?" Alalang tanong ni Mama nang makita kaming dalawa ni Ryan.
Naiiyak na tiningnan ako ni Ryan. "Ate, hindi ko kaya. Ang sakit-sakit tingnan kaya nanginginig akong tanggalin."
Winalis ni Mama ang nabasag namin while sinilip naman kami ni Papa. "Ryan, lalaki ka kaya dapat lakasan mo ang loob mo para lang diyan." Mahinang saway ni Papa kay Ryan kaya ningisihan ko siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang tanggalin ang bubog sa paa kaya sobrang sakit non. "Ahhhh!!! Ang sakit!"
Mabilis namang lumapit si Mama sakin at tiningnan ang paa. "Pakikuha ng first aid, pa." Mahinahong utos ni mama kay papa na sinunod naman agad ni Papa.
"Mama!" Biglang iyak na sabi ni Ryan at nilapit niya kay mama ang papa niya. "Sobrang sakit din po ng paa ko dahil sa bubog!" Umiiyak kunwaring aniya.
"Oh, sya titingnan ko rin yan." Nakangiting sagot naman ni Mama kay Ryan kaya inis ko siyang tiningnan pero binelatan lang niya ako. "Haha, kayong dalawa talaga. Kailan ba kayo magkakasundo?"
"Magkasundo naman kami ni ate, Ma, ah?"
"Magkasundo mo mukha mo! Upakan kita diyan, eh!"
"Oh, oh? Rejay ikaw ang ate ikaw dapat ang nagpapasensya sa kapatid mo." Saway naman ni Papa sakin habang naglalakad na siya palapit. "Marami-rami ka nang natutunan unlike sa kapatid mo. Itong si Ryan andami pa nitong lessons na dapat malaman pero antagal niyang matuto." Nakangiting puri naman ni Papa kay Ryan kaya napasimangot ako.
"Ganyan po ba siya ka-slow?"
Nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko nang tinuro ako ni Ryan. "Below the belt ka na, ate!"
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...