Chapter 23 : HELLA-SPECIAL DAY
Gill's PoV
Pagkatapos ng mahabang gabing iyon, nakabalik kaming lahat ng ligtas maliban kay Keith na hindi na namin nakita pa. Ilang araw na din ang lumipas mula nung nangyari iyon at hanggang ngayon, wala pa ring Keith na bumalik sa University. Hindi din namin magawang malaman kung saan siya dinala dahil nakatakas si Mrs. Demon noong gabing iyon at hindi pa din umuuwi yung asawa niya doon. Kaya ang resulta, busy ulit ang buong council kasama na si King na halos hindi ko na mahagilap noong nakaraang linggo.
Masaya naman silang lahat na nakabalik na ulit ako kaya lang, kailangan ko pa ring tumanggap ng parusa galing din mismo sa kanila dahil nga nilabag ko yung utos ng buong student council. Okay lang naman sa'kin. Okay lang talaga kung wala lang ang mga buwisit sa buhay ko!
"Don't slack off. Marami pa oh."
Nilingon ko si Kamatayan na kasama ko na naman ngayon at masamang tinignan. "Bakit ka ba kasi nandito ha?! Wala bang klase?!"
Bored niya akong tinignan. "Malinaw na alam mong meron. Ayokong pumasok." sagot niya sa'kin at tinuro ang isang parte ng sahig. "May dumi pa dun oh. Hindi ka ba marunong mag-mop??"
Feeling ko tumaas yung lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko nang makita ko ang kakalinis ko lang na tiles ay may putik na naman!
What the fvck?!
Galit kong tinanggal ang sapatos ko at ibinato iyon kay Evan na patay-malisya lang na naglakad-lakad sa mga parte na tapos ko nang linisin. "EVAN!! Putangina, mapapatay na talaga kita!"
Gulat siyang napalingon sa'kin nang tumama yung sapatos ko sa likod niya kasabay ng sigaw ko. "Anong ginawa ko? Bakit parang galit ka?" painosenteng tanong pa niya sabay himas sa braso niya.
"Sa likod kita tinamaan, tanga!"
"Ay sa likod pala?" ngisi-ngising aniya.
"Bobo mo umacting, Yanagi. Hindi kita mabibigyan ng Oscar's nyan." sabi pa ni Kamatayan.
"Paturo nga master kung pano umacting." sakay pa niya sa katarantaduhan ni Kamatayan.
"Heh!" singhal ko sa kanila. "Lumabas nga kayong dalawa dito. Nandidilim na ang paningin ko sa 'nyo." sabi ko at pinagpatuloy yung pagmamop ko.
"Magandang hapon sa inyong lahat! Kumain na ba kayo?" Napalingon ako sa malaking pinto ng palasyo nang bumukas iyon at pumasok ang nakangiting Wendy. "How was my tagalog? Good, right?" tanong niya nang makalapit.
I gave her an 'OK' sign and went back to mopping. May quiz kami mamaya kaya kinakailangan kong magmadali dito at pumasok sa last subject ko.
"Oh! May dala nga pala akong pagkain. Kain kayo." sabi niya at inilapag ang apat na sandwich sa center table ng hall.
"Why are you speaking straight tagalog all of a sudden?" rinig kong tanong ni Kamatayan.
"Hm. Nothing---I mean, wala lang. Gusto ko lang maiba ngayon. Maganda kayang pakinggan yung tagalog." sagot naman ni Wendy.
"Weh? Sigurado ka? Di kaya straight kang nagtatagalog ngayon kasi sinabihan kitang conyo kahapon?" singit naman ni Evan.
Napalingon ako sa kanila nang may narinig akong taong napa-aray nang masapok sa ulo. Himas-himas ni Evan yung likod ng ulo niya habang masamang nakatingin kay Wendy.
"Alam mo, kaya wala kang boyfriend kasi sadista ka. Lakas pa makasabi ng maganda pakinggan yung tagalog, may accent naman yung tagalog niya." pangtutukso ni Evan kay Wendy na mukhang nainis sa sinabi niya.
"Yanagi," biglang seryosong tawag ni Kamatayan kay Evan kaya napalingon kaming lahat sa kaniya. "Do you want to clean the whole campus? I know you know that I don't tolerate bullying the most." malamig na aniya kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Teen FictionAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...