Jayjay POV:
"Ate Rejay!!!" Sigaw ng boses ng kapatid ko.
Gamit ang isang paa niya ay sinipa ako ng gagong sumaksak sakin para matanggal ang pagkakasaksak ng mahabang kutsilyo niya sakin kaya napahiga agad ako sa lupa at sumuka ng dugo dahil sa sakit ng ginawa niya.
May narinig akong daing at gulo sa paligid ko pero hindi ko agad magawang tingnan ang nangyayari dahil para akong kinakapos ng hininga at nang tumahimik na ay saka ko narinig ang hagulhol ni mama kaya kinuha ko ang buong lakas ko para tingnan sila.
Napaiyak agad ako nang makita ang nakahandusay na katawan ng kapatid at papa ko na wala nang buhay, parehong may saksak sa leeg kaya nanginginig na hinawakan ko ang saksak ko para hanapin si mama nang mahawakan ko sa bulsa ko ang regalo ni Lola dahil palagi ko yung dala dala.
Totoo yata yung kwento ni Mama... Isa yata to sa pamilya ng taong yun... Hinahaplos ko ang pendant ng kwintas at napahagulhol ng iyak dahil hindi ko man lang nailigtas ang pamilya ko. Sana... mabigyan ako ng pagkakataong ayusin ang gulo ng pamilya namin...
"Ahh!!!" Malakas na sigaw ni mama sa kusina saka ko narinig ang pagsaksak sa kanya ng kung sino.
Tahimik na napahagulhol pa ako sa narinig ko saka wala sa sariling nilabas ang relong regalo ng Lola ko. Napuno yun ng dugo ko dahil sa pagkakahawak ko sa sugat ko at doon. "I-I'm s-sorry, Lola... H-Hindi ko n-nagawang p-proteksyunan to... A-At a-ang..." Napasuka ulit ako ng dugo kong nanginginig na nakatingin sa kwintas na unti-unting nagiging Waxing Gibbous. "P-Pamilya n-natin..." At ang huli kong nakita ay ang First Quarter Half Moon. Nanginginig na napakunut-noo ako. Buma-backward?
Napatingin naman ako sa lalaki na lumabas ng kusina dala-dala ang matulis at mahabang kutsilyo na punung puno ng dugo naming lahat ng andito. Gusto kong tumayo at tumakbo para humingi ng tulong o di kaya ay sumigaw para humingi ng tulong ang kaso hindi ako makakilos sa sobrang sakit ng natamo ko kaya nang napatingin sakin ang mamatay taong yun ay pakamao kong hinawakan at tinago sa kamay ko ang kwintas na regalo ni Lola sakin at tahimik na humagulhol habang hinihintay siyang lumapit sakin para patayin ako.
Unti-unti nga siyang lumalapit sakin at nang nakatayo na siya sa gilid ko ay maingat pa siyang umuupo. Pinahiran pa niya ang pisngi kong basang-basa ng luha ko kaya kumalat sa mukha ko ang dugo naming lahat ng andito na nasa kamay niya. Kinuha niya ang kutsilyo saka niya yun pinahawak sa isang kamay kong walang hinahawakan.
"Sshh. Wag kang manginig last mo na rin naman ngayon kaya wag kang matakot." Pag-aalo pa niya sakin nang maramdaman niyang nanginginig ang kamay ko.
Gamit ang buong lakas niya ay hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng kutsilyo saka niya tinaas ang mga kamay namin sa ibabaw ng puso ko kaya pumikit ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
"Binibini?" Ako ay naalimpungatan nang may yumuyugyog sa akin kaya unti-unti kong minulat ang mga aking mata upang tingnan kung sino iyun. Si Anna. Madiin kong pinikit ang mga aking mata nang mapagtanto kong napanaginipan ko nanaman ang nangyari sa amin kaya ako napunta sa panahong ito. "Mayroon ka po bang problema, Binibini?" Kunut-noong nilingon ko siya at napansin kong nag-aalala ang ekspresyon niya nang abutan niya ako ng kaniyang panyo. "Ikaw po ay umiiyak, Binibini."
Bumangon agad ako at tumayo para tingnan ang aking sarili sa salamin nang makita kong umiiyak nga ako ay napatayo ako ng tuwid dahil naisip kong dahil iyun sa napaniginipan ko nanaman ang pamilya ko kaya naiyak ako.
BINABASA MO ANG
FMS #2- WHILOM
Historical Fiction"I love you not because I was once Aciano Avellaneda and met you at 1890 but becaue this is how I feel for you. I love you as me. Namely Ace Avellaneda." Hindi ko aakalain na isang makalumang kwintas ang huling pamana ng lola ko sakin. Isang kwintas...