Chapter 3

77 5 0
                                    

Chapter 3: HELL DAY

Gill's PoV

Mahigit tatlong linggo na ang lumipas at unang araw na ng pasukan ngayon.

Matapos ang araw na iyon, wala na masyadong nangyari. Maliban sa naging kaibigan ko lahat ng house mates ko.

House mates? Pft! PBB lang teh!

Pero seryoso, ang cool ng masyon! Tig iisa kami ng kwarto with bathroom na yan! Tas may gym pa at swimming pool sa backyard. May garden din at library.

Ang nakakainis lang. Madalas akong maligaw. Kaya hindi ko masyadong napupuntahan.

"Gill! Class B tayong dalawa!!" sigaw ni Hevs habang tumatakbo papalapit sa'kin.

Heaven Vaisco, isa sa mga naging kaibigan ko. Sa dami ng estudyante rito sa cafeteria, madali ko pa ding nahanap siya. Eh kasi naman po, sya lang yata ang may dilaw na buhok sa buong campus. May lahing Amerikana ata siya. Kasama niya si Mandy Towerhoode. Best friend niya at kaibigan ko rin.

"Talaga? Eh ikaw Mands?" Tanong ko sa nakasimangot na si Mandy.

"Unfortunately, hindi natin sya kaklase. Alam mo namang ibang klase ang talino ni Mands, diba?" sabat ni Hevs.

Well, that's true. Nalaman ko yan nung tinanong ko sya kung gaano kalaki ang Zullivan Mansion. Inilibot lang niya ang tingin niya sa buong sala at walah! Alam na niya.

"Hoy! Hindi ko na kaya ginalingan sa written exam! Ewan ko, ba't Section A nanaman ako." Pagmamaktol pa ni Mandy at pasalampak na umupo sa tabi ko. Tinawanan ko lang sila.

"Hello everybody!! Andito na mga pagkain niyo! Salamat sa'kin." Biglang sulpot ni Nicole at inilagay ang mga pagkain namin. Kasama niya si Quin na tahimik na umupo sa harap ko.

"And sa'kin." Maikling dugtong ni Quin.

Nicole Hesteria and Quin Olympus are the oldest Zullivans. Sa sususnod na buwan pa ang pasok ng mga college students dito. Di ko lang alam sa dalawang 'to at nandito sila.

Tahimik kaming kumakain nang biglang may narinig kaming mga nabasag. Napalingon kaming lahat sa isang grupo ng mga lalaking galit na galit at sa isang nerdy boy.

Mukhang nabangga niya sila sa ayos ng tayo nilang lahat. Medyo malayo sila sa'min kay di ko masyadong naiintindihan ang mga pinagsasabi nila. Pero mukhang sinagot sagot nung nerd ang grupo kaya naman nakatanggap ng suntok yung nerd.

"Oww." Rinig kong sabi ng mga tao pero bumalik lang din sa ginagawa.

Sa sitwasyong ganyan kasi, pakabait ka nalang!

"Oh? Ang init naman yata ng ulo ng mga Alcadians?" Komento ni Nicole.

Alcadians? Halaaaa!! Yun ba yung mga nakalaban ko?!

"Di mo ba alam? May apat silang miyembro na napatay ng isang bagong babae. Di nila mahanap kaya galot na galit." Sabat naman nung babaeng dumaan lang at saktong narinig ang komento ni Nic.

Napalingon naman silang lahat sa'kin.

"I have this feeling na ikaw yung tinutukoy nila, Gill!" Sabi ni Heaven na nanglalaki ang mga mata at niyugyug ako.

"Anong feeling?! Gaga! True yan!" Sabi pa ni Nicole at binatukan si Heaven.

Dali-dali namang tumayo si Mandy at kinuha ang mga gamit ko sabay hila sa'kin patayo.

"Gill! Umalis ka na dito!! Bilis!! Tara!" Tarantang sabi ni Mandy at kinaladkad ako papalabas ng cafeteria.

Wait lang! Huhu! Ano bang nangyayari! Papatayin ba ako ng mga taga Alcadia??? Fuck! Kasalanan to ng Madam Pef na iyon!

Demon University: Satan's SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon