Chapter 13

54 3 2
                                    

Chapter 13 : THE TOURNAMENT PART 1

Gill's PoV

"Gusto ko.... Kapalit ng buhay ng babaeng 'to......

.... Gusto kong maging samin na yung campus niyo." sabi niya na nakapagpalaki ng mga mata ko.

What?!

Is he insane?!!

Napalingon kaagad ako nila King. In this case, sigurado akong mas pipiliin nila yung campus over me.

Kakilala lang nila sakin last month and it is definitely not long enough habang nagseserve naman sila para sa demon university over years na. Anong laban ko sa buong university?

Kaya gulat na gulat ako sa naging sagot ni King.

"Okay. Fine. Take the campus. Just let Gill go." sabi ni King habang seryoso ang mukha at walang bahid ng pagbibiro ang boses.

"Anong sinasabi-----"

"Take what you want assholes. Mukhang mga wala naman kaming pinaglalaban don." sabi naman ni Wendy kaya mas lalo akong nagulat. Tumango pa sila Felix bilang pagsang-ayon.

Is this a trap? Are they already planning something?

Palihim kong siningkitan ng mga mata si Wendy. Tinignan niya ako at bahagya siyang tumango. So I was right!

Ambilis naman nilang mag-isip!!

"You heard that Israel? Palayain mo na ako." sabi ko pa pero laking gulat ko nang mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sakin at mas itinutok pa niya yung kutsilyo!!

"Do you all think that I'm dumb and a fool? Ha!! Think twice!! Hindi ako naging presidente ng campus na'to kung hindi ako marunong mag-isip!!" sabi niya. Ramdam ko na yung galit niya at parang anytime papatayin na nga niya talaga ako.

Darn! Hindi siya kumagat!

"Masyado niyo naman ata akong minamaliit? Baka nakakalimutan niyong natalo namin kayo nung huling pagkikita natin?....... "

Huling pagkikita? Kailan yun?!

"....... Alam kong kapag pinalaya ko na ngayon 'tong babaeng' to, susugurin na ninyo ako at hindi ko makukuha yung gusto ko!! Ganyan naman kayo diba? Mga pangit kung maglaro!!" sigaw niya.

"Then you aren't?" pagbabalik ni King sa kaniya. "Who's group went to other campus to plant bombs and kill inoccents? Is it us? Is it us who break the promise not to trespass other campus unless being invited, huh!?" galit na sabi ni King.

"Bakit?! Kami lang ba ang nagtrespass ha?! Bakit di niyo tanungin 'tong babaeng' to ngayon?! At gumawa pa talaga ng scene sa isa sa mga dorm houses namin!!" sabi niya at tinuro ako!! Napanganga ako dahil don.

Gago 'to ah?! Ginusto ko ba iyon?!

At dahil nga napikon na ako. Kinuha ko yung kamay niyang may kutsilyong nakatutok sa leeg ko at buong lakas iyong iniikot papunta sa likod niya.

"Putangna mong gago ka ah?! Naligaw lang ako punyeta mo!!!!" sigaw ko sa kaniya at pinilipit ang kamay niya dahilan upang mabitawan niya yung kutsilyo.

"Arggh!! Bitawan mo ko!!" sigaw niya.

"Bobo! At bakit kita bibitawan? Binatawan mo ba ako?! Hindi diba??" tinulak ko siya paibaba kaya ngayon nakadapa na siya sa sahig habang hawak hawak ko siya. Pinatungan ko pa para hindi talaga siya makatakas. "At saka di ako ang nagpasimuno doon sa dorm, shit ka!!! Yung mga babaeng nandun ang unang nanira sakin!!! Gusto ko lang kumain. Aba't binigyan ba naman ako ng attitude?!!" galit na sabi ko sa kaniya.

"Gill!! Fuck! Your arm is bleeding! Umalis ka na jan." hinawakan ako sa balikat ni King na hindi ko namalayang nakalapit na pala at inalalayan akong tumayo.

Demon University: Satan's SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon