Chapter 19 : HIGHER UPS
Gill's PoV
Mahirap mang gawin.
Mahirap mang magtiis.
Mahirap mang magpigil.
Pero dapat kong hayaan si Wendy na nakangisi pa rin sakin habang nagmimeeting kami at huwag siyang batuhin ng sapatos kong kati-kati ko nang ibato sa kaniya.
Kanina pa siya! Mula nung nakapasok siya dito sa meeting room at nakita kami ni Kamatayan! Nakangisi siya na parang may pinapahiwatig ng kung ano. Buti pa si Evan, kahit minsan walangh!ya, tinigilan na niya ako matapos niyang mang-asar ng isang beses. Nagawa pa daw naming gumawa ng kababalaghan kahit injured yung isang kamay ko!
Sa sobrang inis ko na din kasi, nakalimutan ko na yung braso kong may sugat. Hindi ko na ininda yung sakit nung gumamit ako ng llakas Hindi din ako sineryoso masyado ni Kamatayan kaya ang resulta, nagawa ko siyang matalo at maipaibabawan.
Gustong kong magsisi sa ginawa ko kanina lalong lalo na ngayon na pumipintig sa sakit yung braso kong may sugat kasi nabinat sa kalokohan kong ginawa.
D@mn that stup!d folder.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ang nakalipas mula nung nagsimula yung meeting namin. Wala naman talagang meeting na magaganap ngayon kaya lang, ang sabi ni Felix, kailangan niyang malaman lahat ng nangyari sa tournament noong nakaraang dalawang linggo.
Sinabi muna ni Felix yung mga nangyari sa ibang miyembro namin noong araw na iyon bago nagsalita ang iba kasama na ako at doon ko napagtagpi-tagpi na hindi naman dapat na manalo si Finral dahil nakuha ni Kamatayan yung iD niya na binigay naman sakin kaso lang, nagawa pa ng gagong iyon na manguha pa ng ID sa iba naming kasama at dun naman natalo sina Clover at East kahit pareho nilang nakuha yung mga ID ng mga kalaban nila.
Kamatayan was Finral's target and he successfully got Kamatayan's ID that caused Chester to lose kaya naging apat yung puntos niya kasama na nung dalawang ID na nakuha niya na may lamang tig iisang puntos. Hindi in-elaborate ni Kamatayan kung papanong nangyaring nakuha niya yung kay Finral na ID habang sa kaniya ay nakuha din ng huli.
Wala na ding nagtanong kaya hinayaan ko na yun.
Wendy, on the other hand, said that she saw me getting shot but wasn't able to come and look for me nang dumating si Evalyn na si Wendy pala yung target. For some reason, natalo si Wendy sa close combat nila Evalyn The Butiki na dahilan naman ng pagkapanalo ng huli at pagkatalo ni Wendy.
Si Evan naman na ang target ay si Evalyn na pinaglihi si super glue, hindi niya nagawang kunin yung ID ni Evalyn na kalahi ng rugbee dahil nakatas siya sa tulong ni Israel. Kaya naman madaling nahuli ni King, na nagkataong malapit lang sa lugar, si Israel na siya namang target niya dahilan upang natalo si Israel at nanalo naman si King.
Ang sabi pa ni Felix, hindi siya naniniwalang nagkataon lang na malapit si King doon. Iniisip niyang siguradong matagal nang sinusundan ng kapatid niya si Israel and I agree with him. Siya pa! Hindi na ako magugulat kung higit pa doon ang ginawa niya sa tournament.
Nanalo si Felix kasama si Frost at Keith, yung nagbigay sakin ng gamot bago pa nagsimula yung tournament. Naging madali lang ang pagkuha nila sa mga target ID nila kaya naman sa halos limang natitirang araw nila, Felix thought about returning to the campus secretly.
And something happened on our campus the day they returned.
Israel's group invaded our campus. Hindi sila masyadong marami sabi ni Felix but they were skilled. They are students but definitely not ordinary students.
"Underground society professional skilled young members." Sabi ni Felix. "Yan ang sabi ng isa sa mga umamin. They were being paid by a wealthy unknown man na alam na natin ngayon na si Israel." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Teen FictionAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...