Chapter 6

44 4 0
                                    

Chapter 6 : THE UNFORGETTABLE ACQUAINTANCE PARTY PART 1

Gill's PoV

Kakatapos lang ng training ko ngayong araw. Unti-unti na din akong naging sanay sa paulit-ulit na training ko araw araw.

Friday na ngayong araw at masasabi kong nahihirapan ako sa pag-aaral ko rito.

Ang sabi pa ni Chester kanina, na syang training coach ko, dodoblehin niya raw yung training next week. Muntik na nga akong maiyak dahil yung 10 sets of run ko around the field, ay magiging twenty na! Tas yung 100 sit ups ko, magiging 200 na!! Tas magiging 60 push ups naman yung dating 30.

"Lalaki katawan ko neto eh!! Magkakaroon ako ng malaking muscles panigurado sa loob lang ng isang linggo. Ayaw ko non!!" pagrereklamo ko habang pinupunasan ang pawis ko sa ulo at mukha. "Aish!!" frustrated na sabi ko at ibinato ang towel ko.

"Woaah!! Chill lang, Gill. Wala akong kasalanan sayo."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita. It was Charles!! Yung unang estudyanteng kumausap at tumulong sakin!! Yung napaghampasan ko din ng laptop ko kaya nasira ng wala sa oras.

Argh! Di ko pa pala yun napapa-ayos!

Hawak hawak niya yung towel kong binato ko na nasalo niya pala.

"Bat ngayon ka lang ulit nagpakita?" tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Bakit? Trabaho ko bang makipagkita sayo araw-araw?" tanong niya habang nakatukod ang mga braso sa sandalan at lumingon sakin.

I looked at him blankly. "Whatever." sabi ko at inirapan siya.

Tumawa si Charles at ginulo ang buhok ko. "Ano ba!" inis na sabi ko sa kaniya at inayos ang buhok ko.

"Nagbago ka, Gill."

"Hindi."

"Anong hindi?" tanong niya.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." pambabara ko.

Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Charles. "What?" napanganga pa sya sa naging turan ko sa kaniya.

"Itikom mo yang bibig mo kundi, ipapakain ko sayo tong towel ko." pambabanta ko sa kaniya kaya agad siyang napatikom.

Napailing-iling siya dahil ata sa attitude ko ngayon sa kaniya. Isang araw niya lang akong nakilala pero alam na alam niya kung nagbago ba ako o hindi.

Pero hindi ko na iyon pinansin.

Lahat naman ata ng mga estudyante rito eh may special skills. Tangna.

"Nagbago ka talaga. Anong nangyari nitong mga nakaraang araw at naging ganyan yung ugali mo?" kuryosong tanong niya sakin.

Napabuntong-hininga ako. "Eh kasi naman, di ko aakalaing mas nakakastress pa palang maging student council kaysa mag-aral." pagrarant ko. "Alam mo yun? Araw-araw kang may training tas di lang siya ordinaryong training lang ha? Ordinaryo naman ba kasi yung 10 sets at every set may 3 laps?!!" pagrereklamo ko pa at inis na sinipa ang bato sa paanan ko.

"Actually...... alam ko yung pakiramdam na yan. Or should I say, alam ng halos lahat dito ang pakiramdam na parang pinapatay yung katawan mo sa araw-araw na abnormal na training." sabi niya at sarkastikong ngumiti.

"Halos lahat na ba kayo nakaranas na maging isa sa mga student councilors?" nagtatakang tanong ko.

Umiling siya.

"Eh ano yun? Hindi kayo student councilors pero araw araw kayong pinaparusahan???"

"Parang ganun na nga. Pero buti nalang nagbago na lahat ngayon. Kung ako ang tatanungin, ayoko nang pag usapan pa ang estado ng eskwelahan noon." sabi pa niya at napabuntong-hininga nalang.

Demon University: Satan's SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon