Chapter 11 : BACK TO DEMON DUTIES
Gill's PoV
"I really can't believe that your memories did came back." saad ni King habang naglalakad kami papunta sa office kung saan nandon silang lahat naghihintay. "Kailangan lang palang mauntog ka at matrigger yang alala mo."
Nginiwian ko siya. "Hindi ko alam na totoo pala yung mga nasa movies. Kung alam ko lang, simula nung nagkamalay ako noong naaksidente ako, inuntog ko na sa bakal ng kama yung ulo ko." sabi ko at natawa naman siya sabay gulo ng buhok ko.
"That would only hurt you, stupid."
Dramatic akong napatakip sa bibig ko. "Ay hala. Naalala ko lang na childhood bestfriend pala kita, sinustupid mo na ako." sabi ko at inukutan siya ng mga mata. Tinawanan niya lang ako. "Ay oo nga pala. Paano mo nalaman na nagka-amnesia ako dahil dun sa aksidente? Hindi ko naalalang binisita mo ko. Sinabi ba sayo ni daddy?" tanong ko sa kaniya at tinignan siya. "At nung nagising ako galing sa isang buwang coma, dapat nakaalis ka na non. So, how did you know na nagka amnesia ako?"
Napatingin siya sakin pero umiwas din kaagad ng tingin. Napakamot siya sa tenga niyang namumula." Uh.... It was a guess. Since I saw how your head bleed that day, I-I assumed that you will forget some things. That's how things work-----"
"Hindi totoo yan." putol ng kung sino sa sinasabi ni King.
Napalingon kami sa likod namin at napatigil sa paglalakad. Nakita namin si Felix na naglalakad papalapit samin habang nasa bulsa yung mga kamay niya. Nagningning ang mga mata ko.
Oohh. The brother hehe. Ang cute cute niya nung bata pa kami pero ngayon, hindi lang cute! Gwapo pa!
Napaubo siya dahil sa uri ng tingin kong pinupukol ko sa kaniya bago nagsalita. "He came back a few months after we left." pagkukwento niya at huminto sa harap namin. "Gusto ka niyang kamustahin. But when you two met, you didn't recognize him." dagdag pa niya.
Napalingon ako kay King. "Huh? Kailan yun?" tanong ko sa kaniya.
"I can't really remember but I'm glad that your memories came back." sabi niya at tinanguan ko lang siya kasi nag-iisip ako.
Imposibleng hindi ko siya maalala kasi minsan lang akong makakakita ng asul na mga mata sa pinas. Nagshades ba sya nun?
"It was your birthday party. I went to your house, all dressed up according to your theme." sabi niya. "There were a lot of visitors. Maybe, one of the reasons why you didn't remember."
Huh? So, noong 8th birthday ko yun. Sa pagkaalala ko, cartoon characters ang theme ko nun.
"Kung sinunod mo yung theme ng party ko, anong cartoon character ang sinunod mo?" tanong ko para maalala ko kung nandon ba talaga sya o wala at nagsisinungaling na naman 'to.
Napatikhim siya at umiwas ng tingin. "I-I was dressed up like erm---like J-Johnny Bravo." namumulang ani niya, hindi pa rin makatingin.
What?! Johnny Bravo?! Wtf?! Pft.
"Don't laugh at me and blame me for liking 'him' when I was a kid. And I liked having big arms and nice body in the past just like him...." sabi niya nang muntik na kaming matawa ni Felix. Pero mas lalo pa kaming natawa dahil sa sunod niyang sinabi.
HAHAHAHAHAHAHA POTANGINA!!
"HAHAHA! Johnny Bravo?! Really, brother? HAHAHAHA!" Tawang-tawa si Felix at napahawak pa siya sa tiyan niya kaya mas lalo akong natawa.
"Kaya pala di kita nakilala HAHAHAHAHA! LT amputek!" tawa-tawang sabi ko at napahampas sa braso ni King na masama na ang tingin samin. Pero tawang-tawa pa din kami ni Felix kaya umalis nalang si King at nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil kami ni Felix.
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Genç KurguAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...