Chapter 10 : LOST MEMORIES
Gill's PoV
"Les!"
Napalingon sakin ang isang batang lalaki nang tinawag ko siya. Nakangiti ko siyang nilapitan habang hawak-hawak sa likod ko yung gawa kong korona.
Dalawang taon ang agwat naming dalawa pero sobrang lapit namin sa isa't-isa. He is 9 years old while I am 7 years old.
"What is it? Magpapaturo ka na naman ba sa assignment mo?" tanong niya kaagad sakin nang makalapit ako.
"Nope." Iling ko sa kaniya. "Can you close your eyes for me?"
Nagtataka niya akong tinignan. "Why? Are you going to do something horrible to me again?" tanong niya at napaatras.
Napabungis-ngis ako at umiling. "Promise. Magugustuhan mo 'to. Dali na!!"
Nawawalan ng choice siyang pumikit. The small me tried to reach his head but failed so I asked him to bend a little, which he did.
I excitedly put my handmade crown in his head. "You can open your eyes now." sabi ko.
Iminulat niya yung mga mata niyang gustong-gusto ko. Dahil para iyong dagat sa ilalim ng asul na kalangitan.
Nagningning ang mga mata ko nang makita kung gaano kabagay sa kaniya magsuot ng isang korona.
"What is this?" tanong niya at hinawakan yung koronang isinuot ko sa kaniya. "A crown?" Napangiti siya nang sinabi kong gawa ko iyon.
He said that he will keep it as his remembrance of me. I looked away when I remembered that he will leave the town by tomorrow.
I'm im the verge of crying and I don't want him to see cry so, I run.
Tumakbo ako palayo sa kaniya pero hinabol niya ako. Lumabas ako ng gate ng school namin. He was shouting for my name. Pero hindi ako lumingon dahil umiiyak na ako.
Nakita ko si mommy sa kabilang gilid ng kalsada kaya diretsong tinawid ko iyon. She was smiling widely at me but her smile immediately fades when she saw me crossing the street.
A loud beeping of a truck echoed my ear as I saw my mother running towards me and hugged me tight while her one hand covered my head as if it was protecting me. She turned around and then I felt a strong force hit us from behind.
Nabangga kami ng malaking truck na paparating at tumilapon sa kung saan. The hand of my mom, protecting my head, was not enough to protect me from hurting my head. Umuntog yung ulo ko sa kalsada at napagulong-gulong.
My head and body was hurting but I still managed to open my eyes. Nakita ko si mommy, di kalayuan sakin, nakahandusay at walang malay habang may dugong lumalabas mula sa ulo niya.
"Mommy!!!!"
Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko nang mapasigaw ako. Ramdam ko ang pawis na tumutulo mula sa noo ko.
A dream?
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit iyon. Doon ko napansing may kung anong bagay ang nakaturok sa kamay ko. May bandage din ako sa ulo. Napatingin ako sa paligid. Puti ang kulay ng mga dingding at amoy gamot din ang paligid.
Nasa hospital ako?
Inilibot ko ang paningin ko at nagulat nang makita si kamatayan na nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin habang may hawak na libro sa mga kamay. Gulat na gulat siya at hindi pa sana makakabawi kung hindi lang nahulog yung librong hawak-hawak niya.
BINABASA MO ANG
Demon University: Satan's School
Genç KurguAng istoryang ito ay tungkol sa isang eskwelahan na walang ordinaryong patakaran na kailangang sundin ng mga estudyante sa isang eskwelahan. Nababagay lang dito iyong mga estudyanteng pasaway katulad nalang ni Gill. Si Gillian Hesley Anderson ay na...